C35 ANONYMOUS
MAHIGIT DALAWANG oras mahigit yata silang nag-utuan ng walong buwang sanggol na apo ni Nanay Tilde. Lahat na yata ay ginawa niya para lang tumigil ito sa pag-iyak pero walang epekto kay Codie na ipinaglihi yata sa isang bobcat. Sumayaw na siya. Kumanta na rin. At sinubukan na rin niyang tumula. If only, her siblings saw what she was doing right now
