+ Add to Library
+ Add to Library

C4 GOLDEN BUDDHA

"You guys, ready?"

Boses iyon ni Kimhan na ang kausap ay ang isang bodyguard na isasama nito sa isang private beach sa labas ng Quezon. Mayroon kasi itong kausap na mga Russians na sinadya pang pumunta sa Pilipinas para sa deal na gagawin. Malaking transaction ang mangyayari dahil hindi birong halaga ang kapalit ng gintong Buddha na nakuha pa ni Kimhan sa isang malaking bidding event sa London noong nakaraang buwan.

"Yes, Young Master!" seryoso at walang piyok na tugon ng siyam na lalaking sumaludo pa kay Kimhan.

Tumango-tango si Kimhan bago mahinang tinapik ang balikat ng isa sa mga ito.

"Remember, there's no room for any kind of failure," paalala niya rito. "Am I clear, Olie?" turan ni Kimhan sa lalaking siyang head bodyguard sa team niya.

Kanya-kanya kasi sila ng team dahil magkaka-iba din ang expertise nilang magkakapatid. At bawat isa sa kanila ay mayroong head bodyguard na siya namang namamahala sa iba pang bodyguards na hawak ng mga ito. Ang ama nilang si Lion Guerrero ang siyang headmaster ng Octagon, ang pinakamataas na katungkulan para sa isang mafia organization at ang kaibigan naman nitong si Francis Aguilar ang siyang pinagkakatiwalaan nitong advisor. Si Francis Aguilar din ang private attorney ng Octagon.

"Roger that, Young Master!" Malakas ang boses na sagot ni Olie kay Kimhan na muling tumango-tango.

"Good...that's good!" aniya rito bago tumalikod.

Natanaw niya kasing kausap ng kapatid niyang si Adrielle ang bago nitoonng bodyguard. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito. Napailing na lang siya sa kalokohan ng bunso niyang kapatid.

"Hey, El..." tawag ni Kimhan sa kapatid nang ilang metro na lang ang layo niya rito at sa bodyguard nitong si Bob.

Bago lang ang lalaki sa Octagon. Mahigit tatlong buwan pa lang yata ito roon. Kagaya ni Adrielle ay hindi rin niya maintindihan ang ama nilang si Lion nang magpasya itong kuning bodyguard si Bob. Malaki ang pagdududa nilang magkakapatid sa totoong motibo nito sa pagpasok sa organisasyon.Hindi lang kasi isang beses na may nakapasok na spy sa Octagon kaya kaagad na pina-imbestigan ni August ang lalaki kay Crimson. Malinis ang record ni Bob ayon sa kapatid nilang siyang head ng intelligence ng Octagon. Hindi siya naniniwalang wala itong bahid na kahit ano. Masyadong malinis ang record nito and it seemed odd to him.

"Hello there, Kim!" Ganting bati ni Adrielle. "What's up?" dugtong na tanong nito na bahagyang tinanguan ang kausap na si Bob.

"Does your guy have something to do today?" tanong ni Kimhan kay Adrielle na kaagad na umiling bilang tugon.

"Why?" balik-tanong ni Adrielle sa nakatatandang kapatid.

"I have a—"

"Operation?" putol ni Adrielle sa iba pang sasabihin ni Kimhan. "you want me to come with you?" tanong niya rito.

Nagkibit ng balikat si Kimhan bago inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot na pantalong maong.

"Azi and Crim are already with me." tugon ni Kimhan.

Umangat ang kilay ni Adrielle. "What then?" tanong niya kay Kimhan.

"My men might need an extra hand there," ani ni Kimhan na sinundan pa ng pag-ikot ng mga mata nito pataas. "you won't mind if I borrow your guy, would you?" patuloy niyang kaagad na tinugon ni Adrielle ng ngiti.

"Yeah, sure," sagot niyang kumapit pa sa braso ni Kimhan. "Just make sure, you bring back my "guy" alive, bro," aniya pang ikinatawa ni Kimhan.

Sinasabi na nga ba niya. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga ngiti ng bunso nila.

"But of course pero hindi ko maipa-pangakong uuwi siya sa iyo na walang gasgas,"

"As long as there's still a bit of breath left in him, bring him back to me." Ani ni Adrielle bago tuluyang nagpaalam kay Kimhan. "I gotta go, Kim. I just remember, Reaper is waiting for me in the training ground. You take care, okay?.." Aniya rito bago nagmamadaling naglakad patungo sa dereksiyon ng training ground.

Naiiling na sinundan na lang ni Kimhan ng tingin si Adrielle. Hindi na siya magugulat kung isang araw ay bigla na lang nitong i-announce sa harapan nila na magpapakasal na ito at ang kababata nitong si Reaper.

Reaper is a good choice anyway. Kasabay itong lumaki ni Adrielle. Nasubaybayan nila ang lalaki simula pa noong araw na natagpuan nila ito at si Adrielle sa Recto, Manila. Kung hindi lang pinalabas ng bansa ng Daddy nila si Adrielle ay tiyak niya na kasabay din nito sa training ang kababata nito.

--

"Where's El?" tanong ni Dalton sa kaharap na si Russet.

Right on cue, Adrielle appeared in the weapon room. Nakatali ang buhok nito sa likod at may suot na itim na sumbrero. Croptop na itim at itim ding leggings na pinaresan nito ng puting sneakers.

"I'm here, Da" turan ni Adrielle na kaagad na sinalo ang baril na hinagis dito ni Russet.

"Ready?"

Sa halip na sumagot ay hinipan lang ni Adrielle ang dulo ng hawak na baril bago iyon isinukbit sa beywang nito. Kumindat siya sa kapatid bago tumingin kay Russet.

"Daggers?" tanong ni Russet sa dalawang kapatid na kasama nitong pupunta sa location nina Kimhan, Azure at Crimson.

Kimhan's transaction with the Russians was compromised. Ayon kay Crimson na siyang nagpadala sa kanila ng mensahe na kailangan ng mga ito ng back-up. Mayroon daw kasing natanggap na information ang mga Russian na may paparating na mga pulis sa kinaroroonan ng mga ito. Na-alarma ang mga banyaga at pinagbintangan sina Kimhan at Azure na kasabwat ng mga paparating na mga pulis. Nauwi sa sagupaan ang dapat sana ay maayos na transaction ng Octagon sa mga Russians. Their brothers are out numbered dahil nang malaman nang ni Kimhan na may paparating na mga pulis ay kaagad nitong pina-alis sa lugar ang ilan sa mga tauhan nito. Ipinaubuya nito kay Olie ang pagharap sa mga pulis. Ang tanging natira sa lugar ay sina Kimhan, Azure, Crimson at Bob saka ang naiwang tatlong bodyguards nito.

"Yes, please..." tugon ni Adrielle bago tumalikod na para sumunod kay Dalton na palabas naman na ng weapon room.

Mabilis namang inabot ni Russet ang tatlong dagger na nakapatong sa mahabang mesa. Magkaiba ang sukat at design ng mga iyon at tiyak niyang masarap ding gamiting pang-gilit sa leeg ng kalaban. Ipinasok niya iyon sa bulsa ng suot niyang camouflage pants bago sumunod sa dalawang kapatid. Magkasunod silang naglakad patungo elevator. Apat na palapag ang mansion kaya nagpalagay si Senor Lion ng elevator para raw mabilis silang maka-akyat at makababa kapag mayroong emergency na kagaya na lang ngayon.

Habang nasa loob ng elevator ay sumulyap si Dalton sa suot nitong wristwatch. It was already past eight in the evening. Halos twenty minutes ang nakalipas pagkatapos matanggap ni August ang mensahe ni Crimson. And Crimson particularly mentioned in his message that they only have one hour left to rescue them.

"Damn it!" Madilim ang anyong mura ni Dalton kasabay ng pagkuyom ng mga kamao nito.

Mahinang tinnapik ni Russet ang balikat ng nakatatandang kapatid bago seryosong nagsalita.

"Relax...we got this, bro. This ain't the first time anyway."

Nauunawaan niya kung bakit ganoon si Dalton. Kung malapit silang dalawa ni Adrielle, si Kimhan naman ang ka-close ni Dalton. Mas malapit ang dalawa kesa kay Trigger na siyang kakambal ni Dalton. Close in a way na madalas ang mga ito na magkasakitan. In short, parang aso at pusa ang dalawa pero kapag may isa sa mga ito ang nalagay sa alanganin, asahan na ring unang darating para magrescue ang isa pa.

Kagaya na lang ngayon, nang sabihin ni August na nasa alanganing sitwasyon si Kimhan ay kaagad na tumayo si Dalton. Ni hindi na nito hinintay ang sunod na sasabihin ng panganay nilang kapatid kaya ibinilin na lang nito kay Russet ang mga dapat nilang gawin.

"We'll get them in time, Da," turan naman ni Adrielle habang nakasandal sa salaming dingding ng elevator at nilalaro sa kamay ang maliit na dagger na ibinigay sa kanya ni Russet.

Ilang saglit pa ay naroon na sila sa malawak na garahe sa labas ng mansion. Naabutan nila roon ang ama nilang si Lion na nakatayo habang nakasalpak sa bibig nito ang tobacco.

"Bring your brothers back, Dalton," turan nito nang tumapat sila dito.

"I will, Dad," blangko ang anyo na tugon ni Dalton. "We will..." ulit pa niya bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse. Si Russet ang magda-drive kaya sa shotgun seat siya umupo samantalang si Adrielle naman ay sa backseat.

"And, Adrielle?" tawag ni Senor Lion sa bunsong anak at kaisa-isang babae sa walo.

Dumungaw si Adrielle sa bintana ng kotse bago nakangiting tumingin sa ama.

"Yes, Dad?" matamis ang ngiti sa mga labi na untag niya sa ama kahit pa tila alam na niya ang sasabihin nito.

At hindi nga siya nagkamali.

"Patience..." bahagyang kunot ang noo na turan ni Senor Lion sa bunsong anak.

Sa walo niyang mga anak ay si Adrielle ang may pinaka-maiksi ang pasensiya kaya madalas itong naiipit sa gulo noong nag-aaral sa pa Japan. Ilang beses na itong na-kick out sa pinapasukang university dahil hindi lang isang beses na may binalian ito ng buto na makulit na manliligaw.

Umikot ang mga mata ni Adrielle pataas nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama.

"Yes, Dad," labas sa ilong na sagot niya bago sinenyasan si Russet na magmaneho na.

Napa-iling na lang si Senor Lion habang tinatanaw ang papalayo nang sasakyan ng tatlo niyang mga anak. Hindi na bago sa kanya ang malamig na pakikitungo ni Dalton sa kanya. Simula nang araw na dumating ito sa mansion, ni minsan ay hindi niya ito nakitang nakangiti kapag nakaharap sa kanya. At ito lang din ang malakas ang loob na salungatin siya kapag hindi ito sang-ayon sa kanyang plano.

"Mahaba naman ang pasensiya ko, ah," nakangusong usal ni Adrielle nang makalayo na sila sa mansion. "'di ba, Russ? Sagutin mo ako, Da," baling niya sa dalawang kapatid na sandali pang nagkatinginan bago tila napipilitang tumangoo.

"Yeah, right," turan ni Russet na may kasamamg ngiwi.

"Hmm..." simpleng tugon naman ni Dalton bago isinandal ang likod sa upuan. "faster, Russ," baling niya kay Russet.

Napa-irap naman si Adrielle dahil sa sagot ng dalawa.

"Tss, boring..." aniya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height