C31 Invited
Lumipas pa ang napakaraming mga araw... hapon... at gabi... Nagkaroon na kami ng mabuting koneksyon ni Trevor. Kung noon ay dalawa lamang kami kapag nagbe-break o di kaya naman ay lumalabas, ngayon tatlo na dahil nakiki buddy na rin si Seyah. Simula kasi noong nagkaalitan kami ni Trevor, si Seyah ang nakasama ko kaya ngayon ay hindi ko sya maiwan