C37 Pills
"Sherin, dito ka, maupo ka muna. Mainit dyan at mukhang mamaya pa sila dadating." Nilingon ko si Trevor sa tabi ko nang magsalita sya. Tinapik nya ang space sa tabi nya kung saan nya akong gustong paupuin. Binigyan ko sya ng tipid na ngiti bago naglakad palapit at naupo sa gilid nya. Bahagya pang naningkit ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw
