C38 CHAPTER 38
CHAPTER 38
Hinawakan ko ang kanyang kamay at bigla siyang na patingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya at may lungkot dito, para tuloy siyang batang napangakuan ng candy pagkatapos ay binawi. Ngumiti ako ng matamis at saka ko siya biglang hinagkan, ‘yong mabilis lang. Nanlaki ang mga mata niya.
"Magpapakasal ako sa'yo," sabi ko na sinundan muli ng ngiti
