C48 CHAPTER 48
CHAPTER 48
Nagising ako na nasa kama ako ng ospital. Naalala kong nawalan nga pala ako ng malay. Luminga-linga ako, hinahanap ko si Dave. Alam kong hindi niya ako iiwan sa ganoong kalagayan.
Pero bigo akong Makita siya. Napatingin ako sa ulo nang taong nakayukyuk sa kama ko. Hindi ko malaman kung sino ito dahil sa nakayuko
