C49 CHAPTER 49
CHAPTER 49
Hindi kami lalong nakakilos, maging ang mga tauhan ko na nasa labas ay walang nagawa dahil sa nakakuha ito ng babaeng magagamit para makatakas siya.
"Kuya Edmon 'wag ka nang mandamay pa ng ibang tao!" sigaw nanaman ni Annie.
Hindi ko maintindihan kung bakit pilit pa niyang kinakausap ang lalaking ito na nababaliw na dahil lang sa pagkaganid sa yaman at kapangyarihan
