C51 CHAPTER 51
CHAPTER 51
"Ano ba! Ba't ba sunod ka nang sunod sa 'kin?!" inis kong bulyaw sa kanya.
"Bakit ba ang sungit mo? Tinatanong ko lang naman kung ano bang pakiramdam mo? Para makatawag ako ng doktor."
"Puro ka na lang doktor! Nandito na nga tayo sa ospital! Magtapat ka nga may sakit ba ako?" naiirita kong tanong sa kanya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang bilis kong maiinis sa kanya
