HE IS OLDER THAN ME/C6 CHAPTER 6
+ Add to Library
HE IS OLDER THAN ME/C6 CHAPTER 6
+ Add to Library

C6 CHAPTER 6

CHAPTER 6

April 2005

ONE MONTH LATER

Natapos na nga ang buwan ng Marso at dumating ang buwan ng Abril, ito ang isa sa mga araw na pinakahihintay ko sa aking buhay. Well, sino ba naman ang taong ayaw dumating ang kanyang kaarawan. Hay, ano na kaya ang magaganap sa aking birthday? Sa pagdating ng araw na iyon ay magiging ganap na akong seventeen years old.

Pero naisip ko hindi pa iyon sapat para payagan ako nina mama at papa na maka punta sa abroad ng mag-isa. Syempre nag-iisa akong bababe sa aming pamilya kaya naman sina papa at mama ay lubos ang pag-aalala sa akin.

Naalala ko nang sabihin ko ang mga plano ko matapos ang graduation namin.

“Bakit naman sa America mo pa gustong mag-aral ng pag du-doktor Annie? Marami namang ditong magandang University na pwede kang matuto?” sabi ni Mama. Nag-uusap kami pagkauwi naming lahat sa bahay after nang dinner namin sa resto.

“Ma! Please understand me, I need this for my self! Masama bang mangarap ako para sa pamilya natin? Gusto ko lang namang makatulong pagdating ng panahon sa inyo.” Sabi ko kay mama sa pagnanais na amunawaan nila ako. Naka upo lang ang apat kong kuya sa sopa. Pati sila ay against sa pagnanais kong mag-aral sa abroad.

“Para ano!? Para maging under ground doktor ka? Anak hindi ako papayag! Hindi kami nagtayo ng ganitong business para ilagay kayong mga anak namin sa kapahamakan! Lalo kana at babae ka!” Galit na sabi ni mama,ng mga oras na iyon ko lang narinig na nagtaas ng boses sa akin si mama. Duon niya lang din ipinahayag ang tunay niyang saloobin patungkol sa negosyong sinumulan ni papa.

“Mama! Ano ba yang sinasabi mo sa harap ng mga anak natin!?” sumigaw naman si Papa para lang tumigil na si Mama sa pagsasalita ng kung ano-ano tungkol sa business namin. Marahil ay ayaw ni papa na kapagsalita pa si Mama ng anuman tungkol sa negosyo.

“Bakit Hon.! Ayaw mong marinig nila na talaga namang hindi ako sang-ayon sa business na itinayo mo! Kung ang mga anak ko na ang nakasalalay! Ina ako na gagawa ng paraan para lang mailayo ang mga anak ko sa kapahamakan!” sabi muli ni mama.

Nang mga oras na ‘yon din lang ko, nakita ang mga magulang kong nagtalo sa harapan ko, noon sa twing may problema ang negosyo ay palihim silang nag-uusap. O kahit ano pa mang di pagkakaunwaan nila. Pero this time they arguing in the front of us.

“Mama, tama na nga po yan, naninibago na po sa inyo si Annie oh. Let us talk later kapag okay na po kayo.” Sabi naman ni kuya Mon. Ang isa mga kuya ko. Hindi ito dating nagbibigay ng opinyon pero nung time na iyon ay hindi niya naiwasang magsalita.

“Okay fine Ma, Pa, lets talk later,” sabi ko naman na itinaas na ang isang kamay ko tanda ng pagsuko no’ng mga oras na iyon, just for that time. Dahil wala sa isip ko na isuko ang pagpunta sa abroad. Lalo na’t may isang taong nangako sakin na hihintayin niya ako.

“Okay, tama na ang usapang ito, tapos na ‘to, okay ayaw ko na buksan pa uli ang usapang ito dahil buo na ang dasisyon ko, hindi ka aalis.” Sabi ng Mama ko na kinagulat naming lahat.

Imagine nakapag dasisyon na si Mama para sa sarili kong buhay at kinabukasan. Nais ko lang naman na magpakadalubhasa sa pagdu-doktor nang sa ganon ay maging kapaki-pakinabang naman ako sa bansang ito. O hindi ko na kailangang gawin iyon dahil mayaman na kami.

Naiisip ko tuloy, ganito ba talaga ang mundo, kailangan ‘yung may mga pangarap na matutupad at magpu porsige ay ‘yung mga mahihirap lang? Kagaya ng mga kwento sa teledrama at mga poketbook na nababasa ko. Hindi ba pwedeng mayaman ka at may pangarap sa buhay. Ah, ang hirap naman isipin noon.’Yung ibang mga magulang natutuwa sa mga anak nila kapag may pangarap ang mga anak nila na gustong matupad.

“Hey!” malakas na sambit ni kuya Shiemen sabay tapik ng malakas sa likod ko.

“Aray!” sabi ko dahil sa bukod sa nagulat ako ay nasaktan pa ako. Medyo may katabaan kasi si kuya Shiemen, kaya malalaki at mabigat din ang mga braso nito. Anuba naman sa payat kong katawan. Nasa five-four ang taas ko at ang timbang ko ay nasa forty-five kilo lang at ang kuya kong ito ay may timbang na seventy kilo mahigit pa. Bukod diyan ay nag dyi-gym pa ito kaya nadagdagan pa ng mucsel ang timbang nito.

“Ano, wag mo masyadong dibdibin si mama ha, hayaan mo lang siya makakpag-isip din iyon,” sabi nito na alam kong pinapagaan lang naman ang loob ko.

“Yeah, I know kuya,” malungkot kong tugon kay kuya. Bumuntong hininga na lamang at iniwan din ako. Pero hindi naman talaga iyon ang inaalala ko, may isang bagay ang gumugulo sa akin. At iyon ay ang matandang lalaki na laging nasa isipan ko. Si Dave Santivaniez.

Isang buwan narin ang nakakararaan ng maganap iyon. At ayan na nga malapit na ang kaarawan ko. Narinig kong nagpaplano na si Mama patungkol sa event ng 17th birthday ko. Hala, si Mama para bang debu ang ino-organize niya. Gusto ko sanang awatin si mama sa mga pinagsasabi niya sa event organizer na kinakauspa nito, tila nakalimutan yata ng mother ko na ika-labing pitong kaarawan ko lamang ito at hindi pa debut. Nakita ko naman ang reaksiyon ng babae habang kausap ang Mama ko.Napapangiwi ito habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Mama. Pero sa lahat ng mga sinabi ni mama, isa ang nakapukaw ng atensiyon ko. At ang nanahimik kong puso ay bigla nalang tumalon sa tuwa.

“Okay, sa Santivaniez Luxury Hotel ito gaganapin.” Narinig kong sinabi ni Mama kay Miss Eliza.

Kaya naman napalapit ako sa kanila, “Ma, saan po gaganapin ang birthday ko?” tanong kong nagpakakaswal lang ako pa ra ‘di si Mama mag-isip ng kung anuman.

“Sa hotel, si Mr. Santivaniez naman ang nag-offer anak, kaya hindi masyado malaking gagastusin natin. Kasi bilang naging kaklase mo naman daw ang pamangkin niyang si Carol, kaya gift na lang daw niya iyon.” Nakatawang sabi ni Mama. Napansin kong natutuwa si Mama sa client nilang si Dave. “Hay. Anak, ang swerte natin dahil naging kliyente natin ang taong iyon, napaka generous niya sa ating pamilya.” Sabi pa uli ni mama.

Nagtataka lang ako kung bakit ba ginagawa ni Mr.Santivaniez ang lahat ng ito. Kaya tuloy ako lalong naguguluhan. Madalas pa niyang gamiting dahilan ang pagiging magkaklase namin ni Carol.

A Few Days Later:

At dumating na nga ang araw ng aking kaarawan. Lahat ng mga class mates ko ay invited sa aking birthday party. Sina Joan, Shiela at Carol ay naroon din. Marami pang mga tao ang dumalo sa kaarawan kong, nagmistulang hindi birtday party kundi event for the client.

Dahil halos seventy persent ng bisita ko ay puro client at business partner ni Papa ang dumalo. Marami ring iba pang buseness owner na naroon. Mayroon ding politiko na nag-speech pa ng plataporma niya sa darating na halalan.

Bagay na siyang ikinainis ko kay Mama at Papa. Ang gusto ko sana ay maging exclusive ang birthday party ko kasama ang mga kaibigan ko at tanging mahahalagang tao lang sa buhay ko. Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang offer ni tanda! Kaya ngayon naiinis na ako sa kanya!

Ang birth day ko na dapat ay ako ang bida, ay! Ano na. Wala, ni wala nga akong speech eh, o pasasalamat manlang. Kaya naman ang mga friends ko at classmates ay nag misstulang mga gate crasher sa loob ng hotel na iyon kung saan nagaganap ang aking birth day party kuno!

“Huh! Kainis sila!” sabi ko kina Joan na kausap ko sa labas.

“Hayaan mo na girl, ayaw mo ‘yon nakatulong kapa sa mga parents mo.” Sagot ni Joan na medyo lasing na.

“Hala, Joan bakit parang lasing kana?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Si Shiela naman ay ganun din, medyo may tama na rin yata.

“Girl, halika sumama ka nalang samin, duon sa bar, mahal tong hotel na to may sariling resto bar, at take note libre lang din ang mga inumin,” sumusuray na sambit ni Shiela.

Hinila nila ako, kahit na suot ko pa ang peach gown ko na gawa pa ng isang sikat na designer. “Teka magpapalit ako ng damit!” sabi ko sa kanila nang pasigaw dahil hinahatak na nila ako.

“ huwag na okay na ‘yan girl, ‘di ka naman lalabas ng hotel,” palatak pa ni Joan. At wala na nga akong nagawa kundi ang mapasunod sa mga ito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height