C7 CHAPTER 7
CHAPTER 7
Pagkaraan ng limang minuto ay na sa six floor na kami ng bahagi ng hotel. hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang floor na iyon. Na mayroon palang isang bar na wala naman tao. Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, at may isang lalaking naroon sa counter upang magbigay ng alak sa amin.
Umupo kami mismong sa counter kung saan maari naming maituro ang mga wine na gusto namin. Napaka raming alak sa wine shelf nila. Mayroon din ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay namin na sila lang ang pwedeng pumasok, pero nasilip ko nang minsan iyon at ganitong-ganito ang itsura ng loob no'n.
"Hoy kuya! Paki bigyan nga kami ng mahahaling alak ng hotel na to," narinig kong sabi ni Joann, hay grabe naman ang dalawang ito nung nagsabog yata ang Diyos ng kakapalan ng mga mukha ay sinalo yatang lahat ng dalawa.
Nakita kong halos hindi naman mag kanda ugaga ang bar tender, at si Shiella ay halos hindi na maiangat ang puwet niya sa may kataasang upuan. At sawakas ay naka upo rin siya. At pagkatapos ay nagsisipagtuturo na ng kung ano-anong alak mula sa shelf.
"Hoy! ano ba kayong dalawa kaya niyo bang bayaran yan!?" pabulong kong sabi sa kanila pero alos dinig na ng lalaki sa counter.Iyon bang bumubulong ka pero sumisigaw dahil sa ang dalawa mong kasama ay sumobra na sa kakapalan ng mga mukha.
"Don't worry girl, may nagsabi sa amin na puwede raw namin inumin kahit ano dito kasi bayad na raw ang lahat ng iyan!" Sabi ni Joann na itinuro ng kamay niya ang lahat ng alak sabay wasiwas sa kanyang kamay na halos masangi na niya pati ang mukha ng bartender.
Ako ang nahihiya sa pinaggagawa ng dalawa. Pero dahil badtrip din ako ng oras na ito ay ibe-break ko na ang rules sakin ni Papa at Mama. Masama kasi ang loob ko sa naging resulta ng letcheng party na ito! 'Yong tipong birthday mo pero hindi ikaw ang top priorty kundi iyong mga VIP client nila na araw-araw ay kasama na nila.
Dapat ako ang VIP nila ngayon, pero anong nangyari pati ang paborito kong kuya na si Edmon wala na nang napansin kundi ang mga Vip niya.
"Bwisit na VIP yan!" nasabi ko nang malakas.
Ang hindi ko alam ay nauubos ko na pala ang mga laman ng basong inilalagay sa akin ni kuyang bartender. At ang dalawa kong kaibigan ay ayan sa tabi ko bagsak na itong isa.
"Ano, Joann bagsak kana, paano ka uuwi niyan?" sabi ko sa kanya na ang boses ko ay sa isang lango narin.
Grabe pala talaga ang alak, pakiramdam ko ang dami ko nang naiinom, paano ba naman kasi ang sarap ng mga binibigay sa akin, para bang juice lang kung tutuusin iyung mga alak at tapos pagbigay niya sa akin tutunggain ko naman ng mabilis na para bang tubig lang. At yung yelo sa baso ang sarap paglaruan sa bibig ko.
Maya maya ay may lalaking umupo sa tabi ko, noong una hindi ko siya nakilala pero yung amoy ng pabango niya iyon 'yung hindi mawawala sa isip ko kahit kailan.
"Sinong maysabi sa'yong painomin mo siya rito ng ganyan?" narinig ko ang galit na tinig ng boses ng lalaki na nagsasalita sa bartender.
"Ah, Boss sabi po kasi..." tatitigilang sagot ng lalaki.
"Did I said to you to answer me!? rigth now your fire!" sabi muli ng lalaking bagong dating lang sa bartender.
Kaya naman hindi ko na siya napigilang sagutin kahit na nahihilo pa ako, sinikap ko talagang tingnan siya. "Hoy!ikaw ha! akala mo kung sino ka diyan na para...para sigawan siya!" sabi ko sa lalaking nasa harap ko ngayon at dinuro-duro ko pa siya. At hindi pa ako nakuntento ay sinudot-sundot ko ang pisngi niya.
"Iyan! Iyang ilong mo!bakit ang tangos-tangos niyan! Pinagawa mo bayang kay Vacky Balo? Ha? Sagot?" sabi ko sa kanya na nabubulol-bulol pa ako sa tamang pangalan na nabanggit ko, pero ang totoo hindi talaga ako aware sa mga pangalan na iyon, madalas ko lang naririnig sa mga kaibigan ko dati ang pangalan ni Vicky Belo na nag-aayos daw ng mukha ng mga mayayamang tao.
Nakita kong natatawa siya sa akin dahil pinindot-pindot ko ang matangos na ilong nito. At muntik pa akong mahulog sa mataas na upuan na kinauupuan ko dahil sa kalasingan ko at mabilis ang mga kamay nitong nahawakan ang baywang ko at iniayos ako ng upo.
Ako naman sumlampak ang mukha sa table ng counter. At marami pang mga sinasabi sa lalaking kilala ko na. "Ikaw, alam mo, panira ka eh, sinira mo ang party ko! Bakit kaba kasi pa oper-oper pa, pasabi- sabi pa na dito ganapin ang 17th birtday ko! Ayan tuloy, naging napaka walang kuwenta ng gabing ito para sa akin! Ikaw ang may sala!" sabi ko sa kanya sabay turo ko uli sa kanya. At ang lahat ay nagdilim na para sa akin. Hindi ko na alam ang nangyari ng gabing iyon.
3rd Pov:
KINABUKASAN:
"Okay Pa, tatawag po kami kaagad sa inyo kapag nahanap na po namin siya," sabi ni Dhino sa kanilang papa na kausap niya mula sa kabilang linya ng telepono.
"Anong sabi ni Papa? Nahanap na daw ba nila si Annie sa mga kaibigan niya?"
"Hindi pa raw Kuya Shiemen, pinuntahan na nila Mama at Papa ang mga kaibigan ni Annie na dumalo kagabi sa party," mahinahong sagot ni Kuya Dhino.
Lahat na yata ng mg body guards ay inutusan nila para hananpin si Annie. Mayroong three thousand katao ang ahensiya ng kanyang ama. At ang lahat ng iyon ay nakakalat na sa buong Taguig. Pangkat-pangkat ang mga ito na nagsipuntahan sa mga bahay at tirahan ng mga kakilala at kaibiga ni Annie.
Sa kanilang lahat isa lang ang matalinong naka-isip na maaring kinalalagyan niya ng mga oras na iyon. Si Edmon pumunta ang mga ito sa hotel kung saan ginanap ang birthday party niya kung saan siya nawala.
"Bakit dito tayo maghahanap Edmon?" tanong ni Shiemen.
"Bakit, nasaan ba siya kagabi? Hindi ba narito lang siya sa lugar na ito tapos hindi na natin mahanap simula pa ng matapos ang event," sabi ni Edmond na ikinumpas pa ang mga kamay.
"Pero paano mo naman nasabi, huwag mong sabihin na nag-check in siya dito kagabi?" si Dhino naman ang nagtanong.
"Hindi ko alam! pero diba may access sa lugar na ito si Mr. Santivaniez! Kaya maaring alam niya ang mga nangyari kagabi," galit na sagot ni Edmon.
"O, relax ka lang. Alam kong nag-aalala ka kay Annie, pero ikaw ang naka-assign sa VIP na iyon," sabi muli ni Shiemen.
"Iyon na nga! Hindi ko alam kung nasan na nga iyon kagabing G**** iyon!" sabi ni Edmon na namura pa ang client sa sobrang galit nito. Hindi maipaliwanag ang galit na nanararamdaman ni Edmon.
"Hoy anuba! Madedemanda tayo niyan e, VIP yung minura mo!" Awat ni Shiemen sa kapatid na halos isang taon lang naman ang tanda sa kanya.
"Oo nga Edmon, Chill ka lang, ligtas si Annie!" sabi rin ni Dhino. Maya maya ay naka tanggap sila ng tawag mula sa kapatid nilang si Salmon. Pinaaakyat sila sa 10th Flor ng hotel kung saan naroon naka-check in si Mr. Dave Santivaniez.
Mga thirty minutes pa at naroon na sila sa nabanggit na floor ng hotel . Ang hotel na iyon ay may labing limang palapag. At sinabihan sila ng kanilang ama na kumilos ng tama, hanggat maari ay huwag mag-eskandalo. Hindi rin dapat malaman ng mga tao ang mga nangyayari. Kaya naman inutusan na ang mga tauhan nila na bumalik sa kanilang opisina.
"Papunta na raw sina Papa, huwag daw tayong gagawa ng anumang klaseng eskandalo rito kuya dahil si Papa at Mama na raw ang bahalang makipag-usap. Ang kailangan daw ay makuha si Annie sa maayos na paraan," sabi ni Dhino.
Sa hindi sinasadayang pangyayari ay tila nakagawa nang malaking kaguluhan si Annie sa pagitan ng kanyang pamilya at sa VIP client nilang si Mr. Dave Santivaniez.