HE IS OLDER THAN ME/C8 CHAPTER 8
+ Add to Library
HE IS OLDER THAN ME/C8 CHAPTER 8
+ Add to Library

C8 CHAPTER 8

CHAPTER 8

Dave POV:

Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito.

“Hello.”Pupungas-pungas pa ako nang sagutin ko ang telepono.

“Hello sir, may papunta po diyan sa kwarto niyo,” sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

“Ha! Bakit daw?” gulat kong sabi sa kausap ko.

“Sir, may hinahanap po kasi sila, ‘yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel iyung nag-birthday po___”

“Oo nga! Ano nga!” galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nito na ayaw na ayaw kong na iistorbo ako sa pagtulog lalo na at alam naman nilang nakainom ako kagabi.

“E, sir ‘yung anak po ng Buenaventura Security Agency, nawawala raw po kagabi pa at nakita po sa CCTV na kayo po yung huling kasama,” sabi pa nito na alam kong natatakot na matanggal siya sa trabaho.

“Oo, ako nga ang kasama niya! I mean, pinahatid ko kay Andrew kagabi ha! Kasi wala nakong time para tumawag sa kanila, lasing din ako kagabi!” Natigilan ako ng maramdaman kong may gumagalaw sa tabi ko. Natatakpan siya ng makapal na kumot ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may lumitaw na ulo, mahaba ang buhok nito ngunit natatakpan ng kumot ang mukha, at nang medyo hilahin ko ang kumot ay lumitaw ang mukha nito. Maamo ang mukha at napakaganda nito. Si Annie! Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Bakit siya narito sa tabi ko?

“Anong__”

Gulat ko nalang na sabi at maya maya ay biglang bumukas ang pintuan. Biglang pumasok dito sa loob ng kwato ko ang mga magkakapatid na Buenaventura, ang isa sa kanila na si Edmon na mismong pinuno pa ng team na nagbabantay sa ‘kin ang siyang patakbong sumugod para saktan ako.

“Ha**p ka!” Mabilis ang mga pangyayari nang sumugod siya at nasapak ako!

“Edmon!” sigaw ng mga kapatid niya na nabigla rin at mabilis namang umawat.

“Bitiwan ninyo ako, ha**p! Papatayin ko yan!” sabi nito na nagpupumiglas.

“Sandali lang magpapaliwanag ako!” sigaw ko sa kanila habang hinawakan ang panga ko na tinamaan ni Edmon ng kamao niya.

Samantalang bigla namang nagising ang dalagang kanina pa nila hinahanap. Bumangon ito na parang walang naririnig na kaguluhan. Naloko na ba’t kasi siya narito?

“Ummm…Ang iingay niyo naman!” naiinis pa nitong sabi. At bumangon ito, paupong nag-inat pa ng dalawa niyang kamay tanda na inaantok pa.

“Annie! Tumayo ka nga dyan!” sigaw ni Edmond. Na alam kong biglang-bigla rin sa mga nakita niya.

“Anong nangyari! Bakit nandito ka sa kwarto ko?” sabi nito na hinawi-hawi pa ang buhok habang nakaupo pa sa kama. Mabuti na lang at hindi ito nakahubad, suot parin niya ang gown niya na suot niya kagabi sa loob ng party at habang umiinom siya sa private bar ko.

Sa pagkakataong iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Mas malaking problema kasi kung wala siyang saplot. Kahit paano ay maipagtatanggol ko ang sarili ko. Hindi pa ako makakasuhan ng chilld abuse, o rape!

Maya maya pa at may mga bisita nanaman akong dumating dito, iyung mga magulang naman. At siyempre histerikal ang ina nito nang makita ang anak nila sa tabi ko nasa kama pa rin.

“Annie! Ano bang naiisip mo! Bakit ka ba nandyan! Umalis ka nga dyan!” sabay hablot sa kanya ng Mama niya.

“Araw…Aray…awww…” sabi nito na nagkakanda bulol pa ang inosenteng dalaga na hindi rin alam ang mga nangyayari.

“Now tell us! Mr. Santivaniez!” sambit ng Mama ni Annie, na ako naman ang binalingan. Napa kibit lang ako at inilahad ko pa ang mga kamay ko tanda na wala rin akong nalalaman sa mga nangyayari.

“Anong ibig… Ibig mong sabihin! Iyung kapatid namin ang pumunta lang dito sa kwarto mo!” galit na sabi ni Edmond.

“I mean hindi ko alam kung bakit siya na sa kama ko!” Hinila ko ang kumot dahil alam kong naka brief lang ako, ganon lang kasi ako matulog lalo na kung naka inom ako.

Tumayo ako at nagsabing, “ Can I excuse us, Okay pag-usapan antin ito sa living area ng kawarto, pag bihisin niyo muna ako.” At wala nga silang nagawa kundi ang magsilabas ng sleeping area ng buong room, lahat sila ay dumako sa living area at doon naghintay.

Ako naman ay tumawag sa room attendat at nag-order ng masasarap na pagkain para sa mga itituturing kong bisista. Habang nasa shower room ako, nangingiti ako, dahil kasi sa kalasingan ko ay hindi ko na maalala ang mga nangyari, dinala ko pala siya rito sa kwarto ko?

Dahil ang naaalala ko lang ay ipina ubaya ko siya sa isa sa mga female attendant ng hotel at ibinilin ko rin na ipahatid siya sa isa sa mga driver ko, pati ang kaibigan niya ay ipinahatid ko. Anong nangyari at napunta siya rito sa lugar ko? Malaking katanungan din ang naglalaro sa isipan ko.

Well, aminado naman ako na una ko palang siyang makilala ay nagkagusto na ako, hindi ko nga mapigilan ang sarili ko na gumawa ng paraan para lang makita siya. Hindi ko rin alam, basta ang alam ko kahit na lasing ako hindi ako gagawa ng ikasasama ko at ikasisira ng tiwala niya. Mabilis na dumadaloy ang tubig mula sa shower sa buo kong katawan, nag-shower talaga ako para na rin matanggal ang hung over ko. Grabe ba talaga ang pagkalasing ko at hindi ko alam na dinala ko siya rito? Pero hindi e, hindi talaga ako ang nagdala sa kanya rito. Dahil kung ako maaring may magawa akong hindi dapat? D**n hindi ko na alam kung anong nangyayari!

Mga ilang minuto pa ang dumaan at nakabihis na ko. Lumabas ako sa living area at nabungaran ko ang buo niyang pamilya na nakaupo lang at naghihintay sa ‘kin. Lahat sila ay hindi maipaliwanag ang mga itsura ng mga mukha. At si Edmond ay kitang-kita kong nakatiim ang bagang at kuyom na kuyom ang mga kamao. At nakita ko si Annie na umiiyak, nakahawak ang dalawang kamay nito sa palda nang suot nitong gown, at sa higpit ng hawak niya doon ay nanginginig na ang kanyang mga kamay.

Napatda ako at parang nadudurog ang puso ko sa nakikita kong pag-iyak nito. Napahawak ako sa batok ko at marahan ko iyong minasahe. Tapos ay lumakad na ako at marahang umupo sa upuang nakaharap sa kanilang lahat.

Nakahelera ang pagkaka upo nila ngunit hindi naman siksikan. Nasa gitna ang padre de pamilya na G. Buenaventura. At katabi nito ang asawang si Gng. Ana. Nasa mga gilid naman ang mga anak na lalaki. Si Annie ay nasa gilid na solohang sopa. “Now can I explain for what happening last night,” bungad kong salita sa mga ito. Na bagamat may nakahaing pagkain sa center table ay wala manlang nagtangkang gumalaw noon. Ako ang kumuha ng isang tasa ng kape.

“Wow! May gana ka pang magkape! Pagkatapos mong pagsawaan ang kapatid ko kagabi!” galit na sigaw ni Edmon! Tumingin ito sa akin nang puno ng pang-iinsulto.

“Watch out your mouth Kuya Edmond! Did you respect me to say that kind of word!?” pagalit na sabi ni Annie sa sariling kuya niya.

“And You! Did you respect your self!?” ganting tanong naman ni Edmond na dinuro ang kapatid. Tumingin lamang si Annie ng masama sa kanyang Kuya Edmond at malakas na napabuga ng hangin.

“Walang nangyari sa amin!” sabi uli ni Annie.

“yeah! That’s rigth! Tama siya,” sabi ko rin na gusto ko talagang-i- emphasized na wala akong ginawang mali.

“Eh kung ganoon anong ginagawa mo sa kama niya anak!?” tanong ni G. Ramon, ang kanilang Ama. Hindi ito sumisigaw at nanatiling kalamado lamang ito. Mas nakikita pa niya ang matinding galit ni Edmond sa mga nangyari.

“Iyon nga rin po ang hindi ko maintindihan, tandang-tanda ko na ipinahatid ko siya kay Andrew isa sa mga driver ko rito sa hotel,” paliwanag ko pa sa kanila. Sinenyasan ko si Leo para tawagan si Andrew ang driver na inutusan ko kagabi.

“Ano na ngayon ang gagawin natin? Malaking kahihiyan ito para sa anak namin. Wala namang maniniwala na walang nangyari sa inyo!” sabi ni Mrs. Ana.

“Well, what did you want me to do?” mahinahon ko namang tanong sa kanila. Na ikinukumpas ko pa ang mga kamay ko habang nagsasalita.

“Tiyak na kakalat na ito sa buong hotel, at isa pa maraming mga kakilala ni Annie ang nakakaalam na nawawala siya dahil pinapunta natin ang mga tauhan natin sa mga bahay ng mga kaibigan niya,” sabat ni Dhino. Samantalang si Annie walang reaksiyon. Patuloy na umaagos ang luha nito at alam kong nagngingit-ngit sa galit.

“Aminin mo na kasing ikaw ang may pakana nito,” sabi ni Edmon. Dinuro niya ako at napatayo na balak na namang lumusob sa akin. Sa puntong iyon hindi ko na siya pagbibigyan na makaisa pa uli. “Dad! Ma! Magsampa na kayo ng kaso, hahayaan na lang ba natin na ganito na lang? Na masira ang kinabukasan ni Annie.” Dagdag pa ni Edmond.

“If you want to do a legal action, do it.” Mahinahon kong salita.

“Pero mas lalong mapapahiya ang kapatid namin kapag nagdemanda tayo, Mama, Papa!” sabi ni Shiemen, ang ikatlo sa magkakapatid. Nakita ko rito ang tunay na pagmamalasakit nito para sa kapatid na babae.

“Walang masamang ginawa sa akin si Mr. Santivaniez, umuwi napo tayo! Pagkakamali lang ito, ako ang may kasalanan,” sabi ni Annie habang umiiyak. Napatingin pa siya sa akin. A, lalo tuloy nabagbag ang damdamin ko sa kanya. Kung nasa tamang edad ka lang aakuin ko ang pakasalan siya kaagad. Kaya lang ay hindi pa pwede.

“Pero Annie! Karangalan mo ang nakataya rito! Paano kana? Palalampasin lang natin to!? Paano kung may ginawa siya ------“

“Shot up! Can you please shot up!” sabi ni Annie na tinakpan pa ang mga tainga niya ng dalawa niyang mga kamay. Hindi ko na matitiis ang mga nangyayari at habang nakikita kong umiiyak ito ay nadudurog naman ang puso ko. Mahal ko siya. Pero alam ko rin sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanya. Nanahimik ako at matamang nag-iisip. Ang ina at Ama naman ni Annie ay matamang nag-iisip lang din at tinitimbang ang mga pangyayari.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita sa kanila, “I’ll take the risk,” sabi ko.

Ikinagulat naman nilang lahat ang mga sinabi ko. Maging si Leo na secretary ko ay nabigla rin. “Sir, magpapakulong ka?” mahinang tanong ni Leo.

Tiningnan ko lang siya nang masama at kakamot-kamot naman itong nanahimik. Minsan kasi ay may pagka-engot itong secretary ko.

“Anong ibig mong sabihin Mr. Santivaniez?” seryosong tanong ni Mr. Buenaventura.

“Kung papayag kayo sa offer ko,” sabi ko sa kanila na nag-aalanganin pang sabihin ang nais kong sabihin.

“Kaya kong patigilin ang mga balita, nang hindi na kumalat pa ang mga nangyaring ito. Nang sa ganon hindi naman mapahiya si Annie at mapag-usapan sa buong bansa at sa mga kakilala niya. Specially dito sa hotel,”

“Tapos ganon na lang iyon!?” sabat ni Edmond sa ‘kin habang nagsasalita ako.

“Pwede ba Edmond! Patapusin mo muna ako! “ giit ko rin sa kanya. Napupuno nako sa lokong to ha. Hindi na niya ako ginalang bilang VIP niya.

“Okay!” sagot na naman nito na hindi na talaga nagpakita ng paggalang.

“Let’s have an enggagement privately. At nakapaloob sa enggagement na iyon ang mga kondisyon na pwede kong ibigay para sa anak ninyo. I heard na gusto mong mag-aral sa America?” baling ko sa kanya.”Pagkatapos naman niyang mag-aral ay saka ko siya pakakasalan.”

“ANO?” sambit nilang lahat.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height