HE IS OLDER THAN ME/C9 CHAPTER 9
+ Add to Library
HE IS OLDER THAN ME/C9 CHAPTER 9
+ Add to Library

C9 CHAPTER 9

CHAPTER 9

Annie's POV:

Isang agreement ang pinirmahan naming lahat. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at mga kaibigan na si Carol.

Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinakamagandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin.

Para sa akin ang lahat ng pabor sa agreement na iyon. Nakasulat iyon sa isang contract paper, kinakailangang pakasalan namin ang isa't isa sa sandaling makabalik ako galing America. Kapag naka-graduate na ako sa aking pag-aaral. Ngunit hindi ako maaaring makipagrelasyon sa ibang lalaki habang nag-aaral pa ako. Pero nakasaad din sa kasulatan na may karapatan lang akong baliin ang mga napagkasunduan kung sakaling bumalik ako na nakapagtapos na ng aking pag-aaral. Habang hindi pa nagaganap iyon ay nararapat na sundin ko ang enggagement agreement namin na ako ay hindi maaaring makipag relasyon sa iba. Tapos noon ay maari ko nang baliin ang kasunduan sa kanya kung sakaling ayaw ko talagang magpakasal sa kanya. Napansin kong walang nilagay si Dave na anumang pagpipilit na pakasalan ko siya pagdating ng araw. Naisip kong bakit nagpa-agreement pa siya kung puro pabor sa akin ang mga nakasulat doon. Bakit hindi na lang niya sabihin na ayaw naman pala niya akong pakasalan? Naiinis ako sa isiping iyon. Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko siya pwedeng pakasalan ngayon dahil bata pa ako. Wala pa sa tamang edad.

Dahil doon nakonsensiya ako. Alam ko naman na wala siyang kasalanan, pero naiipit siya sa isang kasunduang hindi naman dapat. Paano kung ma-in love siya sa ibang babae habang wala ako? Naawa ako sa kanya. Dahil sa akin ay mahahadlangan ko ang karapatan ng isang tao na lumigaya. Bukod doon ay siya pa ang magpapaaral sa akin sa America kasabay ni Carol.

_____________

Naganap ang aming secret engagement sa Batanggas isa sa mga beach resort niya. Ngunit pagkatapos noon ay hindi na niya ako maaring makita hanggang sa makaalis ako papuntang America.

Sinuutan ako ni Dave ng isang mamamhaling diamond neck lace. Na kung titingnan ay wala naman siyang obligasyon na bilhan pa ako ng ganoong klaseng alahas. "Bakit mo pa ako binilhan nito?" mahina kong tanong sa kanya habang isinusuot iyon sa akin.

"This is not enough for you. Kung alam mo lang hindi lang ito ang gusto kong ibigay," mahina niyang sabi. Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko siya pwedeng kausapin ng deretsa dahil maraming mga mata ang nakatingin sa amin.

Naroon din sina Joan at Shiella.Kasama ni Carol. Bukod sa kanila ay wala nang iba pang nakaalam ng mga pangayayaring iyon. Si Mama naman ay naiiyak na para bang ikinasal ako. "Ma, sana naman po ay paimbistigahan niyo pa rin ang kasong ito," sabi ko kay Mama habang naka upo kami sa table. Wala noon si Dave sa harap namin. Kaya ko nagawang ibungad ang nais kong sabihin.

"Bakit pa? Inako na nga niya ang lahat anak," mahinang sabi ni Mama.

Napabuga na lang ako ng hangin at saka tumayo sa harap ng hapag kainan. Tinungo ko ang balkonahe para makalanghap ng hangin, bumigat ang loob ko sa mga sinabi ni Mama. Para na rin kasi nilang sinabi na may kasalanan nga si Dave Santivaniez.

"Mr. Santivaniez...." pormal kong tawag dito. Hindi naman ako nangiming lumapit sa kanya nang makita ko siya.

"Why are you here?" malamig ang tinig na tanong niya sa akin. Tulad ng dati ay naninigarilyo na naman ito. Tulad noong una naming pag-uusap ay muli na naman niyang tinapos iyon at inapakang parang nanggigil.

"Ikaw 'bat ka narito? Tapos ka na bang kumain ng hapunan?" pinipilit ko paring maging pormal sa kanya.

"Yes."

Humarap siya sa labas upang mapagmasdan ang kalangitan.

"Bakit mo ginagawa ito?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katanungan na iyon. "Bakit mo inaako ang kasalanan na hindi mo ginawa? Alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa atin!" sabi ko sa kanya na medyo gumaralgal ang boses ko. Para na akong maiiyak dahil sa kahihiyan ko para sa mga nagawa kong problema.

"Para sa sarili ko, para mawala ang mga pagdududa nila sa akin. At para hindi ako mademanda." simple niyang pagdadahilan.

"Iyon lang ba ang dahilan?" garalgal ang tinig ko, pero sinikap kong hindi maiyak.

"Annie, huwag kanang mag-isip ng ibang bagay. Pag-uwi mo galing sa America saka natin pag-usapan ang paglaya mo sa agreement na ito," sabi pa niya.

"Okay, I have to go," nasabi ko na lang sa kanya. At tumalikod na muli. Lihim akong nagpapasalamat sa kanya. Tinalikuran ko siya at hindi na muling kinausap pa nung gabing iyon.

Dalawang araw mula sa gabing iyon ang lilipas bago ako umalis. At nilaanan na ako nila Mama at Papa ng mga sarili kong body guards upang mabantayan daw ako. At lahat iyon ay si Dave pa ang magbabayad. "Grabe naman kayo Ma! Bakit pagbabayarin niyo pa 'yong tao?" sabi ko sa Mama ko nang marinig ko ang usapan nila sa baba. Pababa ako noon para kumain sana nang hapunan. Narinig kong nag mi-meeting na naman sila.

"Shut-up! Lahat nang ito ay para sa'yo! Ano kukunin ka niya sa amin nang ganun-ganun lang! Napaka bata mo pa anak! pero ikaw ang natipuhan niya."

"Ma, na-trap lang kami! Hindi niyo pa nga alam kung gusto talaga ako nung tao! Huwag niyo namang samantalahin yung kabaitan niya!"

"How dare you!" sabay sampal sa akin ni Mama. For tha first time ay nasaktan ako ni Mama.

Napatigagal na lang ang lahat pati mga katulong namin dahil sa pagsasagutan naming mag-ina. Hindi ko na kasi nagustuhan ang mga ginagawa ni Mama kay Dave. Patakbo akong umakyat sa hagdan at bumalik na lang sa kwarto ko. Sinundan ako ni Nanay Martha sa aking silid at tinawag upang aluin. Umiiyak akong yumakap sa kanya. At doon ay binuhos ko ang aking mga luha.

Nang mga oras na iyon ay wala akong mapagsabihan ng mga problema ko dahil sa hindi maaring kumalat ang ganoong pangyayari sa aking buhay. Inaalala ko rin kasi higit sa akin ang kapakanan niya.

"Bakit anak, mahal mo ba ang taong iyon?" mahinang tanong ni Nanay Martha.

"Po? " napapa isip ako kung oo o hindi ang isasagot ko. Hindi ko pa kayang sabihin ang lahat nang mga gabing iyon. Mahal? ano ba iyon isa lang akong bababeng kaka sevebteen pa lang siguro ay crush pa lang ang kaya kong mapanindigan.

Pero sa nangyari sa akin sa pagitan ng isang lalaking may doble na ang edad sa akin ay bigla nalang akong naguluhan. Kung aminin kong mahal ko siya? ako kaya ay mahal din niya? o baka nag-iilusyon lang ako. Isang aksidente lang ang pagapapakasal ko sa kanya sa darating na panahon. Kung sakaling walang lalaking mayaman na tumanggap sa akin.Para kay Mama, mahalaga ang katayuan ng lalaking mapapang-asawa ko. Hindi pa yata sapat sa kanila ang mga kayamanang kinikita nila sa kanilang negosyo.

Two days later: dumating na ang araw ng pag-alis ko patungong Amerika. Malam-lam ang mga mata ko at namamaga pa ito. Halos halatang walang tulog at puyat ako kaiiyak. Aalis na lang ba ako nang ganito? Wala mang lang mga kaibigang mapag-papa alamanan at magpaghahabilinan.

Hindi ako hinatid ni Mama. Maging si Kuya Edmon ay nagbago na rin ng pakikitungo sa akin matapos ang mga pangyayaring iyon. Hindi na rin siya pumayag na maging escort pa ni Dave. Kung sabagay ay awkward na nga naman pagkatapos nilang mag-away.

Galit sa akin si Kuya Edmon dahil parang gusto ko pa raw ang nangyari sa akin. Puwde naman daw ipakulong si Dave dahil sa menordiedad ako. Pero iyon ang hindi ko mapapayagan kaya sa agreement ako nakipagkasundo.

Si Kuya Shiemmen, Dhino at kuya Salmon lang ang naghatid sa akin sa airport. Kasabay kong aalis si Carol. Sa iisang schooll kami na enroll ni Dave at siya rin ang magpapaaral kay carol sa Amerika. Hindi pa kami nakakapag usap ni Carol kaya naman parang nakaramdam ako ng hiya rito.

Sa karamihan ng tao sa airport ay inilibot ko ang aking paningin. Umaasa ako na may makikita akong tao na maaring nagkukubli lang sa malayo upang hindi ko makita. Si Carol ay mag-isa lang din pero alam kong magiging magkatabi kami sa eroplano kaya na isip kong doon ko na siya kakausapain.

Ilang sandali pa ay nagpa alam na ako sa mga kuya ko. Ngumiti lang ang mga ito sa akin at kumaway habang nakatingin sa akin nang ako ay papalayo na. Deretso na ako at hinid lumilingon. kahit na ang puso ko ay may gustong makita.

Alaala:

"Paano ko naman mamahalin ang taong wala namang kaming magagandang ala-ala? At sa pag-alis ko anong magagawa naming ala-ala? Anong mga salita ang aming pag-aawayan at anong mga pangyayari ang aking aalalahanin?" tanong ko kay Nanay Martha nang gabing iyon na pinuntahan niya ako sa aking silid.

"Hayaan mo lang ang puso mo ang magpasya. Naniniwala ako na kung kayo ang itinadhana ay kayo ang magkakatuluyan kahit na malaki ang agwat ng inyong mga edad."

"Nay Martha? Mahirap palang maging matanda no? Lahat komplekado, lalo na ang usapang pag-ibig. Aaminin ko po sa inyo una palang kaming magkakilala ni Dave ay may nadama na akong kakaiba sa puso ko. Iyon na po ba ang pag-ibig?"

"Maaari Anak, kung sa pagbabalik mo ay nariyan parin 'yan sa iyong puso, iyan na nga iyon, ang pag-ibig."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height