He Was Mine First/C1 Prolugue
+ Add to Library
He Was Mine First/C1 Prolugue
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Prolugue

"Please don't leave me!" Nagmamakaawang sabi ni Kathy Kay Gerald. Halos lumuhod siya sa paanan nito pero itinulak lang siya nito.

Napaismid naman si Mia na nakasandal sa pula nitong SUV. "You don't beg for love! Para kang asong nagmamakaawa ng pagmamahal. Di ka na niya mahal dahil ako na ang mahal!"

Lumapit si Kathy dito at lumuhod sa harapan niya. Ganyan siya kadesperada, feeling niya ay ikakamatay niya pag nawala si Gerald sa buhay niya. Handa niyang ipaglaban ang nobyo pero paano niya ito ipaglaban kung ito na mismo ang umayaw sa kanya?

"Parang awa mo na. Wag mong agawin si Gerald sa akin." Humahagolgol na sabi Ni Kathy habang nakaluhod sa harapan ni Mia.

Dinuro siya ni Mia. "Look at you! You look so Losyang! Hahaha ilang ulit mo na yatang suot-suot ang damit mong yan. Wala ka bang ibang masuot maliban jan? No wonder pinagsawaan ka na dahil you look boring! Lubayan mo kami ni Gerald!" Wari ay nandidiring sabi nito.

Natigilan si Kathy at wari'y biglang nanliit sa sarili. Bagamat tama lahat ang sinabi ni Mia ay malinis naman ang suot niya. Napatingin siya kay Mia at dun niya narealize ang pagkakaiba nila. Nakasuot ng sexy na damit si Mia, mini dress na bakat sa katawan nito na pinarisan niya ng wedge kaya mas lalong naging matangkad ito. Kumpara sa kanya na kagagaling sa palengke para tulungan ang nanay niya na magbenta ng mga karne ng baboy at isda.

Napatingin din si Kathy Kay Gerald. Dun na niya narealize na nawala na ang dating ningning ng mga mata nito kapag nakatingin sa kanya. Malinis din itong tignan sa suot nitong polo shirt na naka tuck in sa itim nitong slacks. Mas bagay nga ang mga ito. Hiyang hiya niyang dinampot ang nagkalat niyang gamit, pagtingin niya sa paligid ay may mga nakatingin pala na mga kaklase nila sa kanya.

Tumakbo si Kathy palayo sa carpark ng school nila. Gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. Humahagolgol siyang tumakbo, di niya alam kung saan tutungo nang may mabangga siya.

"Watch it!" Sabi ng lalaki subalit natigilan ito nang makita ang humahagulgol na si Kathy.

"Kathy?" Gulat na tanong ni Arvin. Ito ang kaklase niyang wala na yatang ibang ginawa kundi asarin siya.

Hindi na nag salita pa si Kathy. Tumakbo ito palayo subalit hinabol siya ni Arvin.

"Kathy? Anong nangyari sa iyo?"

Mas binilisan pa ni Kathy ang pagtakbo hangang sa makalayo ito.

First year college pa lang sila ay naging boyfriend na niya si Gerald. Ito ang kauna-unahan niyang boyfriend at kauna-unahang lalaki na nakahawak sa mga daliri niya.

Akala ni Kathy, si Gerald na ang lalaking kanyang makakatuluyan kaya ibinigay niya ang lahat dito. Pero biglang nagbago si Gerald nang makilala nito si Mia, ang dating mainit na pagmamahal nito sa kanya ay nanlamig bigla dahil may iba na pala itong pinag-iinitan. Nang malaman ni Kathy na may ibang babae si Gerald ay kinausap niya ang babae at nagmakaawa na iwasan si Gerald pero nagmatigas ang babae. Ipinaglaban nito si Gerald hangang sa umabot na nga ang eksena sa car park ng school nila.

Nakalimutan na ni Kathy ang kahihiyan at umaktong parang bata na inagawan ng laruan. Ganyan niya ka mahal si Gerald, wala siyang self reservation. Di na siya nagtira sa sarili niya, she give it all but still not enough to make the man she loves to stay. Ngayon, wari niya ay gunaw ang mundo niya. Tulala na lang siya madalas buti na lang pasado pa rin mga grades niya.

Mabilis natapos ang taon, graduation na pala nila. Sa wakas ay aalis na siya sa school na yun. Sa wakas ay di na niya makikita pa ang mukha ng mga taong nagpapaalala sa kanya sa mga ala alang di maganda. As for Gerald and Mia, nabalitaan niyang buntis na daw ito at magpapakasal na daw after ng graduation nila.

Kathy persevered and it paid off kaya grumaduate siya with flying colors. Her mother is very proud habang minamarcha niya si Kathy sa graduation nito. Kahit papaano, masaya rin si Kathy. Sa wakas, hindi na niya kailangan na magbenta sa palengke. Pero hindi niya ikinakahiya ang trabaho na yun dahil dun kumuha ang nanay niya ng pang paaral sa kanya. Ang pag benenta niya sa palengke was just a stepping stone para maabot ang pangarap niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height