He Was Mine First/C10 Chapter 9
+ Add to Library
He Was Mine First/C10 Chapter 9
+ Add to Library

C10 Chapter 9

Tumawag si Mr. Chua. Sinagot ni Cynthia ang tawag, hinahanap ni Mr. Chua si Kathy kaya kailangan niya itong puntahan sa opisina ni Mr. De Guzman. Kakatok sana siya sa loob nang bigla siyang may marinig sa loob ng opisina ni Mr. Dr Guzman. Napatakip siya ng bunganga sabay atras.

Oh my goodness! Bulong ni Cynthia. Tahimik siyang bumalik sa opisina ni Kathy. Inangat niya ang telepono at sinabihan si Mr. Chua na mag call back na lang si Kathy dahil nasa kubeta ito, may diarrhea kaya natagalan sa kubeta.

Bawat minutong lumilipas ay parang napakatagal para kay Cynthia. Inoorasan niya kasi kung pwede na niyang balikan ang boss niya.

"Tatlong minuto pa lang ang lumilipas.. Pwede ko na kayang katukin yun? Hmp baka di pa tapos! Baka ibaling sa akin ang sakit ng ulo!" Bubulong bulong na wika ni Cynthia. Maya maya lang ang tinignan na naman niya ang wall clock.

Napabuntong hininga na lang siya.

"Sana all na lang." Bulong uli ni Cynthia at humigop ng kape. Napangiwi siya sa pait. "Sana ol may pandesal." Naibigay niya kasi ang lahat ng pandesal kay Kathy.

Makalipas pa ang ilang minuto ay naisip ni Cynthia na kailangan na niyang puntahan si Kathy. Dere-deretso siya sa opisina ni Mr. De Guzman. Kapwa napalingon sina Kathy at Gerald sa kanya. Naka fokus ang dalawa sa draft na ginawa ni Gerald.

Ayos a, parang walang nangyari. Naisip ni Cynthia. Saka siya natigilan. Ayos naman ang itsura ng dalawa, guni-guni ko lang ba yung narinig ko kanina? Tanong nito sa sarili.

"Yes, Cynthia? May kailangan ka?" Tanong ni Kathy.

"Ah.. Oo. Tumawag po si Mr. Chua kanina, hinahanap ka niya."

"Bat di mo agad sinabi?"

"Eh kasi.."

"Ano? Napaka importante na tawag yan. Saan na siya?"

"Wala na po. Sinabi kong mag call back ka na lang."

"Ha? Bakit mo sinabi yun? Inaasahan ko ang tawag na yun dahil we will discuss ang proposal ni Mr. De Guzman!"

"Sorry po ma'am. Mag call back na lang po kayo. Di bali sinabi kong nasa kubeta ka at natagalan ka dahil may diarrhea ka."

Nanlaki ang mga mata ni Kathy. Di siya makapaniwala sa narinig mula kay Kathy.

"Me? May diarrhea?"

"Eh.. Wala po akong maisip na ibang idahilan eh.." Nakangiwi na sagot ni Cynthia.

"Tawagan mo siya ngayon din!" Sabi ni Kathy kay Cynthia bago bumaling kay Gerald. "Mr. De Guzman, I'll be back!"

Napatango na lang si Gerald.

Agad pinaring ni Kathy ang land line sa bahay ni Mr. Chua nang makarating siya sa opisina niya. Maya maya lang ay kausap na niya ito.

"Kumusta? Okay na ba ang diarrhea mo?" Bungad ni Mr. Chua kay Kathy.

"Ah.. Opo, ayos na ako."Napangiwi na sagot ni Kathy.

"Mabuti kung ganoon. Ready na ba yung proposal niyo?" Deretsong tanong ni Mr. Chua.

"Opo Sir. Ready na. When is a good time for you para maipakita namin ang nabago sa plano?"

"Mayron nga pala ako sasabihin sa iyo. Di ako pwede ngayon dahil sumama ang pakiramdam ko kaya ang bunsong anak ko na lang ang makipag kita sa iyo."

"Ay ganoon po ba. Magpagaling po kayo sir."

"Oo salamat. Sige na at mag pahinga na ako."

"Sige po Mr. Chua. Thank you po." Sabi ni Kathy bago ibaba ni Mr. Chua ang telepono.

"Cynthia, paki contact mo nga ang secretary ng anak ni Mr. Chua."

"OK po. Tignan ko lang sa directory."

Maya-maya lang ay kausap na ni Cynthia ang secretary ni Mr. Chua.

"Tamang anak ba yan?" Bulong ni Kathy.

"Opo. Ito yung bunso." Sagot ni Cynthia pagkatapos takpan ang mouth piece ng telepono.

Maya-maya lang ang ibinaba na ni Cynthia ang telepono. Naka tingin lang si Kathy dito, nag-aantay ng sasabihin ni Cynthia.

"Ayaw makipag-usap ng boss nila. Pero makikipagkita daw in person. Available daw ang boss nila this afternoon."

"Make me available for this appointment. Cancel what needs to be cancelled." Utos ni Kathy.

"Opo." Sagot ni Cynthia.

"So balik lang ako sa opisina ni Mr. De Guzman. Tapusin lang niya na ipaliwanag ang plano niya. Keep me updated kung ano eksakto na oras."

"Okay po, I will." Sagot ni Cynthia.

Bumalik na si Kathy sa opisina ni Gerald kung saan nila tinapos ang di pa nila natapos gawin kanina.

Maya maya lang ay kumakatok na naman si Cynthia sa opisina ni Mr. De Guzman.

Napatingin sina Gerald at Kathy dito.

"Available daw po si Mr. Chua ng ala una. Tamang tama dahil wala kang lunch schedule ngayon." Sabi ni Cynthia.

"Great! Mabuti kung ganoon." Sagot ni Kathy bago ito bumaling kay Gerald. "Kailangan nating mag tanghalian ng maaga dahil mag bibiyahe pa tayo."

Napatango si Gerald. "Mayroon ka pa bang dapat linawin?"

"I think wala na.. sa ngayon. Kung may maalala pa akong itanong, I will ask you. As of now, chill muna para ready tayo pagkaharap si Mr. Chua. Balik na ako sa opisina ko, inform me if something come up."

"Sure Miss Reyes!" Sagot ni Gerald bago lumabas si Kathy.

Makalipas ang ilang oras ay lumarga na sina Kathy at Gerald para e meet ang anak ni Mr. Chua. Tulad ng ama ay preferred din ng anak ni Mr. Chua na sa Shangri-la katagpuin si Kathy.

Nakaupo na sina Kathy at Gerald, maya-maya lang ay may dumating na matangkad na lalaki. Maputi ito at may pagka chinito. Naka tingin lang ito kina Gerald at Kathy bagamat hindi nagsasalita. Nakatingin din si Kathy dito nang may naalala siya. Parang kilala niya ang lalaki.

"Arvin?" Di makapaniwalang bulalas ni Kathy.

Napangiti ang lalaki.

"That's right! I'm glad kilala mo pa ako." Sagot nito.

"How can I?" Tanong ni Kathy sa sarili. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil madalas siyang asarin nito noon.

"What is he doing here?" Tanong ni Arvin, nakatingin ito kay Gerald.

"Ah siya nga pala, siya si Mr. De Guzman, siya ang senior project manager ng kumpanya.."

Di na natapos pa ni Kathy ang sasabihin dahil bigla na lang natawa si Arvin.

"Seriously?" Tanong nito.

Natigilan si Kathy. So alam ni Arvin ang nangyari noon? Sabagay di naman nakakagulat yun dahil alam na yata ng buong campus ang nangyari sa car park noon. Kahit yata di nila ka department ay naki Maritess na rin.

"Before we discuss any further, anong ginagawa mo dito? Mr Arvin?" Tanong ni Kathy. Di niya kasi kilala ang apelyido ni Arvin kaya first name na lang ang kanyang binaggit.

Natawa lalo si Arvin.

"Oh I'm sorry. I haven't introduced myself yet. Ako lang naman ang ka meeting niyo on behalf of my dad, I'm Arvin Chua."

Napanganga si Kathy. Hindi niya inaasahan yun.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height