He Was Mine First/C11 Chapter 10
+ Add to Library
He Was Mine First/C11 Chapter 10
+ Add to Library

C11 Chapter 10

What? Di makapaniwala si Kathy. Of all the people, ito pa?

"Nagulat ka yata." Sabi ni Arvin.

Natawa si Kathy.

"Yes. This is unexpected. But me too, I did not expect na ikaw ang may-ari ng KK21. I'm so proud of you, ikaw ang tunay na self made kung tawagin. Mahaba haba rin ang iyong nilakbay. I hope you have forgiven me sa aking pang-aasar sa iyo noon." Sabi pa ni Arvin.

"Oo naman. No hard feelings. Everything was part of growing up." Sagot ni Kathy.

"Mabuti naman kung ganoon. So should we start to discuss ang plano?"

"Yes please." Nakangiting sagot ni Kathy.

Binuklat naman ni Gerald ang hawak niyang plano. Ipinakita niya ito kay Arvin. Tinignan ni Arvin ang kabuuan ng papel pero mukhang di ito na impress.

"Pwedeng paki paliwanag ito in words?" Sabi ni Arvin.

Nagsalita naman si Gerald. Inulit niya ang mga nasabi niya sa ama ni Arvin. Tahimik lang itong nakikinig, ni walang inter aksiyon.

Kinakabahan si Kathy nang hindi nagsasalita si Arvin after magpaliwanag ni Gerald.

Maya maya lang ay napa tawa si Arvin.

"This plan is ridiculous!" Bulalas nito.

Napatingin si Kathy kay Gerald. Walang imik lang ito.

"Ah Arvin.. Mr. Chua, ano bang hindi mo nagustuhan sa plano?" Kinakabahan na tanong ni Kathy.

Napatitig sa kanya si Arvin at napailing. "That thing! That plan is high maintenance! It's ridiculously expensive to maintain it!"

"Kaya nga po doon na papasok ang solar panels na wall." Paliwanag ni Gerald.

Napatingin si Arvin dito.

"You are dreaming Mr. De Guzman! We are building a mall, not a Disney land or fantasy land! Instead of maximizing the space for tenants, ginawan mo nang trabaho ang mga workers ng mall! Do you know how much those plants cost. Everytime a single plant dies, we need to replace! Water, electricity, and manpower! Such a waste! May pa forest mist ka pang nalalaman! I want to see previous plan."

"But.. Ayaw nga ng father mo sa previous plan? Gusto niya na mag enjoy ang mga bata sa mall kaya nagkaroon ng bagong adjustments sa plano. When we mentioned this plan to him, he seemed to like it naman." Depensa ni Kathy.

"Have you mentioned to him the cost of maintenance?" Tanong ni Arvin.

Natigilan pareho sina Gerald at Kathy.

"I'm sorry, but I don't like this plan. You should work on it more. Cost effecient at maintainance effecient! I will talk to my father about it."

Biglang sumakit ang ulo ni Kathy. Napahilot siya sa kanyang sintido. Pigil pigil niya na wag magpakawala ng napakalalim na buntung - hininga.

"I give you time to do a major revision jan sa plano niyo. I do hope na you will present a better plan than that!" Sabi ni Arvin at nagpaalam na ito.

Bagsak ang balikat na tinupi ni Gerald ang pinagpuyatan niyang ginawa. Wala silang imik habang naglalakbay pabalik sa opisina. Nang makarating na sila sa opisina ay kumanan si Kathy samantalang kumaliwa si Gerald.

Bago pa makalayo si Kathy ay nagsalita si Gerald. "I'm sorry Kathy, I failed you."

Malalim na napa buntong hininga si Kathy. Kanina pa niya gustong gawin yun.

Humarap si Kathy kay Gerald at ngumiti.

"Don't be. Sundin na lang natin kung ano ang gusto ng mag-ama. Take a rest muna, this day is exhausting." Sabi ni Kathy bago ito tumuloy sa opisina niya.

Nagulat si Cynthia nang makita ang itsura ng boss niya.

"Oh ma'am Kathy, what happened?" Tanong ni Cynthia bagamat may idea na siya na bad news ang nangyari base pa lang sa mukha ng boss niya.

Napabuntong- hininga si Kathy. Na karma na yata ako, naisip niya.

"The plan did not go well." Sagot ni Kathy.

Pagkasabi ni Kathy nun ay nag ring ang telepono sa opisina niya. Sinagot ito ni Cynthia.

"Hello, KK21 office, may I know who's calling?" Sagot ni Cynthia pagka tapos ay napatingin siya kay Kathy. Tinakpan muna niya ang mouth piece bago nag salita. "It's Mr. Chua, Arvin. He wants to talk to you."

Sinenyasan ni Kathy si Cynthia na ipasa nito ang tawag sa desk niya. Pagka baba ni Cynthia sa cradle ng telepono ay pumasok si Cynthia sa loob ng pribado niyang opisina at doon kinausap si Arvin.

"Mr. Chua, Arvin!" Sabi ni Kathy pagka angat niya sa telepono.

"Yes, it's me. How are you Kathy?"

Biglang nakaramdam ng pangingigil si Kathy. The nerve! Gigil niyang bulong. "I am OK, so far. Napatawag ka?"

"About sa construction plan. I know hindi ikaw ang gumawa nun. You're more on gains so kung ikaw ang masusunod, you would not do such thing! I have studied your previous works at napahanga mo ako so I am still giving you the time to do a major revision. My father asked me kung kumusta ang meeting natin kanina. I said I did not like what you presented to me because of the cost and maintenance! Tomorrow afternoon, my company will held a board meeting. Major investors are expecting to see the plan so it would be great kung may maipapakita kayo tomorrow. I will give you the opportunity to present first. If the presentation don't go will then I will call my plan B."

"Plan B? Your father and I already made an agreement that KK21 will be the developer of your malls!" Mariing sabi ni Kathy.

"My father is being nice to you Kathy. But I won't allow such ridiculous plans to happen. I would just agree kung nagustuhan ko ang plano niyo. Pero so far sa nakita ko, hindi ako papayag na masimulan yan lalo at maraming investors dito na ma di disappoint."

"Give us time to do a revision." Sagot ni Kathy. Pigil niya ang gigil sa kausap.

"You have until tomorrow afternoon." Sagot ni Arvin bago nito ibinaba ang telepono.

Sasagot pa sana si Kathy pero nawala na ang kausap niya. Gigil na ibinaba niya ang telepono.

Agad inilabas ni Kathy ang original niyang plano at pinag-aralan. Dito na siya mag simula. Scratch niya muna kay Mr. Valderama at kay Gerald.

Maya-maya lang ay bitbit ni Kathy ang malapad na papel at tumungo sa opisina ni Gerald.

Napatingin si Gerald kay Kathy at dumako ang tingin nito sa papel na hawak hawak ni Kathy.

Nakita ni Kathy na sobsob sa trabaho si Gerald. Nakalatag sa harapan nito ang plano at may bagong dina draft ito.

"Mr. Chua called. We have until tomorrow to present. Apparently he wants us to do it in front of his board. He wants to discredit us para mapunta sa iba itong proyekto." Kathy sighed.

Pilit na ngumiti si Gerald. "Puyatan na to." Sagot nito.

"Walang tulungan." Sagot naman ni Kathy.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong ni Gerald.

"Medyo." Sagot ni Kathy, inilapag nito ang hawak niyang papel."

"Upo ko dito." Sabi ni Gerald pagka tapos hilain ang upuan para kay Kathy.

Naupo naman si Kathy at di niya inaasahan ang susunod na ginawa ni Gerald. Hinaplos haplos nito ang ulo ni Kathy. Minasahe niya ang sintido ni Kathy, napapikit naman si Kathy.

"Ganito ginagawa ko kapag sumasakit ulo ko sa pressure. Press your pressure points, it helps."

Napangiti si Kathy. "Thank you Gerald."

"You're welcome." Pabulong na sagot ni Gerald. Ang lapit ng bibig nito sa tainga niya kaya ramdam ni Kathy ang mainit na hininga nito. Biglang tumayo mga balahibo niya. Diniinan naman ni Gerald ang pagmasahe. Pakiramdam ni Kathy ay nakagaan yun sa pakiramdam niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height