C12 Chapter 11
"Thank you Gerald, It helped." Nakangiting sabi ni Kathy.
"You're welcome!" Sagot ni Gerald. Nakangiti itong humarap kay Kathy. "Can we start now?"
"Yeah. All my engineers and Architects are on field now so there's only you and me in this one! As you know, we are not like the big companies so we have to maximise our manpower and resources."
Tumango si Gerald. "Let me see what you got." Sabi ni Gerald sabay buklat sa dalang papel ni Kathy.
Tumango lang si Kathy, hinayaan niyang pag-aralan ni Gerald ang gawa niya.
"Arvin have confidence sa iyo. Ni reject niya yung proposal ko. So maybe if sa gawa mo tayo mag base at mag dagdag na lang tayo ng structures para sa gustong mangyari ni Mr. Chua na para sa mga bata then makukuha na siguro natin ang gusto ni Arvin at ng ama niya."
"Sa totoo lang, Di na gumagana ang utak ko. I'm so used in dealing with his father. Magkaiba sila ng gustong mangyari. The thing is we have to please them both."
"Not to mention the directors."
"Nah, the directors will say amen to whatever the Chuas decide is deem fit para sa malls nila."
"Let me call someone."
"Who?" Tanong ni Kathy.
"Someone na magaling sa garden at interior designs."
"Who?" kunot noong tanong ni Kathy.
"Si Mia." Sagot ni Gerald.
Oh damn! Biglang nanlamig si Kathy but she managed to crack a smile. "Sure." Sagot nito. Wala naman siyang magagawa dahil desperada siya to get the approval of the Chuas.
Maya maya lang ay magkausap na sina Gerald at Mia. Maraming tinatanong si Gerald dito at nakikinig lang si Kathy. Pagkatapos ng mahaba habang usapan ng dalawa ay dinig na niyang nag ba bye si Mia sa kabila, dinig din niya ang pag I Love you nito. Napatingin si Gerald sa kanya. Hindi ito agad sumagot, lumayo muna ito sa kanya pero naulinagan pa rin niya ang pagsagot nito ng I love you too kay Mia. Napabuntung hininga si Kathy.
Lumapit na uli sa kanya si Gerald. Minasahe siya sa balikat sabay paliwanag kung paano nila e incorporate ang mga plano nito sa nagawa na niyang plano. Nag agree naman siya sa mga ideas nito kaya sinimulan na nilang pag combine in ang mga ideas nila.
Matagal nilang ginawa ang plano kaya halos mag alas dose na ng gabi nang magkaroon sila ng outcome. Dun pa lang sila nakaramdam ng gutom. Himas Himas ni Gerald ang tiyan pero nakahinga siya ng maluwag dahil nagkakaroon na ng resulta ang pinagpupuyatan nila.
"May cup noodles ako." Sabi ni Kathy.
"Ako nga din please." Sagot ni Gerald.
Kinuha ni Kathy ang cup noodles sa opisina niya at nagtawanan sila habang nag salosalo sa cup noodles. Wala silang oras na dapat sayangin pa dahil kailangan pa nilang e review ang gawa nila para masiguro na wala silang mali. Muli nilang binalikan ang drafts nila bago e finalize ito. Mag alas dos na nang matapos sila at kapwa inaantok na.
"Uuwi pa ba tayo?" Tanong ni Gerald.
"Oo naman." Sagot ni Kathy.
Nagkibit balikat na lang si Gerald.
"Sabay ka na sa akin. Si Manong, andun pa sa car, nakatulog na yun malamang. Pinapauwi ko kanina pero ayaw naman umuwi. Ipinilit niya na mag-antay na lang daw.
Sumabay si Gerald kay Kathy. Habang nasa biyahe ay tinanong ni Kathy kung saan nila ito ihatid pero nakatulog na pala. Pangalawang gabi na kasi na halos walang tulog ito. Umidlip na lang din si Kathy. Nagising na lang sila nang gisingin sila ni manong. Nakarating na pala sila sa bahay ni Kathy.
"Gerald, gusto mo bang ihatid ka ni manong o dito ka na lang magpalipas ng gabi. May guest room naman ako."
"Dito na lang, total mag umaga na, if you don't mind." Sagot nito.
"Oo naman. Tara na para makatulog na. Pagod tayo pareho and I'm sure na mas pagod ka dahil you worked so hard the other night."
Umakyat na nga sina Kathy at Gerald. Una, inihatid ni Kathy si Gerald sa guest room. Iiwan sana siya ni Kathy nang bigla siyang hatakin nito. Natumba sila pareho sa kama at nakatitigan.
"I don't know what is going on but I missed you." Bulong ni Gerald.
Sasagot sana si Kathy nang bigla na lang siyang niyakap ni Gerald at sinakop ng mga labi nito ang labi niya. Pumaibabaw sa kanya ito, ramdam ni Kathy ang bigat nito at ang pagkasabik sa kanya. Hinayaan na lang niya ito. Ayaw man niyang aminin ay na miss din niya ito.
Nagising si Kathy na kayakap si Gerald. Kapwa sila walang saplot. Tinignan ni Kathy ang oras at napabalikawas siya ng bangon nang makita niya na mag alas nuebe na pala ng umaga. Nagising na rin si Gerald.
"Good morning.." Nakangiting sabi ni Gerald.
Tumingin si Kathy dito sabay buntong-hininga. She can't believe how quick they fall in each others arm again. "Good morning too. Kailangan na nating mag handa, alas nuebe na pala. Maligo lang muna ako." Sabi ni Kathy. Dinampot nito ang ilang damit, sinuot niya at lumipat sa kabilang kuwarto. Papasok sana siya sa shower nang mag salita si Gerald. Nagulat siya.
"Would you mind kung samahan kita na mag shower?" Sabi nito.
Bago pa maisara ni Kathy ang pinto ay naiharang nito ang mga kamay, pumasok ito sa shower at walang sabi sabing binuhat nito si Kathy. Tumapat sila sa tubig, ramdam ni Kathy ang malamig na tubig pero Di nun mapawi ang init na unti unting lumukob sa kanyang katauhan. Muli na naman siyang nagpaubaya kay Gerald.
Sabay silang natapos mag shower. "Kailangan nating bilisan. E review pa uli natin yung project natin." Sabi ni Kathy.
"Napaka workaholic mo talaga."
"Kailangan eh." Sagot ni Kathy habang nagpupunas ng bansang katawan nang may bigla siyang maalala. "Ano pala isusuot mo?" Tanong nito kay Gerald.
"Idi yung suot ko pa rin kahapon at company t-shirt na lang. Tingin ko bagay ko yung company t-shirt kasi nakita kong nanlalaki bigla ang mata mo nung makita mo ako." Sabi ni Gerald, may nakakaloko na mga ngiti sa labi nito.
Namula ang mga pisngi ni Kathy. Napaka obvious ba niya?
"Wag ka nang mahiya sa akin Kathy. Di na tayo iba sa isa't isa."
Napatingin lang si Kathy dito.
"Nakahanda na si manang ng almusal natin. Kung gutom ka na, pwede kang mauna sa baba. Magbibihis pa ako."
"Antayin na kita."
"Matatagalan ako, alam mo naman kaming mga babae."
"O sige, antayin na lang kita sa baba. Baka kasi ano na naman." Sabi ni Gerald, may naughty na ngiti sa mga labi nito at kumindat pa kay Kathy.
Lalo tuloy namula si Kathy. Naka tawa naman si Gerald na lumabas sa pinto.
Alam ni Kathy na panandalian lang to, between career and a former flame turned flame again? She will definitely choose her career. Alam niyang what happened between them is just a tawag lang ng pangangailangan. Wala na siyang balak pang balikan ang nakaraan!