He Was Mine First/C13 Chapter 12
+ Add to Library
He Was Mine First/C13 Chapter 12
+ Add to Library

C13 Chapter 12

"Good morning po!" Bati ni Gerald sa babaeng naabutan niya sa kusina. Napangiti ito. "Ako po si Gerald." Pagpapakilala ni Gerald sa sarili. "Kumusta po kayo?"

"Mabuti naman po." Sagot ng babaeng halos kasing edad lang din ni Gerald.

"Ako naman po si Maribel. Katulong ako sa bahay ni ma'am Kathy at asawa ko naman ang driver niya."

"Ah, si Manong. Ano nga palang pangalan ni manong? Manong lang kasi ang dinig kong tawag ni Kathy eh."

"Ben po, sir. Gusto mo na bang kumain. Ipaghain na kita ng almusal."

"Antayin ko na lang po so Kathy."

"Ayaw niyo po ba kahit kape man lang?"

"Uhm.. O sige po. San po kape niyo dito?"

"Maupo ka na lang po sir sa lamesa, dadalhan kita ng kape dun." Sabi ni Maribel.

"Salamat Maribel. "

"Walang anuman. Alam mo bang ikaw pa lang ang tanging nadala ni ma'am na lalaki dito?" Sabi ni Maribel at bigla niyang natakpan ang bunganga niya na para bang may nasabi siyang hindi dapat. Napansin ni Gerald yun.

"Wag kang mag-akala. Sa atin lang ang usapan nating to." Sabi ni Gerald.

Mukhang nakahinga si Maribel sa narinig.

"Matanong ko lang, wala ba talaga kahit ni isa na naging boyfriend si Kathy?"

"Wala po sir eh. Akala ko nga di na magkaka boyfriend yun pero ito, sa wakas ay nag-uwi na rin siya ng lalaki."

Natahimik si Gerald.

"Matanong ko lang sir, girlfriend mo na po ba si ma'am Kathy?"

"Ha? Ah.."

"Wag na wag mong lolokohin si ma'am. Mabait po yan at di na siya bumabata."

"Ah.. Wag na tayo mag-usap about sa ganitong bagay, baka biglang bumaba si Kathy at marinig tayo."

"Ay.. Oo nga po sir. Pasensiya na."

Ngumiti lang si Gerald.

Pagbaba ni Kathy sa dining ay nakita niyang humihigop ng kape si Gerald.

Seryosong seryoso ang mukha ni Kathy na ipinagtaka si Gerald. Ano kayang nangyari?

"Okay ka lang ba?" Tanong niya dito.

Tila malalamin ang iniisip nito.

Tinignan niya si Gerald ng matalim na mas lalong ipinagtaka ni Gerald. "Sorry, what is it Mr. De Guzman?"

Napabuntong-hininga si Gerald. "May problema ba tayo?" Tanong ni Gerald na inignore lang ni Kathy.

"Maribel, ang almusal namin please. Nagmamadali na kami ni Mr. De Guzman." Malakas ang boses na sabi ni Kathy.

"Opo ma'am." Sagot ni Maribel mula sa kusina.

Tinitigan ni Kathy si Gerald. "I just want to clarify this to you, Mr. De Guzman. We both know you're married so what happened in my bedroom stays in my bedroom. You're not going to ruin my reputation. Especially that I am dealing to Mr. Chua who is known for his conservative views. Just so you know, we did not f*ck!"

Nakikinig lang si Gerald. He don't know kung paano sumagot kay Kathy. Ngayon niya na realise na ibang Kathy na nga ito. Not the old Kathy that he dumped in college.

Dumating si Maribel, bitbit sa tray ang almusal nina Gerald at Kathy. Tahimik lang ang dalawa na ipinagtaka ni Maribel.

Walang nag salita ni isa man sa kanila.

Pagkatapos mag-almusal ay inihatid na ni Ben sina Kathy at Gerald sa opisina ni Kathy.

Magkasabay na naglakad ang mga ito papasok sa KK21 building kung nasaan ang opisina ng founder and CEO ng nasabing kumpanya.

****

Kaaiba ang kaba ni Mia sa biglang hindi pag-uwi ni Gerald. Pangalawang gabi na ito. Nagduda na siya kaya gusto niyang puntahan ang opisina mismo ng asawa niya.

Kararating lang niya sa KK21 nang makita niya si Gerald, may kasamang babae ito at papasok ang mga ito sa gusali. Agad niyang sinundan ang mga ito, hinarang siya ng guwardiya subalit mabilis siyang nakapasok.

"Gerald!" Sigaw niya.

Mukhang narinig siya ni Gerald dahil halatang natigilan ito. Lumingon ito, kita ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi nito siguro akalain na pupuntahan ito ni Mia sa opisina. At may kasamang babae pa! Naisip ni Mia na kaya pala buong gabi na patay ang cellphone nito. Halos mamatay na siya sa pag-aalala. Halo-halong emosyon ang lomokob sa kanya.

Kita din ni Mia ang paglingon ng kasamang babae ni Gerald.

"Mia! Anong ginagawa mo dito?" Parang nakakita ng multo na tanong ni Gerald. Maging si Kathy ay nagulat din.

Dumating na ang guwardiya at akmang ipapalabas nito si Mia.

"It's okay, let her in." Kampanteng sagot ni Kathy.

Lumapit naman si Mia kina Gerald at Kathy. Biglang nag-iba ang mukha nito. Siguro ay nakilala na nito si Kathy.

Kitang - kita ni Kathy ang reaksiyon sa mukha ni Mia. And she must admit na natuwa siya sa nakita niyang reaksiyon nito. Naisip niya, this thing happening must be not so bad at all.

"Mia, long time no see. How are you?" Nakangiting sabi ni Kathy.

Hindi makapag salita si Mia. Nanatiling awang lang ang bibig nito.

"This must be a surprise to you, well I can't blame you. Would you like to chitchat in my office?" Nakangi pa ring tanong ni Kathy.

Napalunok si Mia. "Kathy?" Halos pabulong na sabi nito.

"That's right, no other than the Kathy palengke girl in college. What made you visit me in my office?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"I.. I just want to find my husband. I was not able to contact him the whole night. Di na ako makatulog sa kakaisip kung nasaan na ang asawa ko at kung ano ang nangyari sa kanya. Muntik ko nang tawagan ang police para e report na nawawala ang asawa ko." Maluha-luhang sabi ni Mia.

Napatingin si Kathy kay Gerald na pawis na pawis ang mukha." Aww.. Gerald, next time, magpa-alam ka kay Mia." Sabi ni Kathy kay Gerald bago siya muling tumingin kay Mia." He is busy, may tinapos siyang project and unfortunately lowbat ang phone niya so he was not able to talk to you." Kalmado pa rin na sabi ni Kathy. "How about this, I leave you two so you two can talk. Mr. De Guzman, why don't you take Mrs. De Guzman to your office so you can talk privately?"

Tumango lang si Gerald bago nito hinila si Mia. "What are you doing here?" Madiing buong ni Gerald na di nakaligtas sa pandinig ni Kathy.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height