He Was Mine First/C14 Chapter 13
+ Add to Library
He Was Mine First/C14 Chapter 13
+ Add to Library

C14 Chapter 13

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sunod sunod na mura ni Kathy nang makapasok sa office niya.

Nagtaka si Cynthia kung bakit panay ang mura ng boss niya. Nakakunot - noo siyang nakatingin dito.

"It's Mia!" Bulalas ni Kathy.

"Mia? Mia who?"

Di sumagot si Kathy.

Maya-maya lang ay biglang nagliwanag ang mukha ni Cynthia.

"Oh my God! Don't tell me this Mia is the Gerald-Mia team?"

Napatango si Kathy.

"What happened?" Nagtataka na tanong ni Cynthia.

"I don't know kung paano nangyari! Ang bilis naman niyang maka pick up! Pangatlong araw lang ni Gerald dito and here she is looking for her husband. What's wrong with her?" Di makapiwalang bulalas ni Kathy.

"Oh my God! You're in Deep sh*t! What happened exactly at bakit hinahanap dito si Gerald?"

"Gerald slept in my house."

"My goodness! No wonder." Sabi ni Kathy, natampal nito ang sariling noo.

"Don't give me that reaction. I'm nervous, sobra, di mo lang nakita kung paano ko hinarap si Mia jan sa lobby nang di nag freak out. Buti at nakarating ako dito sa opisina ko bago nanghina ang tuhod ko."

Nanghihinang napaupo si Kathy. Di mawala wala ang kaba sa kanyang dibdib.

"Mukhang aatakehin ako sa nerbyos."

"Naku ma'am, wag ka pang mamamatay, sino na lang ang magpapasahod sa akin? Nangako ka pa ng raise kaya big no, bawal ma tsogi!"

"Seriously, Cynthia? Aatakehin na ako sahod mo pa rin ang concern mo?"

"Biro lang po ma'am. Siyempre concern ako sa iyo. Uminom ka kaya ng tubig muna, baka sakaling makatulong para kumalma ka." Sabi ni Cynthia, kumilos na ito para bigyan ng maligamgam na tubig si Kathy.

"Salamat, Cynthia." Sabi ni Kathy pagkatapos inumin ang tubig na iniabot nito. "Tell me, kung ikaw ang nasa katayuan ko, anong gagawin mo?"

"Hmm.. Kung ako ma'am, wala akong paki sa kanya. Una, ikaw ang nauna. Pangalawa lang siya."

"Siya naman ang pinakasalan."

"Eh ano ngayon, di ba't nagmakaawa ka pa dun na wag agawin sa iyo si Gerald? Isipin mo na lang ma'am na bilog ang mundo and karma is real. Ang kaibahan lang ay di siya sa iba nakarma kundi sa iyo mismo. O, Di ba? The universe is fair lang. Make sense ba?"

Natigilan si Kathy. Nakatitig lang ito kay Mia.

"Ano? Ma'am, agree ka ba? Di ka dapat makosensiya dahil noong ikaw ang inagawan, nakonsensiya ba siya?"

Maya-maya lang ay napaismid si Kathy. She gained her confidence back.

"You are so right! Why should I be guilty? In the first place, he was mine first. Inagaw niya lang sa akin!"

Napa thumbs up si Kathy. "That's the spirit. Arat maghiganti ang mga pinagpalit!"

Tinitigan ni Kathy nang masama si Cynthia. "Ay sorry po ma'am. No pun intended po."

*****

"Mia, what the hell are you doing in my office?" Makulimlim ang mukha na tanong ni Gerald.

Pumatak ang mga luha ni Mia. "I was just worried about you, hindi ko naman akalain na makikita ang ex mo dito! Anong ginagawa ng ex mo dito?" Emosyonal na sabi ni Mia.

"She is my boss!" Madiin pa rin na sagot ni Gerald.

Awang ang bibig ni Mia. Di siya makapaniwala sa narinig.

"Yes. She owns this building! Kaya please lang, don't do this again! Ano na lang ang iisipin niya sa akin?"

"Paanong nangyari yun? She is just a palengke girl dati." Di makapaniwalang sambit ni Mia.

"Bilog ang mundo Kathy. Tayo na ngayon ang nasa baba, siya ang nasa taas. Kaya maghunos dili ka sa ginagawa mo. Kailangan ko itong trabaho!"

"Bakit kasi di ka na lang bumalik sa kumpanya ni papa?" Tanong ni Kathy.

"Alam mong ayaw na ayaw ko nang bumalik sa kumpanya ng papa mo Kathy. Alam mo naman kung paano ako tratuhin ng ama mo. Mas maganda na sa iba ako mag trabaho. Gusto kong patunayan ang kakayahan ko sa iba."

"Pero bakit kay Kathy pa?"

"Hindi ko alam noong una na siya pala ang magiging boss ko. Busy kami kagabi dahil may project kaming mall, mall ni Mr. Chua.."

"What? Kliyente ni Kathy si Mr. Chua?" Lalong di makapaniwala na bulalas ni Mia.

"That's what I am talking about. Kaya don't ever do this again. Baka kung anong isipin ni Kathy."

"Magkasama ba kayo kagabi?" Muling tanong ni Mia.

"Hell, no! I mean oo pero umuwi siya. Nakatulog na ako dito sa opisina. Inaya lang niya akong mag-almusal kanina kaya sabay kaming dumating."

"Promise?"

"Oo, Mia. So please go now. Mag-usap na lang tayo mamaya pag dating ko ng bahay. I need to work now."

Saglit na nag-isip si Mia.

"I want to talk to her."

"What? No! Why would you do that? She's my boss, don't harass her."

"I am not, gusto ko lang siya kausapin, babae sa babae." Pagpupumilit pa rin ni Mia.

Natampal na lang ni Gerald ang noo niya at humarap sa bandang bintana.

"Believe me hon, I'm going home after I talk to her. Gusto ko lang humingi ng despensa, please?"

Walang magawa si Gerald kundi dalhin si Mia sa opisina ni Kathy na hindi ikinagulat ng huli dahil inabisuhan muna siya ni Gerald.

Ngumiti si Kathy kay Mia. "You have nothing to worry about, this is nothing but work! So stop being insecure girl."

"I am not insecure Kathy. You yourself know how that feels dahil ikaw yun, dati! I only want to talk to you because I want to apologise sa nangyari in the past. I'm very sorry Kathy, I wish na I have handled everything like a matured woman. I wish na pwedeng balikan ang nakaraan at baguhin ang nakaraan." Buong pakumbaba na sabi ni Mia.

Wait, what? Bakit parang hindi si Mia ang nagsasalita. Sinapihan ata ito ng kabaitan. Nagbago ba talaga ito or this is just a part of her scheme? Naisip ni Kathy.

"You know what, the past is the past Mia. I don't even think about what happened anymore. In fact I forgot about it, naalala ko lang because you reminded me. No worries, I don't hold grudges. Di ako ganoon."

Ngumiti si Mia at niyakap nito si Kathy na ikinagulat ng huli." I wish we can be friends."

Napangiwi si Kathy na di nakaligtas kina Cynthia at Gerald. She did not hug back Mia na in ignore lang din ng huli.

"Oo nga pala. Back in college, nabanggit ni Gerald na paborito mong snack ang kakanin. Gumagawa na ako nun sa bahay dahil gusto rin ni Gerald. Gusto mong dalhan kita dito bukas? I swear this is a gesture of making peace with the past."

"You don't have to do that Mia." Seryosong sabi ni Kathy.

"Oh no, it's nothing. Sayang din ang ibang matitira kung walang kakain. I won't go if you don't say yes."

Di alam ni Kathy kung paano sasagot.

"You know what Mia, tama na yan. Let's go." Seryosong sabi ni Gerald sabay hila palabas kay Mia sa opisina ni Kathy.

"You know what, ipadala mo na lang kay Gerald. Thank you." Pahabol ni Kathy kay Mia.

"I will." Sagot nito.

Tila nabunutan ng tinik SI Kathy sa dibdib nang makaalis si Mia.

"What are you gonna do now?" Tanong ni Cynthia.

Nagkibit balikat si Kathy. "Just go on with the flow. Isipin ko na lang na Mia is just one of my projects, she's my project sixteen. Now, don't ever mention her name ever again. We have a code name for her."

"Copy, project sixteen, it is!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height