He Was Mine First/C16 Chapter 15
+ Add to Library
He Was Mine First/C16 Chapter 15
+ Add to Library

C16 Chapter 15

"How dare her!" Gigil na sabi ni Kathy.

"She is crazy! She named her daughter June-nine! Matino ba ang taong ganoon, ipinangalan sa monthsary niyo ni Gerald?"

"Exactly! Who does that?" Di makapaniwalang bulalas ni Kathy.

"But you call the shots now. So do you still want that unwanted guest in your office?" Tanong ni Cynthia.

"I don't know." Umiiling na sabi ni Kathy.

"I suggest not to. I have a feeling she don't have a sound mind."

"Ikaw naman, hindi siguro. Alam mo naman tayong mga babae, over thinker so as a result ay nakakagawa ng mga wrong moves."

"Teka lang boss, are you siding her? Ikaw na nga po itong I naalala ko."

Bumuntong hininga na lang si Kathy. Akmang dadamputin nito ang paper bag na inilapag ni Mia sa lamesa nang pigilin ito ni Cynthia.

"Oops! Baka may bomba diyan. Lumayo ka saglit para e check ko muna."

"Stop the nonsense Cynthia. Lalong sumasakit ang ulo ko."

Sumimangot si Cynthia. Concern lang naman siya sa boss niya.

"Kakanin lang to Cynthia. See?"

"Don't tell me na kakainin mo yan?"

"O, ano naman ang masama kung gusto ko tong kainin? You heard her, paborito ko ang kakanin." Sabi ni Kathy habang binabalatan nito ang isang suman. Agad niya itong kinagat at nginuya. "Lasa ang gata, masarap siya."

Napailing na lang si Cynthia. Wala itong magawa kundi pagmasdan ang boss niya na kumakain ng suman.

"Meron pa Cynthia. Wag ka nang mahiya."

"No, thank you!" Tigas ang pagtanggi nito kay Cynthia. Atleast siya, kahit tinawag siyang fat ni Mia ay may standard siya. She don't accept bribes or kahit ano na galing sa enemy niya. Not like her boss na enjoy na enjoy sa pagkain ng suman.

"I just want to remind you of your calorie intake, baka hindi magkasya ang isusuot mo para sa iyong presentation sa harapan ng mga Chua and their board of directors. Its happening in two hours. You better get ready." Paalala ni Cynthia.

"Oh no! I almost forgot about the presentation!" Bulalas ni Kathy. Nabitawan nito ang pangalawa niyang suman. "I need to get ready, call Gerald!"

"I'm here." Sabi ni Gerald, hustong papasok ito sa pinto. Bihis na bihis ito, he is wearing a suit na pinaresan niya ng colorful tie. Napanganga si Kathy. She recognise that cheap tie, regalo niya yun kay Gerald years ago. Bigla na naman siyang nag wander sa memory lane niya with Gerald. Masaya sila nito dati, Kathy can swear her boyfriend don't mind her amoy palengke dati.

"Ma'am Kathy?" Tanong ni Cynthia.

Kathy shook her head, nakatitig na pala siya kay Gerald. Ngumiti siya, "You look handsome!" Papuri niya dito.

Kinindatan lang siya ni Gerald.

"Naku! Kayo talaga, andito pa ako, naghaharutan na kayo." Kinikilig na sambit ni Cynthia.

Natawa pareho sina Gerald at Kathy.

"I better leave you so you can get ready. I'll be waiting in my office." Sabi ni Gerald.

Pagkalabas ni Gerald ay agad nag change outfit si Kathy. Hinubad niya ang mini skirt niya at pinalitan ng slacks na pinaresan niya ng blouse that she tucked in under her slacks saka niya pinusod ang buhok niya. Nagsuot din siya ng manipis na blazer.

Kathy looks in the full length mirror one more time. This is what someone should wear when dealing with Mr. Chua. No visible legs, cleavage is also a big no! Kilala niya ang matandang Chua sa pagiging religious nito kaya ang accessories na ginamit niya ay ang cross niyang pendant.

"Wow! You look like a modern sister." Puna ni Cynthia.

"What?"

"I mean you look very presentable." Pagka klaro ni Cynthia.

"Well, that's the plan." Sagot ni Kathy. Ibinotones nito ang pinakaunang button ng blouse niya. "I'm ready."

"Sa wakas. Should I inform Mr. De Guzman?"

"Wag na. Daanan ko na lang siya sa opisina niya.

On the way, sa loob ng kotse ni Kathy, di mapigilan ni Kathy na sabihin kay Gerald ang about sa anak nito.

"I saw your daughter, kamukhang kamukha mo siya." Sambit ni Kathy na ikinagulat ni Gerald. Hindi ito agad nakapagsalita.

"When?" Kunot-noong tanong nito.

"Kani-kanina lang. Mia showed up in my office with your daughter."

"What? Believe me Kathy, I have nothing to do with that.."

"I know, nothing to worry about. She looks a lot like you."

Nakatitig lang si Gerald kay Kathy. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.

"May dala rin ba si Mia na kakanin?" Maya-maya ay tanong ni Gerald.

"Yes. Yun ang kinain ko for breakfast. I was hungry kaya kumain ako ng dalawa, actually di ko naubos ang pangalawa dahil Cynthia reminded me about my carbs intake."

"I see." Tanging nasabi ni Gerald.

Hindi na sila nag-usap pa hangang makarating sila sa building ni Mr. Chua.

"We're here." Sabi ni Gerald. Agad itong bumaba at akmang pagbubuksan niya si Kathy subalit mabilis ding nakalabas ito.

"I got it, independent woman here." Sabi ni Kathy, may ngiti ito sa mga labi while winking at Gerald.

Napangiti rin si Gerald at napailing. Sa isip niya, Kathy is really something.

Dumeretso sina Kathy at Gerald sa meeting room. Tamang-tama ang dating nila. Assembling pa lang ang lahat. Pumwesto sina Gerald at Kathy sa harap, ready na sila para ipakita ang ilang gabi nilang pinagpuyatang gawin.

Napahawak si Kathy sa tiyan niya bigla. Di yun nakaligtas kay Gerald.

"Are you okay?" Tanong ni Gerald.

Hindi sumagot si Kathy, nagsimula siyang pagpawisan.

This is not good, naisip ni Kathy. She suddenly feels a stomach cramp. Di naman niya period ngayon. Isa pa, kakaibang stomach cramp ito.

"I think I need to go to the bathroom." Bulong ni Kathy kay Gerald subalit pumasok na si Mr. Chua kasabay ang anak nitong si Arvin. Natigilan si Kathy.

Agad nakita ni Mr. Chua si Kathy. Ngumiti ito.

"Look who's here?" Nakatawang sabi nito.

"Good afternoon po sir." Nakangiting sabi ni Kathy sabay kaway kay Mr. Chua.

Seryoso ang mukha ni Arvin Chua. Mukhang umasim pa nga ang mukha nito pagkakita kay Gerald.

"Shall we begin?" Sabi nito.

Tahimik na nangagsiupo ang board of directors.

Nagsimula namang mas lumala ang cramping sa tiyan ni Kathy. Napakapit ito kay Gerald.

"Are you okay?"

Umiling si Kathy.

"May stomach cramps ako." Bulong ni Kathy.

"Baka nene nerbyos ka lang."

Umiling si Kathy.

"Is everything okay?" Tanong ni Mr. Chua. Napansin nitong nagbubulungan lang sina Kathy at Gerald sa harap.

"I'm sorry but can you please give us a minute, Kathy needs a minute." Sabi ni Gerald.

Bulungan ang mga tao sa loob ng meeting room na yun. May nagsabi pa nga na such a waste of time kaya tumayo si Arvin.

"In that case, tawagin ko ang aking plan B while Ms. Kathy and Mr. De Guzman get themselves prepared." Sabi ni Arvin na inayunan ng board of directors.

Masakit talaga ang tiyan ni Kathy kaya wala siyang magawa kundi to run to the rest room. Sinamahan siya ni Gerald.

Kathy have an explosive diarrhea. Ang sakit ng tiyan niya at di siya tumigil sa pagtatae kaya natagalan siya sa toilet. Pawisan siya nang sa wakas ay tumigil ang pag cramp ng tiyan niya. Agad niyang inayos ang sarili at agad ding lumabas sa comfort room. Nasa labas si Gerald na nag-aantay.

"Okay ka na?" Tanong nito.

Tumango si Kathy.

"We better hurry."

Mabilis na bumalik ang dalawa sa meeting room. Dahan-dahan silang pumasok at laking gulat nila pareho nang makita nila kung sino ang nasa harap.

"It's Mia!"

Di makapaniwa si Kathy at mas lalong nanlaki ang mga mata niya when she noticed na it's her work ang naka project sa screen. How did that happen?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height