He Was Mine First/C18 Chapter 17
+ Add to Library
He Was Mine First/C18 Chapter 17
+ Add to Library

C18 Chapter 17

What could be the sweetest revenge than to fuck your foe's husband. That's right walang sawang paulit ulit ang paghihiganti ni Kathy sa pamamagitan ng paulit ulit na pagpapa-angkin kay Gerald. Kapwa sila humihingal nang matapos sila.

"Tapos ka na bang maghiganti?" Bulong ni Gerald kay Kathy.

"Not yet, pero pagod na ako."Sagot ni Kathy.

"I'm still down for another round. In case you're not done with your revenge." Pilyong bulong ni Gerald.

Napatawa naman si Kathy. "Grabe ka Gerald, naka ilan na tayo ngayong gabi."

"Gusto kong sulitin lang ang iyong kauhawan sa akin.."

Nakurot ito ni Kathy.

"Aray! Totoo naman Di ba? Tonight, napaka wild mo. Sana ganoon parati. Sana naghihiganti ka parati."

"Enough Gerald, matulog na tayo. Antok na antok na talaga ako."

"Okay, goodnight my love." Bulong ni Gerald, niyakap nito si Kathy at sabay silang nakatulog.

Kinabukasan, mas naunang nagising si Gerald kaysa kay Kathy. Dahan-dahan itong umalis sa kama, nagmumog ito at bumaba sa kusina. Naabutan niya dun si Maribel na nagpi prito ng tuyo. Naamoy niya agad yun kahit sarado ang pinto at bukas ang exhaust fan doon.

"Hmm.. May naaamoy akong masarap." Sabi ni Gerald.

"Ay sir gising ka na pala. Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin Maribel, kumusta ka na?"

"Ayos naman po sir, awa ng Diyos. Ikaw po?"

"Hmm.. Alam mo Maribel wag na nating pag-usapan yan. Ano yang naaamoy kong niluluto mo? Toyo ano?"

"Opo sir."

"Nagutom ako bigla. I hope you don't mind, gutom na kasi ako. Pwede na bang kumain?"

"Oo naman sir. Pwedeng pwede. Maupo ka lang po at ipagsandok ko kayo."

"Salamat Maribel, Pero wag mo na akong tinatawag na Sir, Gerald na lang. Total ay di tayo nagkakalayo ng edad."

"Naku po sir sanay po kasi ako. Pasensiya po kayo, Di ko mapagbibigyan ang inyong hiling." Sagot ni Maribel.

"Bahala ka na nga." Natatawang sagot ni Gerald.

Pagkatapos kumain ni Gerald ay nagpaalam ito kay Maribel. Nag-iwan ito ng note at ibinigay kay Maribel para ibigay nito sa kanyang amo.

"Gerald?" Sambit ni Kathy, hinanap niya si Gerald sa kuwarto niya subalit di niya ito makita. Agad siyang bumangon, nagsipilyo at nagsuklay bago bumaba sa kusina.

"Good morning po ma'am Kathy. Umalis na po si sir. May iniwan na note para sa iyo. Ayaw daw niyang istorbohin ang iyong tulog."

"Ganoon ba?"

Binasa ni Kathy ang note na iniwan ni Gerald, napabuntong-hininga ito.

"May problema po ba ma'am?"

"Wala naman Maribel. Kaya ko to."

Tumango lang si Maribel at di na nagtanong pa.

"Paki templa ako ng kape, pasensiya na, tinatamad akong kumilos."

"Walang problema, saglit lang po."

Maya-maya lang ay inilapag ni Maribel ang kape sa side table dun sa terrace kung saan nakaupo si Kathy. Tila nagising ang diwa niya nang masamyo ang aroma ng kape.

"Salamat Maribel."

"Gusto mo rin bang mag-almusal na? Mag alas nuebe na."

"Sabado ngayon Maribel, wala akong lakad at wala akong proyekto ngayon na paglalaanan ng maraming oras. Maybe this thing that happened is good para makapag pahinga ako dahil all these years ay puro trabaho ang inatupag ko."

Tumango lang si Maribel. Ganoon siya parati, kahit na di niya na-gets kung ano ang sinasabi ng boss niya. Minsan, alam niyang nag vo - voice out lang ito ng problemang kinakaharap kaya nakikinig lang siya.

"Yes Maribel, gusto kong mag-almusal. Ihain mo lang sa lamesa, papasok ako soon. Gusto ko lang munang maupo dito saglit.

Umalis si Maribel, maya-maya lang ay bumalik ito.

"Lalamig na po ang pagkain." Paalala nito.

"Papasok na po."

Kumakain si Kathy nang may mag door bell. Nagkatinginan sila ni Maribel. Si Gerald na kaya yun?

Chinek ni Maribel sa camera kung sino ang nag do - door bell.

"Babae po siya ma'am. May inaasahan po ba kayong bisita?"

"Wala naman." Nagtatakang sagot ni Kathy.

Tumayo ito at tinignan ang camera. Kita sa mukha niya ang pagkagulat nang makilala kung sino ang nasa labas na walang tigil sa pag door bell.

"Kilala mo po ba siya ma'am?" Tanong ni Maribel.

Tigas ang pag-iling ni Kathy.

"Hindi ko siya kilala. Wag mong lalabasin, mahirap na, ang daming manloloko diyan."

"Paulit ulit po yung pag door bell niya eh."

"E mute na lang natin. Off mo yang door bell na yan para di tayo maistorbo. Wag kang magpapakita, magsasawa din yan at aalis na." Sabi ni Kathy.

"Pero sino po ba yun?" Tanong ulit ni Maribel.

Napabuntong-hininga si Kathy.

"Asawa ni Gerald." Maya-maya ay sagot nito.

"Huh! May asawa si Gerald?" Gulat na tanong ni Maribel.

Napatango si Kathy. Si Gerald ang inspirasyon ko kung bakit ko narating ang kinaroroonan ko ngayon. Ang ginawa niya sa akin ang nagbigay sa akin ng determinasyon to succeed. He married a rich girl, I thought noon na kapag mayaman na rin ako.. Yung tipong mabango parati at maganda parati.. Then I won't be hurt again."

"Pero ma'am, baka siya rin ang magiging dahilan ng iyong pag bagsak, ingat ka po ma'am. Lalo at alam ng asawa niya ang bahay mo. Hinahanap yata si sir."

"Malamang! Hayaan mo na siya, I won't be caught. Yesterday, I lost the project. Gerald's wife stole my hard work. I won't forgive her for what she did. I will take away her husband, her daughter will lose a father!" Nanggagalaiting salaysay ni Kathy.

"Pero ma'am, baka edemanda ka niya at baka makulong ka! Napapanood ko ang ganoon sa balita! Concubinage ata ang tawag dun. Adultery naman kapag babae ang nagloko."

Napabuntong-hininga uli si Kathy. May point naman si Maribel.

"Ma'am, di sa nangingialam ako sa buhay mo pero sana dun ka na lang sa walang sabit pumatol. Mahirap ang pinasok mong yan."

"Nothing to worry about me, nag-iingat ako Maribel."

"Sana nga po. Oonga pala. May tumawag kagabi ma'am. Sorry nakalimutan kitang sabihan agad. Arvin Chua daw ang pangalan. Hinahanap ka."

"Ha? Anong oras?" Gulat na tanong ni Kathy.

"Mga bandang alas nuebe po. Sabi ko na na wala ka pa, ang sabi naman niya ay tatawag daw uli siya. Di naman uli tumawag."

Napaisip si Kathy. Bakit kaya? Pagkatapos siyang pagtawanan kahapon? Tatawag pa to? Is he not done humiliating her yet? Sunod-sunod ang mga katanungan sa isip ni Kathy. One thing is for sure though, she is still hoping na things would turn around at pumabor sa kanya ang panahon.

Biglang may kumalabog sa labas. Nagkatinginan sina Maribel at Kathy. Halos sabay silang sumilip sa bintana, nakita nilang malakas na kinakalampag ni Mia ang gate.

"Kathy!! Ilabas mo ang asawa ko! Walang hiya ka! Mga kapitbahay labas kayo, may kapitbahay kayong pugad ng higad! Mang-aagaw ng asawa!! Ilabas mo ang asawa ko!" Sigaw ni Mia. Nagwawala ito sa labas ng gate ni Kathy.

"Hala ma'am, anong gagawin natin?" Takot ang itsura na sabi ni Maribel.

Lalong napabuntong-hininga si Kathy.

"Tawagan mo ang security. Inform them na may nanggugulo dito. Tawagan ko naman si Gerald para pumunta dito."

Agad tumawag si Maribel ng security habang tinawagan naman ni Kathy si Gerald.

Maya-maya lang ay dumating ang security. Sinabihan siya ng security na maghunos dili, na daanin sa mabuting usapan ang lahat subalit pinagmumura niya lang ang security guard na rumesponde.

"Kathy!! Kathy makati!!" Muling sigaw ni Mia sa labas. "Hindi ako aalis hanggat hindi ka lumalabas diyan! Huwag kang duwag, magpakita ka sa akin at ilabas mo si Gerald!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height