He Was Mine First/C19 Chapter 18
+ Add to Library
He Was Mine First/C19 Chapter 18
+ Add to Library

C19 Chapter 18

"Paano kang nakakalusot sa lahat ng securities? Opisina ko, bahay ko? Sinusundan mo ba ako? How did you find out where my house is? And why are you doing this to me? I just really can't find a reason to justify what you're doing to me?" Frustrated na sabi ni Kathy kay Mia. Nasa loob siya ng gate, nasa labas naman si Mia. Siguro kung walang pader sa pagitan nila ay nagsuguran ang mga ito.

"Huh! Sinusundan? Elosyon mo lang yan! Ilabas mo ang asawa ko!" Nanggagalaiti pa ring sigaw ni Mia.

"Huh! Elosyon mo lang din yan! Bakit mo hinahanap sa akin ang asawa mo? Bakit hindi ba umuwi sa iyo? After sabotaging his hard work? You ruined his career!" Nanggigigil na sagot ni Kathy.

"There is a reason why everything happened the way they happened, yun ay dahil inaagaw mo siya sa akin!"

"Excuse me?" Tanong ni Kathy. Tila lalong nagpanting ang mga tainga niya sa narinig. Nagpipigil lang siya dahil may nagsilabasan na mga tao sa subdivision na yun para tignan kung saan nanggagaling ang ingay.

"That's right! Labas mga Maritess para pagpiyastahan ang mang-aagaw ng asawa!!" Sigaw pa lalo ni Mia.

"Mga kapitbahay, I'm very sorry sa ingay. Just to let you know, she's not in her sound mind." Paliwanag ni Kathy sa mga taong napapatingin sa kanila.

"Sinungaling!!" Bulyaw uli ni Mia, nakaturo ang hintuturo nito kay Kathy.

Nakita ni Kathy na dumating na si Gerald. Naglalakad ito palapit kay Mia.

"Mia, tama na yan!" Sigaw nito.

Napalingon si Mia.

"What are you doing here Mia?" Tanong ni Gerald bago ito tumingin sa mga tao. "Pasensiya na kayo sa istorbo." Paumanhin ni Gerald sa mga ito bago bumaling kay Kathy. Tahimik kasi sa subdivision nila, di sila sanay na may nag-ingay. "Pasensiya na Kathy." Sabi nito.

Napaismid si Mia.

"Ayan na ang asawa mo, bakit mo hinahanap sa akin?"

"As if I don't know what you two are doing!"

"Tama na yan, you two. Uwi na tayo Mia. After what you did to me yesterday, aasahan mong ayos pa rin ang lahat sa atin? Umuwi na tayo para sa bahay mag-usap. Wag ka dito magwala, nakakahiya!" Halata na rin sa boses ni Gerald na galit ito.

"Huh! At ako pa ang nakakahiya, dapat na ang malandi na yan ang mahiya!"

"Sabi nang tama na! Somosobra ka na Mia. Pati trabaho ko, mawawala nang dahil sa kagagawan mo! Kahit anong mangyari, hinding hindi ako babalik sa kumpanya ng ama mo kaya stop sabotaging me!" Gigil na bulong ni Gerald habang hawak sa magka bilang balikat ang asawa niya. Pinasakay nito si Mia sa kotse at ito na mismo ang nagmaneho. Nakatingin lang si Kathy sa mga ito hanggang sa makalayo sila.

"Ma'am, pasok ka na po. Wala na sila." Sabi ni Maribel.

Tahimik na pumasok si Kathy sa loob subalit pagkasara ng pinto ay napahagulgol ito.

Walang magawa si Maribel kundi ang abutan ng tissue ang boss niya. Halos naubos na ata nito ang isang box ng tissue bago tumahan kaya mugto na ang mga mata nito.

"Ma'am, may maitutulong po ba ako?" Tanong ni Maribel.

"Ayos na ako Maribel. Salamat." Sagot ni Kathy.

Si Kathy ang tipong walang kaibigan na matawagan, a shoulder to cry on yung mga tipong ganoon, dahil all of her friends are business men or women. In short, mga business friends lang ang meron siya kaya sa ganitong sitwasyon ay tanging staff lang niya ang karamay niya. Buti na lang at mapagkakatiwalaan si Maribel at si Cynthia na pinagsa sabihan ni Kathy ng mga sama ng loob nito.

Nag ring ang telepono bigla, nagkatinginan ang mag-amo.

Sinagot ni Maribel ang tawag, it's Mr. Arvin Chua, gusto nitong maka usap si Kathy.

Senensayan ni Kathy si Maribel na bigyan siya ng few seconds para ayusin niya ang kanyang sarili. Maya-maya lang ay sinagot na rin ni Kathy ang telepono.

"Mr. Arvin Chua!" Masiglang sabi ni Kathy na parang di ito nag-iiyak kani-kanina lang.

"Hi Kathy!" Sagot ni Arvin na sinundan ng katahimikan.

Napabuntong-hininga muna si Arvin bago nagsalita.

"How are you Kathy?"

"I am well! And how are you?"

"Hmm.. Wag na akong magpaligoy ligoy pa, I called you because.."

"I'm listening!"

"About what happened yesterday sa presentation niyo, I believe you when you said that Mia stole your work."

"Really? But I saw you laughing?"

"You know me, I like to laugh, it's my nature yata na masayahin lang at madaling patawanin."

"So does this mean I still have a chance to get my project?"

"You know you still do! All you need to do is show the board your plan."

Napabuntong-hininga si Kathy.

"This is a big deal Kathy, not like your previous projects, kaya nag-iingat lang ako." Paalala ni Arvin.

Tama naman si Arvin. All that Kathy needs is this project para pumantay sa mga naglalakihang kumpanya sa bansa.

"Anong masasabi mo? Mukhang tahimik ka lang yata."

"Ah.. I'm thinking.."

"I expected you to be excited Kathy, you seem to be low bat ata. Are you okay?" Puna ni Arvin.

Bumuntong hininga muna si Kathy bago sumagot. "Yes of course, I'm fine!"

"How about this, I will give you the chance to win the directors but I need to see your plan first. Are you free today? Wala akong lakad today so I can meet you any time. Would you like to come to Forbes? I will see you dito sa bahay."

Natuwa si Kathy sa narinig pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya masyadong enthusiastic. On other days, she would be elated to be invited by the Chuas sa bahay ng mga ito. Who would not? The Chuas are big!

"What time?" Tanging nasabi ni Kathy.

"For lunch? Or tea time? It's totally up to you Kathy." Sagot ni Arvin.

Naisip ni Kathy ang mugtong mata niya. She don't want to look like this kaya she choose teatime na lang.

"I would love to see you at tea time Arvin!" Sagot ni Kathy.

"Great! So see you this afternoon then. And don't forget to show me your plan." Paalala ni Arvin.

"I won't. See you later Arvin."

"See you Kathy."

Pagkababa ni Arvin sa telepono ay agad tinawagan ni Kathy si Gerald. She don't give a damn kahit kasama pa nito si Mia.

Naka ilang ring din ang telepono bago ito sinagot ni Gerald.

"Kathy? Napatawag ka?"

"Gerald, this is urgent. I need the plan. Mr. Chua wants to meet me this afternoon. He is giving me the chance to win this project so I need the plan ASAP!"

Di nakasagot si Gerald.

"Gerald? Are you there? I said the printed plan, I need it now!"

"Kathy.. I found my study room a mess pag-uwi ko. Mia tore all the printed plans we worked hard on."

Natampal ni Kathy ang noo niya.

"I still have time. I need the saved plan then. I still have time to print!"

"Mia changed all of my passwords sa computer ko. She won't listen to reason.."

"Well find a way Gerald! This is your mess!" Sagot ni Kathy, the boss Kathy.

Napabuntong-hininga na lang si Gerald.

"Call me when you are in control of the situation!" Sabi ni Kathy at pinatay na nito ang tawag.

Gerald is upset kay Mia, it seems like this is the last straw para kay Gerald. Hindi na niya matanggap na all these years ay si Mia ang parating na susunod. She would sabotage him, hindi lang first time na nangyari ito. Tila ayaw nitong maging matagumpay siya on sa sarili niyang pagsisikap. Gusto yata nitong habambuhay na lang silang umasa sa mga magulang ni Mia. That is not the life he dreamed of.

Bago pa niya nakita muli si Kathy, things are bad between her and Mia already. At lalong naging worst dahil sa ginawa ni Mia sa proyekto niya. This is the third time na nangyari ang ganito kaya hindi na niya kayang tanggapin anuman ang sasabihin nito.

"Mia, we need to talk!" Sabi ni Gerald.

"No!" Tila batang sigaw ni Mia.

"We need to talk!" Matigas na sabi ni Gerald. "Mia, I am leaving you. Tapos na tayo at wala na tayong dapat pag-usapan pa. You can keep everything. Bibisitahin ko na lang si Athena."

"What? You can't do this to me!"

"Yes I can! Kayo ng ama mo have been nothing but pahirap to me. You ruin everything that I do Mia. Tama na, enough is enough Mia." Mahirap man sa kalooban ni Gerald ay kailangan na niyang mag desisyon.

"You can't leave me for that bitch!"

"I'm not leaving you because of anyone Mia. I am leaving you dahil sa ugali mo!"

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height