He Was Mine First/C2 Chapter 1
+ Add to Library
He Was Mine First/C2 Chapter 1
+ Add to Library

C2 Chapter 1

Years Later.

"Good morning ma'am! Ito na po ang coffee niyo, please be careful lang dahil mainit pa to." Bungad ni Cynthia Kay Kathy. Dumaan ito ng kape sa isang sikat na coffee shop at my iba pang pinabili ang boss niya sa kanya bago siya pumasok kaya naman mas nauna pa siya na makarating sa opisina kaysa sa boss niya. Ilang taon nang secretary ni Kathy si Cynthia. Bagong simula pa lang ang kumpanya na to ay kasakasama na siya ni Kathy sa opisina nito. They started small hangang sa lumago nang lumago ang business ni Kathy.

Kathy is an engineer pero wala siyang balak mamasukan sa iba kaya nagtayo siya ng sarili niyang construction company. Noong una ay nahirapan siyang makakuha ng mga kliyente pero eventually ay nakuha niya ang tiwala ng mga tao sa construction business. She started partnering with other companies until she become big. Now she is the only woman in the man dominated real estate business in the metropolitan.

"Ha? Sige Cynthia. Ilapag mo lang jan." Sagot ni Kathy na wari'y nahimasmasan.

"Ang lalim po yata ng iniisip niyo ma'am."

Ngumiti lang si Kathy. Approachable siyang boss kaya di ilag ang mga empleyado niya sa kanya.

"Ma'am, oonga pala just to remind you. You have to interview someone para sa position na Project manager. May applicant na po na nag pass ng CV. Fully booked ka this morning but after lunch with Mr. Chua, you are free. So I can inform the applicant what is a good time for you to do the interview."

"I will be free for interview around 2:30 or 3."

"Ok, noted ma'am. Sabihan ko ang applicant.

Tumango si Kathy bago nito dinampot ang kape at sinimulang higupin ito bago pa tuluyang lumamig. Busy siya ngayon at wala siyang oras para e review pa ang CV ng applicant. May tiwala naman siya kay Cynthia at dahil kailangang kailangan niya ng papalit sa nag resign niyang project manager ay interview in niya agad ang applicant. Dumating na kasi ang visa ng dati niyang project manager pa Canada kaya last day nito sa office Ngayon.

"Ma'am Kathy, salamat po uli NG marami. Marami akong natutunan dito." Sabi NG pa paalis na project manager.

"Marami din naman kaming natutunan sa iyo. Salamat din sa serbisyo mo sa kumpanya. Ito ang release letter mo. Anjan na rin ang recommendation letter ko para sa iyo. Sanay mabilis kang makahanap ng trabaho doon."

"Sana nga po ma'am. Mag-aaral pa ako dun habang nag ta trabaho."

"Good luck Mr. Valderama."

Kathy let out a loud sigh pagkalabas ni Mr. Valderama. Ang dami niyang projects na naka line up kaya di siya pwedeng mawalan ng empleyado.

"Make sure that applicant will show up this afternoon." Baling ni Kathy sa secretary niya.

"Actually ma'am. Available siya ngayong umaga at nasa malapit lang. Pwede nating isingit sa schedule mo."

"OK, do it! Papuntahin mo na dito while I'm having my coffee."

Tumawag na nga si Cynthia sa aplikante, makalipas ang ilang minuto ay dumating na to.

Humahangos at pawis na pawis si Gerald nang nakarating sa opisina ng KK21 o Century 2021 Company. Kasalukuyan nagpupunas ng pawis si Gerald nang papasukin ito ni Cynthia sa opisina ni Kathy.

Agad namang tumalima si Gerald. Hawak hawak ang brown paper kung saan nakalagay ang mga credentials niya ay pumasok siya sa opisina ng Big boss ng KK21 kung saan ang Big boss mismo ang mag interview sa kanya.

Di maipaliwanag ni Gerald ang kaba na nararamdaman habang papasok sa opisina. Kumatok pa muna siya bago pumasok kaya natawa si Kathy. Pasok lang po kayo Sir.

"Ma'am andito na po si Mr. Gerald De Guzman for interview." Sabi ni Kathy.

Nagulat si Kathy sa narinig. Tama ba ang dinig niya? Di ba siya nanaginip lang? Dahan dahan siyang humarap sa aplikante at kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Gerald. Maski siya ay gulat na gulat din at sigurado siyang kita sa Mukha niya ang emosyong naramdaman niya ngayon.

"Kathy?" Sa wakas ay nasambit ni Gerald. Di pa rin siya makapaniwala na si Kathy ang kaharap niya ngayon.

"Gerald?!" Gulat ding sambit ni Kathy. Di niya inaasahan na muli pang magtatagpo ang landas nila ng lalaking nagtapon sa kanya pagka tapos gamitin. Ang tadhana nga naman, kung mag biro nakakagulat.

Napansin ni Kathy na pawis na pawis si Gerald at medyo bakat ang suot nitong polo shirt sa katawan nito. Hangang ngayon ay matipuno pa rin ang katawan nito. Tingin pa nga niya ay mas naging matipuno pa ito ngayon. Guwapo pa rin ito at mamula mula ang makinis nitong pisngi.

Kumusta na kaya ito? Anong nangyari sa buhay may asawa nito? Akala ba niya ay mayaman ang napangasawa nito at sa in laws na daw nito ito magtatrabaho? Naisip ni Kathy.

"I was not expecting na you're the applicant. Long time no see Mr. De Guzman! Have a sit." Pormal na sabi ni Kathy.

Di magawang maupo ni Gerald. Di pa rin siya makapaniwala na si Kathy ang magiging boss niya kung saka-sakali na tanggapin siya nito. Kung alam lang niya, Di na sana siya pumunta pa. Di niya tuloy alam kung paano mag react sa harapan ng dati niyang nobya. Mukhang successful na ito sa buhay. Kumusta na kaya to? Nag-asawa na ba siya?

Natigilan si Kathy at nagpalipat lipat ang mga mata nito kay Kathy at kay Gerald. Maski siya ay di niya inaasahan na mag kakilala pala ang dalawa.

"Ma'am, kilala mo po ba ang aplikante?" Simpleng tanong ni Cynthia.

Tumingin si Kathy dito.

"Iwanan mo muna kami."

Medyo alinlangan man ay lumabas si Cynthia sa opisina ng boss niya.

Gusto namang maglaho ni Gerald sa kahihiyan. Imagine ang dating nagtitinda ng karne at isda sa palengke na amoy isda kung pumasok sa klase kaya pinagpalit niya sa mabango ay may-ari na ng isang fast growing company sa Metro Manila! Parang nagbiro lang ang tadhana, bakit dito pa siya nagpasa ng CV? Aminado naman siya sa pagka kamali niya sa dalaga in the past, karma na yata no ito!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height