He Was Mine First/C3 Chapter 2
+ Add to Library
He Was Mine First/C3 Chapter 2
+ Add to Library

C3 Chapter 2

"Mr. De Guzman, are you okay?" Tanong ni Kathy kay Gerald na parang na engkanto sa pag titig sa kanya. Di na niya ito masisisi dahil magaling na siyang manamit ngayon. Nakasuot siya ng suit na fitted at kuminis ang kanyang balat. Di na rin siya amoy isda, mabango siya at di pinagpapawisan dahil di aircon ang opisina niya.

"Kumusta ka na?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin si Gerald.

Napangiti si Kathy. "Mabuti, ikaw?"

"Ito, naghahanap ng trabaho. Mukhang asensado ka na."

"Oo nga eh. Swerte lang at sipag din."

"Napaka humble mo pa rin. Nahihiya tuloy ako sa iyo."

"Bakit ka naman nahihiya? Anuman ang nangyari sa nakaraan, kalimutan na natin yun. Nagpapasalamat pa nga ako na nangyari ang lahat dahil nagkaroon ako ng motivation para marating ang lahat ng ito. No hard feelings na ngayon." Taos sa pusong sabi ni Kathy.

"Lalo tuloy akong nahiya sa iyo dahil ang bait mo pa rin. Pero di ko na itutuloy ang pag-apply dito, sa iba na lang ako mag pasa ng CV."

"Ha? Bakit naman? I need a project manager dahil nag resign na ang project manager ko. I have a lot of projects qued up so I need someone to do this job. Believe me, no hard feelings, the past is the past."

Napangiti si Gerald. "Ang ganda mo pa rin. In fact, mas gumanda pa nga."

Di maintindihan ni Kathy kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at ramdam niyang nag blush siya dahil biglang uminit ang kanyang mga pisngi.

"Naku, Mr. De Guzman wag mo ako binobola, baka maniwala na naman ako sa iyo."

"Di naman kita binobola, kahit kailan Di kita binola. Di lang siguro meant to be kaya nagkaganoon."

Sa sinabi ni Gerald ay parang nanariwa na naman ang nakaraan. May kunting kirot sa puso na naramdaman si Kathy. Akala niya wala na yun dahil matagal na ang lumipas. Subalit ngayong nakaharap niya uli si Gerald ay parang bumabalik na naman ang nakaraan.

"Mag simula na tayo sa interview." Sabi na lang ni Kathy.

Naisip ni Gerald na kailangan niya ng trabaho ngayon kaya wala naman sigurong mawawala kung ang ex girlfriend niya ang magiging boss niya.

"Please sit down." Sabi ni Kathy. Tahimik namang tumalima si Gerald. Ngayong magkalapit sila ay amoy ni Gerald ang mabangong pabango ni Kathy. Napapikit siya habang ninanamnam ang mala bulaklak na halimuyak nito. Malaki ang pinagbago nito.

"Mabango na ba? Di na amoy isda? Di na amoy pawis?" Di mapigilan na itanong ni Kathy.

Natigilan saglit si Gerald. Umismid siya bago nag salita.

"Nung nawala ka, na miss din kita. Na miss ko yung amoy pawis at amoy isda. Pero Di ko na magawang kausapin ka pa dahil natakot na ako.."

"Natakot saan? Natakot na pagtawanan?"

Napayuko si Gerald. Wala na talaga siyang mukhang ihaharap pa sa dalaga.

Bigla namang na realise ni Kathy na tapos na nga yun dahil nakaraan na.

"Hangang ngayon, duwag ka pa ba? Ang kailangan ko ay isang taong matapang. Yung kayang kaya akong ipaglaban, I mean yung kumpanya. Yung trabaho, di iniiwan ng walang dahilan. Kung may problema, pinag-usapan!"

Napatingin si Gerald kay Kathy.

"Trabaho pa ba ang pinag-uuspan natin?"

"Oo naman!"

"So ilang taon kang nag trabaho sa previous work mo at bakit ka umalis? Bakit mo iniwan ang dati mong trabaho?" Sunod-sunod na tanong ni Kathy.

"Hindi na po kasi ako kailangan doon eh."

Napatigil si Kathy.

Pero bakit yung taong kailangan ka, iniwan mo pa rin? Naisip ni Kathy.

"Anyway, based sa CV mo, you're more than qualified for this position. Tanggap ka na. Pero teka lang, bago kita tanggapin, may balak ka bang mag tagal? O baka naman iiwan mo rin.. ang position mo at maghanap ng ibang opportunities abroad. May balak ka bang mangibang bansa?"

" Ha? Di pa po yun pumamasok sa isip ko.. ma'am."

"Mabuti kung ganoon. Congratulations Mr. De Guzman, ikaw na ang bagong senior project manager ng CC21!"

"Maraming salamat po Miss Reyes. Makakaasa kang gagawin ko ang makakaya ko sa magiging trabaho ko."

"Asahan ko yan, Gerald. Pwede ka nang mag simula. Ituturo ni Kathy sa iyo ang magiging opisina mo."

"Ha? Ang bilis po. Sige po ma'am, magsimula na ako. Salamat uli, Di ka magsisisi."

Ngiti lang ang isinukli ni Kathy kay Gerald. Hindi talaga siya magsisisi lalo at kailangan niya si Gerald para sa kumpanya niya. Bigla naman may pumasok sa isip niya. Kumpanya ba talaga o sarili niya ang may kailangan dito? Tumigil ka nga Kathy! Nakaraan na yun. Pero di pa rin maiwasan ni Kathy na makaramdam ng tuwa. Feeling niya, nakakaganti siya dahil pomabor ang panahon sa kanya ngayon. Napangi siyang lihim.

Nagulat na lang si Kathy nang biglang mag salita ang secretary niya. Di niya inaasahan na nakabalik na pala to.

"Ma'am Kathy, naituro ko na po kay Mr. De Guzman ang magiging opisina niya. Iniwan ko na siya to familiarise himself with what he needs to do."

"Mabuti." Maikling sagot ni Kathy.

"Ma'am, ang guwapo pala ni Mr. De Guzman, ang tangkad pa at mestisuhin ang itsura. Ang lakas ng dating ma'am!"

"Tumigil ka Cynthia, may asawa na yun."

"Oo nga po eh. Sayang lang talaga kasi bagay sana kayo." Kita ang panghihinayang sa mukha na sabi ni Cynthia.

"Tumigil ka nga Jan, ang trabaho mo ang asikasuhin mo! Puntahan ko siya sa ngayon sa opisina niya brief him with what he needs to do."

Biglang napangiti si Cynthia. Kinilig ito.

"Sabi nang tumigil ka.." Babala ni Kathy.

"Wala naman po akong sinasabi ma'am."

"Kita ko sa mukha mo."

"Masama po bang kiligin?"

"Libreng kiligin, dun ka kiligin sa single! Wag kay Mr. De Guzman."

"Okay po ma'am. Noted."

Birong umismid si Kathy bago lumabas sa opisina niya patungo sa opisina ni Mr. De Guzman. Kumatok siya bago pumasok at napaatras siya nang makita niyang walang pang itaaas na damit si Gerald.

Nagulat si Gerald. Di niya akalain na may papasok sa opisina niya. Basang-basa kasi ng pawis ang polo shirt niya kaya tinanggal muna niya dahil lalo lang siyang gininaw sa aircon. Dali- dali niyang dinampot ang polo shirt niya at muling isinuot.

"Pasensiya na po kayo Miss Reyes, basa kasi ang ang damit ko. Sobrang init sa labas kanina."

Mainit? Oo mainit nga, you still look so hot Gerald! Di mapigilan ni Kathy ang panghanga sa ex niya. She cleared her throat.

"Ah.. Naunawaan ko naman, nakita na kitang ganyan noon so you have nothing to be ashamed of. Anyway I am here to briefly talk to you. But I'll give you time to change. I'll be back."

Sabi ni Kathy bago dali-daling umalis sa opisina ni Gerald. 22 degrees sa loob NG opisina niya pero feeling niya napakainit na.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height