He Was Mine First/C5 Chapter 4
+ Add to Library
He Was Mine First/C5 Chapter 4
+ Add to Library

C5 Chapter 4

Di makapag focus si Kathy sa trabaho niya. Di yata tama ang decision niya to hire ang ex niya. Tambak ang trabaho sa lamesa niya pero wala ang attention niya doon.

"Hala ma'am. Kailangan niyo pong tapusin yan dahil alis na kayo in few minutes." Paalala ni Cynthia.

Bumuntong-hininga si Kathy.

"May problema po ba ma'am sa documents?"

"Wala.. Okay lang ang lahat. Just give me a minute to clear my head. Matatapos din to. Siya nga pala ikaw na ang bahala kay Mr. De Guzman. Get the contract ready for him to sign. Mag sign na lang ako pag balik ko."

"Okay po ma'am. Wag kang mag-alala, aasikasuhin ko si Gerald." Tila kinikilig na naman na sabi ni Cynthia.

Inirapan ni Kathy si Cynthia at agad naman itong nanahimik sa pagbungisngis.

"Aminin mo ma'am. Kamukha niya si Gerald Anderson, Di ba? Tisoy na Tisoy!"

"Ewan ko sa iyo. Parang di naman. Pero malupit din ala Anderson." Wala sa sariling sabi ni Kathy.

"Ha? Talaga po ma'am? Paano mo nasabi? Sabi ko na kilala mo siya noon pa eh. Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagnatanong kanina about sa ex?"

Bumuntong-hininga uli so Kathy.

"Ngayon na may idea ka na, itikom no na yang bibig mo."

"Sabi ko na nga ba tama ang hinala ko! Pero matanong ko lang po ma'am, I hope you don't mind me asking, Bakit kayo naghiwalay?"

"Cynthia?" Wari'y babala ni Kathy.

"Ay sorry po ma'am."

"Mag Maritess ka lang dito sa opisina, makikita mo. Di kita bibigyan ng salary increase." Babala ni Kathy.

"Ay hindi po ma'am. Promise!" Sagot ni Cynthia. At bigla uling napatili na ikinagulat ni Kathy. "Ay!! May increase ako!"

Gulat na napatingin si Kathy dito.

"Wag maingay! Ano ka ba? Iwanan mo nga muna ako nang matapos ko tong ginawa ko!"

Agad namang tumalima si Cynthia at baka magbago pa ang isip ng boss niya. Hustong pag labas niya sa pinto ay nagkasalubong niya si Gerald.

"Ay, Mr. De Guzman ano pong ginagawa niyo dito?"

"Nakita ko kasi sa planner ni Mr. Valderama na dapat ay kasama niya ngayon si Kathy sa meeting."

"Ay oo, kaya nga lang ay biglang nag resign, yun pala matagal nang nag apply sa Canada at visa na lang ang inaantay niya."

"Kung ganoon, sasamahan ko si Miss Reyes ngayon. Ako naman na ang nasa position ni Mr. Valderama ngayon."

"Sige po kausapin niyo pero busy siya ngayon sa papers. Sabihan ko lng muna. Please wait here." Saad ni Cynthia.

Tumango si Gerald. Nag-antay siya sa waiting area ng opisina ni Kathy.

"Hello ma'am, I'm back!" Masiglang pahayag ni Cynthia. Napatingin naman si Kathy dito. "Andito po si Mr. De Guzman. Gusto ka niyang samahan sa meeting niyo ni Mr. Chua."

Napataas si kilay si Kathy.

"Ha? Bakit daw?"

"Nakita daw niya sa planner ni Mr. Valderama na dapat andun siya."

"Give me a minute. Tapusin ko lang muna to bago ko siya kausapin. Samahan mo na lang siya dun sa labas."

Dali-daling tinapos ni Kathy ang ginagawa niya bago humarap sa salamin. Feeling niya ay kailangan niyang mag retouch. Di niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging self conscious. Okay pa naman ang makeup niya. Saka isa pa, di naman talaga siya pala makeup. Cream lang sa mukha at lipstick, okay na sa kanya yun. Basta ang importante ay mabango siya at maganda ang suot. Parang na trauma na yata siya sa bansag na amoy palengke siya kaya kahit pag visit sa site ng construction ay kailangan nakawisik siya ng mamahalin niyang pabango.

Di na lang ginalaw ni Kathy ang mukha niya. Nagwisik lang siya ng pabango bago niya pinapasok si Mr. De Guzman sa pribado niyang opisina.

Napasinghot si Gerald pag pasok sa opisina ni Kathy. Ang bango kasi. Medyo nasobrahan nga lang yata ang pagwisik ni Kathy dahil masyado nang strong ang amoy ng pabango nito. Di tulad noong una niyang maamoy si Kathy na wari'y kailangan pa niyang hanapin kung saan nangangaling ang nakakahumaling na amoy na sumusundot sa kanyang ilong.

"I heard you want to join the meeting today." Sabi ni Kathy.

"Yes. That's right. I saw Mr. Valderama's planner. A project manager is needed in the meeting with Mr. Chua."

"That's true. Pero bago ka pa lang, I think you better stay and familiarize yourself dito sa opisina."

"Believe me Miss Reyes, there is nothing to familiarize. I've been doing this job for years already. Para lang akong nag palit ng opisina."

"In that case, since you insist, get yourself ready. We are leaving in few minutes."

Isinama nga ni Kathy si Gerald sa meeting nito with Mr. Chua. On the way ay tahimik lang ang mga ito. This is so awkward, naisip ni Kathy. Napapanay ang buntong hininga niya.

"Is everything okay?" Tanong ni Gerald.

Napatingin si Kathy dito. Nasa likod sila pareho, sakay sila sa kotse ni Kathy.

"Oo naman." Sagot ni Kathy bago bumaling sa driver niya. "Pakibilisan po manong, ayaw kong ma late sa meeting."

"You know we still have time." Sabad ni Gerald.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Sagot ni Kathy dito.

"Ay, sungit naman." Natawa na sagot ni Gerald.

"There is nothing funny Mr. De Guzman."

Bumuntung hininga na lang si Gerald. "I just want you to be comfortable with me." Sabi ni Gerald at walang sabi sabi na hinawakan ang kamay ni Kathy. Mahigit ang pagkakahawak niya kaya di ito mabawi ni Kathy.

"What are you doing?" Bulong ni Kathy.

"Relax." Bulong din ni Gerald.

Nagpigil na lang si Kathy at hinayaan na magka hawak kamay sila hangang sa nakarating sila sa Shangri-la kung saan nila kakatagpuin si Mr. Chua.

Naunang bumaba sa sasakyan si Gerald at being the gentleman that he is, inalalayan niyang bumaba sa sasakyan si Kathy.

"After you." Sabi niya at pinauna si Kathy. Nakasunod siya rito na animo'y bodyguard kung makaasta.

"Lumayo - layo ka nga!" Singhal ni Kathy dito.

Walang reklamo na sumunod naman ito pero hindi siya totally lumayo. Biglang napalingon si Kathy sa kanya.

"May problema po ba, Miss Reyes?"

"Nakalimutan ko ang file bag ko sa car." Nag-alalang sabi Kathy. Kumindat si Gerald dito sabay pakita sa bitbit nitong file bag. Parang nabunutan ng tinik si Kathy lalo at nakita na niya si Mr. Chua na naglalakad kasunod nila.

"Don't worry, I got you." Bulong ni Gerald kay Kathy. Nakita na rin kasi nito ang tinitignan ni Kathy.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height