He Was Mine First/C6 Chapter 5
+ Add to Library
He Was Mine First/C6 Chapter 5
+ Add to Library

C6 Chapter 5

"Mr. Chua!" Bati ni Kathy sa business tycoon na nakasunod sa kanila ni Gerald. Napapalibutan ito ng mga bodyguard nito.

Nakilala naman siya agad ni Mr. Chua. "Miss Reyes!"

"Tamang tama lang ang dating niyo, kararating lang din namin. How's your weekend sir?"

"It's good, it's good. Kagagaling ko lang sa Palawan with my grandchildren."

"Ay mabuti po kung ganoon, nakapag relax kayo."

"Oo. Ikaw, ano ginawa mo?"

"Nasa bahay lang po. Di na ako naka gala. Tambak ang trabaho eh. Oo nga pala, siya po si Mr. De Guzman. Siya po ang bago kong project manager."

"Ha? Saan si Mr. Valderama?" Tanong no Mr. Chua. Inignore nito si Gerald.

"May visa na po kasi. Gusto pala niyang mag migrate sa Canada."

"Ganoon ba? Paano ang proyekto natin?"

"Tuloy pa rin po Sir. Walang magbabago. Kung anong plano, yun pa rin po ang susundin."

Tumahimik saglit si Mr. Chua bago muling nagsalita.

"Maupo muna tayo bago tayo mag-usap." Sabi nito.

"Sige po sir." Sagot ni Kathy.

Binati sila ng mga staffs ng class na restaurant na pinasok nila, naka reserve na sila dun. Agad silang inasikaso ng staffs at nang makaalis ang mga ito ay nag salita na si Mr. Chua.

"I have to tell you something Miss Reyes, I regret to inform you na di ko na kukunin ang serbisyo niyo. I could have told you by calling you pero dahil matagal tayong partners, I decided to still meet you for lunch."

Nagulat si Kathy sa narinig.

"Ha? Mr. Chua ano pong problema?" Worried na Tanong ni Kathy. Di siya makapaniwala na malas ang araw na to sa kanya. Nag resign na nga si Mr. Valderama, magba back out pa si Mr. Chua? Di pwede dahil malaking proyekto ito. Ito ang isa sa pinakamalaking proyekto na gagawin pa nila.

"Problema? Oo, malaki. You know, very lonely ang design niyo. Gusto ko masaya ang mga bata pag punta ng mall ko. Pumunta akong Palawan, nakita ko kung gaano kasaya ang mga apo ko. Gusto kong ganoon din kasaya ang mga bata na pupunta sa mall ko. Ayaw ko ng sad." Mahabang salaysay ng batikang negosyante.

" Mr. Chua, pwede natin gawan ng paraan yan." Pangungumbinsi ni Kathy dito.

"May plano ka na ba kung paano gagawin ang paraan na yan? You know I meet someone at a party. Katulad mo din siya and he is about your age pero grabe namangha ako sa kanya. Ang galing niya..

"Mr. Chua." Sabad ni Gerald. Napatingin si Mr. Chua dito.

Kinakabahan na si Kathy. Bawat minuto ay mahalaga sa kanya ngayon. Ayaw niyang mawala na kliyente si Mr. Chua, malaking kawalan sa kanya pag nabingwit ng iba ito.

"Mr. Chua, ako nga po pala si Gerald De Guzman. Ako ang bagong senior project manager ng KK21. At regarding sa na raise niyo na issue, may solusyon po kami jan. In fact, habang ne re review ko ang plano ni Mr. Valderama ay may nais sana akong baguhin. And it is good na sa inyo nanggaling mismo dahil yun nga sana ang gusto kong e propose."

Kita ang biglaang interest sa mukha ni Mr. Chua. Mukhang nakuha ni Gerald ang atensiyon nito.

"Gusto ko pong lagyan ng plants ang mall niyo, Mr. Chua. Gusto kong e incorporate ang nature ambiance. Wala pa pong nakakagawa nito sa Pilipinas, I think. At since malaki itong mall, it would be interesting na mawala ka man sa mall ay matutuwa ka naman sa ganda ng nature. This is a nature themed mall wherein kids can be lost but it is still safe dahil nasa mall po tayo. Lalagyan pa po natin yan ng area wherein kids can play while waiting for their moms na nagsho shopping." Mahabang paliwanag ni Gerald. Napatango tango naman si Mr. Chua.

"So tell me, how are you going to do that nature themed mall?"

"Di po tayo gagamit ng fake na mga halaman. We will use plants that can survive indoors for a longer time. I have a list of plants already that we can put indoors. I have proposed this in a previous project but was rejected which is sad ano dahil naka katulong din po ang mga halaman para magkaroon tayo ng sariwang hangin. Ito ay isang natatangi na environmental friendly na mall. And I also would like to change the style of the walls po. Maganda sana kung ang walls aside from some parts of the roof ay may mga solar panels para maka tipid sa kuryente."

Napatango-tango uli si Mr. Chua."I would like to discuss that with you Mr.. Mr.. "

"De Guzman po."

"Mukhang interesting yan pero gusto Kong makita ang draft kung paano mo gagawin yan."

"Makakaasa po kayo Mr. Chua. I'll draft my idea before I show my boss for her approval at kausapin ka niya about sa proyekto na to. May anak din po ako and I agree na ang mga malls natin should be child friendly and not boring."

Napangiti si Mr. Chua. "I like your new project manager." Baling ni Mr. Chua kay Kathy.

Napangiti si Kathy. "I told you Mr. Chua, napag-uusapan yan. And that's why I hired him dahil I know him well. He won't disappoint."

"You're lucky to have him in your team."

Napangiti uli si Kathy "I am."

"I am excited to see your plan so.."

"As soon as possible, Mr. Chua!" Pangako ni Kathy.

Masayang nagsalo salo ng pananghalian ang tatlo. Pinakamasaya si Kathy ngayon, sigurado siya na kanya na ang multi-million dollar deal na construction sa mga additional malls ni Mr. Chua.

Natapos ang pananghalian na agreeable sina Mr. Chua at Kathy. Nawala rin ang pag kailang sa pagitan nina Kathy at Gerald. Masayang bumalik sa opisina ang dalawa pagkatapos magpaalam ni Mr. Chua.

Sa office ni Gerald domeretso sina Kathy at Gerald para e draft ang plano ng huli.

Pagkapasok sa opisina ay agad niyakap ni Kathy si Gerald. Kanina pa niya ito gustong yakapin. Sa sobrang tuwa niya ay nawala ang awkwardness sa pagitan nila. Nagulat naman si Gerald pero lihim siyang natuwa. Gusto niyang maging close uli sila ni Kathy.

Nahalikan ni Kathy si Gerald sa pisngi nang di niya sinasadya, bigla namang humarap si Gerald sa kanya kaya sa labi ni Gerald nag landing ang mga labi ni Kathy. Natigilan si Kathy, bigla siyang dumistansiya dito pero hinawakan siya sa baywang ni Gerald.

"Kathy.." Bulong nito.

Pakiramdam ni Kathy ay may nagliliparang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Gusto niyang itulak si Gerald pero parang na hypnotise siya sa titig nito. Dahan - dahang inilapit ni Gerald ang mukha niya sa mukha ni Kathy. Amoy ni Kathy ang mabango na hininga nito.

Napapikit na lang si Kathy nang maramdaman ang mga labi ni Gerald sa labi niya. Dahan dahang pinagalaw ni Gerald ang mga labi nito at maya-maya lang ay tinugon ni Kathy ang wari'y uhaw nitong mga labi. Humigpit ang yapos ni Gerald kay Kathy. Wari'y nawalan siya ng kalakasan at nagpaubaya na lang sa dating nobyo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height