He Was Mine First/C7 Chapter 6
+ Add to Library
He Was Mine First/C7 Chapter 6
+ Add to Library

C7 Chapter 6

Mag-asawang sampal ang inabot ni Gerald mula kay Kathy.

"How dare you!" Madiing sabi ng dalaga habang tinititigan ng matalim si Gerald.

Nagulat naman si Gerald. Alam naman niyang ginusto nila pareho ang nangyari.

"I'm sorry." Tanging nasabi na lang ni Gerald.

Inirapan siya ni Kathy. "I expect you to finish the draft today!" Madiing sabi ni Kathy pagkatapos ay lumabas ito sa opisina ni Gerald.

Pumasok si Kathy sa office niya, nakita siya ni Cynthia.

"Hello ma'am. Nakabalik ka na pala. Oh bat ganyan ang mukha mo?"

"Wala to. Wag mo akong pansinin."

Napatakip sa bunganga si Cynthia nang mapansin na messed up ang lipstick ng boss niya. May hinala na siya kung ano ang nangyari.

"Si Mr. De Guzman po ba ang may gawa niyan?" Di mapigilan ni Cynthia ang bunganga.

Napakunot-noo naman si Kathy. "Ng alin?"

Kilig na inginuso ni Cynthia ang mga labi nito. "Ganito oh!."

Biglang namula ang mukha ni Kathy. Napaharap siya sa salamin at nakita niya ang ibig sabihin ni Cynthia. Dali daling niyang pinunasan ang mga gilid ng bunganga niya.

"Ma'am, ano pong nangyari? Nag anohan na po ba kayo agad? First day pa lang ni Mr. Dr Guzman!" Di makapaniwalang bulalas ni Cynthia habang takip takip ang bunganga niya.

Biglang humarap si Kathy dito. "Yang bunganga mo, baka may makarinig sa iyo!"

"Don't worry Miss Kathy Reyes, I will keep my mouth shut and my eyes closed! Wala akong nakita at wala akong narinig."

"Very good. Magkasundo nga tayo Cynthia."

"And I deserve that raise, oops.. Ikaw po nagsabi nun, not me."

Napabuntong - hininga na lang si Kathy.

"Let's drop the formality for a minute and talk as friends. Tell me, tama ba tong nangyayari sa akin?"

"Ano ang una nating sosolusyon an? Yung kilig ba? Yung romance? Ay walang solusyon jan. Ramdam mo naman kung may sexual tension sa pagitan niyong dalawa. Mahirap kalabanin, di ba?"

"Yun nga ang problema kasi may asawa na yung tao."

"Ma-advice an lang po kita kung sasabihin mo ako, kahit brief description lang ng nakaraan niyo ni Mr. De Guzman."

"Bunganga mo! Di mo na kailangan pang mag bangit ng pangalan."

"Okay po, sorry naman. Ano na, dali, gusto kong malaman kung bakit ba kasi kayo naghiwalay." Atat na sabi ni Cynthia.

Saglit na napatitig si Kathy kay Cynthia.

"Dahil inagaw siya sa akin!" Sagot ni Kathy.

Nanlaki ang mga mata ni Cynthia. Di niya akalain na ang tulad ni Kathy Reyes ay maaagawan. Walking money ito bukod sa maganda, sexy at mabait!

"Don't give me that look. Hindi naman ako dating ganito. Kilala mo na ang background ko. From poor to successful. Di ako yung nagpapaganda lang ang alam. Kailangan kong kumayod para makapag-aral. Madalas akong pawisan na papasok sa school. Amoy malansa pa nga minsan dahil wala akong time para maligo bago pumasok sa school. Gerald is my first everything. Masaya kami hangang sa nakilala niya si Mia. Si Mia yung tipo ng babae na magpaganda lang ang ginagawa dahil born rich siya. Di nakakapagtaka na madali akong pinagpalit sa kanya ni Gerald. Nagmakaawa pa ako dun, lumuhod-luhod pa ako dun, pero walang nangyari. Pinili siya ni Gerald. Eventually nabalitaan kong they are getting married. Fast forward years later, ito na, I meet Gerald again, at ang lakas pa rin ng dating niya sa akin."

Mukhang problemado si Kathy nang matapos mag kuwento.

Nakaawang naman ang bunganga ni Cynthia. Di niya akalain na magagawa ng boss niya yun. Never pa siyang nagmakaawa sa kahit sinuman. Matindi pala ang pinag daanan ni Miss Reyes! Pero gigil siya dun sa babae. Pwes, siya naman ang iiyak ngayon. Napangisi siya sa naisip.

Kunot noong nakatitig si Kathy kay Cynthia.

"Anong pangalan ng napangasawa ni Gerald?"

"Mia." Sagot ni Kathy.

"May pagmamahal ka pa ba kay Gerald?"

Napaisip saglit si Kathy.

"Matagal na yun kaya naka move on na ako. Pero ngayon na nagkita uli kami, di maiwasan na humanga uli ako sa kanya. Lalo at magaling siya.."

Biglang napangiti si Cynthia.

"Loko ka talaga." Natatawang sabi ni Kathy. "Di yun, magaling siya sa trabaho."

Lalong napahagikgik si Cynthia.

"Oh.. Tapos? Mukha nga siyang magaling mag trabaho." Kumindat pa na sabi ni Cynthia.

"Loko ka talaga! Muntik mag back out si Mr. Chua, buti na lang nagawan ng paraan ni Gerald. Yun ang ibig kong sabihin."

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Biglang sumeryoso ang mukha na tanong ni Cynthia.

"Gusto daw niya ng playground para sa mga bata. Simpleng problema, madaling solusyon an. Tapos ito nag propose si Gerald ng additional improvements. Makikita mo kapag tapos na."

"Okay, mabuti naman at solve na ang problema."

"Yes."

"So bat ka ngayon namomroblema? Di bat inagaw lang sa iyo ng Mia na yun si Gerald, idi bawiin mo!"

"Kung makapag salita ka, akala mo madali lang. May anak na yung dalawa."

"O ano naman ngayon? Nagmakaawa ka noon sa kanya, lumuhod luhod ka pa. It's pay back time na ngayon. Ikaw ang original, siya ang nang-agaw!" Gigil na sabi ni Cynthia.

"Yun nga ang problema eh, kasal na kasi sila."

"Papel lang yun. Ika nila, love is sweeter the second time around but so's revenge! Tandaan mo yan. Gigil ako sa mga mang-aagaw! Bawiin mo ang iyo! Basta masaya ka lang."

"Magiging masaya kaya ako?" Tanong ni Kathy.

"Subukan mo nang malaman mo."

"Loko ka Cynthia." Napapailing na sabi ni Kathy.

Nginitian lang siya ni Cynthia. "You're welcome Kathy!"

"Gusto ko tuloy mag meryenda uli. Nakakagutom mag-isip!"

"Anong gusto mo? Labas lang ako saglit para bumili."

"O sige nga.. Buti pa nga. Nag crave tuloy ako ng banana.."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Cynthia sabay makahulugan na ngumiti. Binato ito ni Kathy ng eraser na nadampot.

"Ang dumi ng isip mo. Banana que lang sana ang sasabihin ko!"

Tatawa-tawang namang lumabas ng opisina si Cynthia para bilhin ang hiling ng boss.

Naiwan namang nag-iisip si Kathy, nakataas ang mga paa nito sa lamesa nang biglang dumating si Gerald. Nagulat si Kathy, akala niya si Cynthia na ang bumalik.

"Pasensiya na. Di ko intention na gulatin ka." Sabi ni Gerald. "May gusto lang sana akong itanong sa iyo."

"Ano yun?" Tanong ni Kathy at pasimple niyang ibinaba ang mga paa niya.

"Bago ko tapusin na e draft sa buong building yung suggestion ko. Gusto ko sanang ipakita sa iyo ang sample nito."

"Okay." Sagot ni Kathy, lumapit naman si Gerald sa kanya.

Tinignan ni Kathy ang draft na dala ni Gerald at napahanga siya dito. Walang duda, magugustuhan ni Mr. Chua ang gawa nito.

"Perfect." Bulong ni Kathy.

Napangiti si Gerald. Masaya siya na nagustuhan ni Kathy ang proposal niya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height