He Was Mine First/C8 Chapter 7
+ Add to Library
He Was Mine First/C8 Chapter 7
+ Add to Library

C8 Chapter 7

Naabutan ni Cynthia si Gerald sa opisina ni Kathy. Gusto sana niyang umatras pero nakita na siya ng dalawa.

"Tamang-tama, bumili si Cynthia ng meryenda." Saad ni Kathy.

Napakamot ng ulo si Gerald. "Ha? Katatapos lang nating kumain."

Napataas kilay si Kathy sabay ngiti. "Nagutom ako bigla."

"Ito na po ang meryenda. Ilapag ko dito. Kunin ko na po yung pina dry cleaning mong damit ma'am bago pa mag sara ang shop."

Napaisip si Kathy. May pina dry cleaning ba akong damit? Nagkibit balikat na lang siya. Dinampot niya ang isang stick ng banana que at inalok si Gerald pero tumanggi ito.

Isinubo ni Kathy ang nakatuhog na buong saging habang nakatitig kay Gerald. Bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Gerald. Napatigil naman si Kathy, walang malisya niyang kakagatin sana ang saging na saba nang bigla siyang napaisip. Iba yata ang pumasok sa isip ng loko!

Bibitawan sana ni Kathy ang saging nang makita niya ang coating ng saging na nagsimulang matunaw and it start to drip. Walang anuman na dinilaan niya ang syrup hangang sa dulo ng banana que. Di niya tinanggal ang titig kay Gerald kaya kitang kita niya ang reaction nito.

Gusto niyang matawa habang pinagmamasdan ang pinagpawisan na mukha ni Gerald. Di niya maintindihan kung bakit siya natutuwa na pagmasdan ang reaction nito. Maya - maya lang ay kinagat na lang niya bigla ang saging at nginuya. Napangiwi naman bigla si Gerald.

"Okay ka lang po ba Mr. De Guzman?" Tanong ni Kathy.

Wari'y nahimasmasan naman si Gerald. Did that really happen o imahinasyon ko lang yun? Tanong nito sa sarili.

"May isang tuhog pa o." Alok ni Kathy habang nginunguso ang isang tuhog ng banana que.

Umiling si Gerald. "Sige po Miss Suarez, balik na po ako sa trabaho ko." Sabi ni Gerald. Di na niya inantay pa ang sagot ni Kathy. Dali-dali siyang lumabas sa opisina nito.

What the heck! Did she just mind fuck*ed me? Naguguluhang bulong ni Gerald habang pabalik sa opisina niya.

Di na mapigilan pa ni Kathy na di matawa pagkalabas ni Gerald sa opisina niya.

Nagtaka si Cynthia nang maabutan na bumubungisngis ang boss niya. Akala niya andun pa si Mr. De Guzman pero nang makapasok siya ay mag-isa naman pala ito. Napatingin sa kanya si Kathy.

"Oh, bat mabilis ka? Akala ko pick up in mo ang damit na pina dry clean ko?"

"Alam mo naman ma'am na palusot ko lang yun para ma solo mo si Mr. De Guzman."

"What?"

"O Di ba tuwang tuwa ka naman. Akala ko nga namalik mata lang ako na si Mr. De Guzman ang pumasok sa office niya nang marinig kong tumatawa ka. Yun pala, tumatawa ka lang mag-isa."

"Mukhang tama ka. I should be not too serious all the time. You should have seen the look on his face."

"Bakit? Ano bang ginawa mo?"

"Kumain lang naman ng banana que."

"Talaga? Anong nakakatawa sa pagkain ng banana que?"

"Naisubo mo na ba ang saging na saba sa harapan ng ex mo?"

Bigla na lang napatawa si Cynthia. Na imagine na nito kung ano ang ginawa ni Kathy. "Haha! Buti nga sa kanya ma'am! Ginalingan mo pa sana para nahirapan."

"Patikim pa lang yun."

Nagtawanan ang dalawa.

Masaya si Kathy kaya di niya namalayan ang mga oras na lumipas. Pagtingin niya sa wall clock ay uwian na pala. Natapos na niya ang lahat ng trabaho niya ngayon kaya gusto niyang umuwi ng maaga para maaga na makapamahinga. Hinanda na niya ang mga gamit niya. Nagpa alam na rin si Cynthia sa kanya.

Palabas na si Cynthia sa office niya nang maisipan niyang dumaan sa office ni Mr. De Guzman. Bukas pa ang ilaw nito.

Kumatok si Kathy.

"Uwian na." Sabi ni Kathy dito.

Napatingin sa kanya si Gerald. "Di ko pa tapos ang ginagawa ko eh." Sagot nito.

Lumapit si Kathy, tinignan niya ang ginagawa ni Mr. De Guzman.

"Ituloy mo na lang yan bukas."

"Tapusin ko na lang."

"Naku, first day of work mo tapos sinalubong ka ng madibdibang trabaho."

"Okay lang yan Miss Reyes, nakapag paalam naman ako sa Mrs. ko na gagabihin ako ngayon." Sagot ni Gerald.

Natigilan si Kathy. Di niya alam kung bakit may something na kumurot bigla sa puso niya. Napasimangot siya.

Di yun nakaligtas kay Gerald. Slip of the tongue lang na nasabi niya yun. Wala siyang balak na banggitin si Mia kay Kathy dahil ayaw niyang ipaalala dito ang nakaraan.

"O sige Mr. De Guzman. Mauna na ako sa iyo. See you tomorrow." Nakasimangot na sabi ni Kathy.

"See you tomorrow." Sagot naman ni Gerald.

Pag-alis ni Kathy ay napaupo saglit si Gerald. Siya man ay balisa din. Di niya maintindihan ang sarili niya kung bakit ang lakas ng dating ni Kathy sa kanya. Akala niya ay nakalipas na yun. Napabuntong hininga na lang siya at bumalik na sa ginagawa niya.

Nag overtime si Gerald dahil kailangan niyang tapusin ang draft na gustong makita ni Mr. Chua as soon as possible.

Nang umuwi siya ay nakatulog na ang mag-ina niya. Dumeretso siya sa kusina at nag-init ng makakain niya. Pagkatapos kumain ay nanguha siya ng inumin sa ref at naupo sa sala. Di pa rin niya maiwaglit sa kanyang isipan si Kathy.

"Kathy.." Bulong niya habang nakatitig sa kisame.

Di namalayan ni Gerald na nakatulog pala siya sa sofa. Madaling araw na nang maramdaman niyang may humahalik sa kanya. Bigla niyang naitulak ang tao na yun.

"Gerald!" Gulat na sabi ni Mia.

"Ha? Pasensiya ka na. Akala ko ano na yun."

"Ano bang nangyayari sa iyo? Bat dito ka natulog?"

"Pagod kasi ako. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako."

"Halika na sa taas. Di ka pa nakapag bihis o."

Tumayo si Gerald. Magka hawak kamay silang umakyat ni Mia sa pangalawang palapag ng bahay nila. Pagdating sa kuwarto nila ay agad nagbihis si Gerald at deretso higa sa kama. Nagtataka naman si Mia sa inaakto nito.

"Honey? Are you okay?" Malumanay na tanong ni Mia?

"Pasensiya ka na Mia. Pagod lang talaga ako ngayon. Bukas na tayo mag-usap." Sagot ni Gerald at deretso na itong nakatulog.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height