He Was Mine First/C9 Chapter 8
+ Add to Library
He Was Mine First/C9 Chapter 8
+ Add to Library

C9 Chapter 8

Humahalimuyak ang pabango ni Kathy habang naglalakad papasok sa opisina niya. Lahat ay napapatingin tuloy sa kanya. Kakaiba kasi ang aura niya ngayon. Hinayaan lang niya ang buhok niyang naka lugay na dati ay nakapusod parati. Naka mini dress siya na kulay green. Naka contact lense din siya ngayon ng green na ibinagay niya sa kulay ng damit niya. Sa bawat hakbang niya ay bumabakat pa lalo ang suot niya kaya kitang kita lalo ang mala gitara nitong katawan.

Nagkasalubong sina Kathy si Gerald at napatigil ang huli. Hindi siya makapaniwala sa transformation ni Kathy. Sino bang mag-aakala na head turner pala itong si palengke girl dati? Napa awang ang mga labi ni Gerald habang papalapit si Kathy sa kanya. Papalapit pa lang ito ay naamoy na ni Gerald ang humahalimuyak na pabango nito. Nakakahumaling! Gustong ipikit ni Gerald ang mga mata pero di niya kayang mawaglit sa paningin niya si Kathy. Para siyang nahipnotismo na naman habang nakatitig dito.

"Good morning Mr. De Guzman!" Bati ni Kathy nang tuluyan siyang makalapit kay Gerald.

Hindi agad makasagot si Gerald.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" Tanong ni Kathy.

"Late na. Tinapos ko pa kasi yung trabaho ko."

Napataas ang kilay ni Kathy.

"I'm impressed!" Nakangiting wika nito. "I like that Mr. De Guzman! Would you like to join me for coffee while talking about the project?"

"Ah.. Nakakahiya naman.."

"It's not a date, that's an order!"

Natigilan si Gerald saglit.

"Sure! My office or yours?" Paos ang boses na tanong ni Gerald. Kulang kasi siya sa tulog kaya namamaos ang boses niya. Napatitig si Kathy sa kanya.

"I prefer sa office mo na lang." Sagot ni Kathy bago ito nagpatuloy sa paglakad. Nakasunod si Gerald sa kanya, minamasdan nito ang bawat kembot ni Kathy. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakadagdag pa lalo sa physical attraction ni Kathy ultimo ang paglakad nito.

Hindi tuloy namalayan ni Gerald na nakasunod na pala siya kay Kathy hangang sa opisina nito. Napalingon si Kathy. "I said your room, not mine!"

Napataas ang kilay ni Gerald. "My room?"

"I mean your office. I'll be there in a minute."

Napatango na lang si Gerald. Tumalikod ito patungo sa office niya. Di mawaglit sa isip niya ang mukha ni Kathy kaya napapangiti tuloy siya habang naglalakad. Para siyang nakalutang sa saya. Animo'y teen ager lang na kinikilig at natutulala tuwing nakikita ang crush niya.

Napaawang ang mga labi ni Cynthia nang makita niya si Kathy. "Aba! Blooming na blooming ang dalaginding! Akalain mo yan, ngayon ko lang nakita na nag lugay ka ng buhok. In fairness bagay mo rin ang contact lense mo! Nagmukha kang foreign jer! Iba na talaga pag inspired!" Gulat pero natutuwa na sabi ni Cynthia.

"Tigilan mo ako Cynthia. Dalhan mo ako ng kape dun sa office ni Mr. De Guzman! Samahan mo na rin pandesal. Coffee for two ha?"

Lalong kinilig si Cynthia sa narinig. "Aba, napapadalas ata ang pag punta natin dun sa office ni Mr. De Guzman a." Wika nito.

"Bibili ka ba ng kape o ano?" Nandidilat ang mga mata na sabi ni Kathy.

"Ito na po, alis na."

"Ederetso mo na dun sa kabila ha?"

"Opo." Nakabungisngis na sagot ni Cynthia.

Kinuha lang ni Kathy ang cellphone niya, iniwan niya ang bag niya sa office at pinuntahan na nito si Gerald sa opisina nito. Kumatok siya, unang katok pa lang niya ay bumukas na ang pinto. Parang sadya talagang nag-aantay sa kanya si Gerald sa may pinto.

"Oh! Can I get in?"

"Siyempre naman."Sagot ni Gerald.

Nagkatitigan sila sa may pinto at di nila namalayan na makalapit na pala ang mga mukha nila. Amoy ni Kathy ang mabango na hininga ni Gerald. Napapikit siya nang bigla niyang maalala ang mga masasaya nilang sandali noon." Gerald.. " Bulong ni Kathy.

"Kathy.." Bulong din ni Gerald hangang sa maglapat ang kanilang mga labi na animo'y uhaw sa isa't isa. Humigpit pa ang yakap nila sa isa't isa hangang sa kapwa sila kinapos ng hininga. "Namiss kita.. Sobra.." Bulong ni Gerald.

Iniiwas ni Kathy ang mga mata kay Gerald. Inayos din niya ang sarili nang maalala na darating si Kathy anytime. Nang maipon niya uli ang lakas ng loob niya ay tinitigan niya si Gerald sabay ngiti. "So.. About your proposal sa mall ni Mr. Chua, can I see it?"

"Ah, of course." Sagot ni Gerald na waring nahimasmasan na rin. Nilapitan ito ni Kathy at pinusan ng daliri ang gilid ng mga labi nitong mamula mula dulot ng lipstick sa mga labi ni Kathy.

Napangiti si Gerald.

Hustong nakabalik na si Cynthia. Kumatok ito sabay announce na dala na niya ang kape.

"Pasok." Sagot ni Kathy.

Pumasok nga si Cynthia at di pa niya nailalapag sa lamesa ang kape ay nakatitig na ito sa mukha ng boss niya. Medyo gusot ang buhok ni Kathy samantalang kanina lang ay parang dinaanan ng plantsa ang buhok nito. Alam na rin niya ang itsura ng mga labi nito, alam niyang naka iskor na naman to. Lihim na naman na kinilig si Cynthia. Kahit mali basta ang importante kinikilig siya.

"Ang tagal namang lumapag ng kape na yan." Pansin ni Kathy. Bigla na lang kasi itong natigilan at di na niya nailapag ang ilalapag sana niyang kape.

"Ito na po. Coffee for two at siyempre may kasamang pandesal. Pero I think, ma'am, you don't need this pandesal."

Napataas ang mga kilay ni Kathy.

"Kasi pandesal pa lang ni Mr. De Guzman mabubusog ka na." Natawang sabi ni Cynthia. Biglang namula si Kathy.

"Umalis ka na nga jan! Istorbo ka! Sa trabaho, I mean."

"Ok po. Ito na, alis na." Sabi ni Cynthia bago ito dali daling lumabas.

Napatingin naman si Kathy kay Gerald. "Pasensiya ka na Mr. De Guzman kay Cynthia. Maloko talaga yun."

Napangiti lang si Gerald.

"Mag breakfast na kaya muna tayo habang mainit pa tong pandesal."

Walang imik na lumapit si Gerald kay Kathy. Kinuha niya ang kamay ni Kathy at tinanggal ang naka tuck in nitong polo shirt. Napaawang naman ang mga labi ni Kathy.

"What are you doing?" Tanong ni Kathy nang bigla niyang maramdaman ang manigas-nigas na abs ni Gerald.

"May pandesal ba?" Natatawang tanong ni Gerald.

Napatawa rin si Kathy sabay bawi sa kamay.

"Mayroon. You maintained a good physique. Parang naging mas malaman pa nga ang iyong katawan ngayon. Lumaki ang iyong mga pandesal sa tiyan."

"Ikaw din naman Kathy. Ang ganda mo pa rin.. Mas gumanda pa nga at mas naging kaakit akit." Halos pabulong na wika ni Gerald at muli na naman silang nagkatitigan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height