+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Simula

Savannah’s Point of view

Maaga akong nagtungo sa maliit kong coffee shop dahil nalagasan ako ng trabahador dahil na rin sa kinakaharap na krisis ng negosyo ko. Masakit man sa loob pero wala akong magawa dahil na rin sa hindi na sapat ang napapasahod ko sa kanila.

“Sav, dalawang iced americano,” sigaw ni Loila mula sa may counter.

Si Loila ang tanging hindi umalis kahit na anumang oras ay maaari nang magsara ang shop ko. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Ginawa ko ang sinabi niya, nagtimpla ako ng isang iced americano.

Sa maghapong ito, isa pa lang ang naging customer namin. Muli na namang dumagsa ang lungkot sa puso ko dahil matapos ang tatlong taon ay baka ngang magsara na ako.

“Heto na ‘yung iced americano, Loila.” sambit ko at inabot sa kanya ang iced americano.

Malugod na naman niya itong tinanggap at ibinigay ito sa customer namin. Pinanood namin ni Loila ang huling customer namin ngayon araw.

“Magsasara na ba talaga tayo?” malungkot na tanong sa akin ni Loila habang nililinis ang counter na tatlong taong hinawakan niya.

Napabuntong hininga ako dahil sa bigat rin ng pakiramdam ko, sino nga bang hindi? Payapa at maayos ang buhay ko ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat ng iyon.

Lahat ng pinaghirapan ko ay nawala at napunta sa wala dahil lang din sa kapabayaan ng kinilala kong ama. Pero wala akong karapatan magalit sa kanya dahil siya rin ang nag-aruga at nag-alaga sa akin kahit na hindi ko siya totoong ama.

“Loila, paki-ayos na ang counter natin dahil magsasara na tayo ngayong araw.” utos ko rito at dumiretso ako sa bintana upang isara ang mga ito.

“Seryoso na ba iyan? Wala na ba tayong second chance? Mag-isip tayo ng paraan para—”

Malungkot ko siyang binalingan ng tingin at umiling sa kaniya. Ramdam ko ang kagustuhan niyang ilaban ko pa ito ngunit wala na akong maisip na paraan para iligtas pa ang papalugi kong negosyo. Tinalikuran na rin ako nang mga kaibigan ko na akala ko ay totoong kaibigan. Si papa naman ay naging lulong sa sugal kaya wala rin akong makuhang tulong sa kanya.

Tahimik na lamang siyang sumunod sa akin, pagkatapos kong masigurong maayos na ang lahat saka ako pumasok sa maliit kong opisina. Ang naging opisina ko sa tatlong taon, hindi ko na talaga napigilan pang pumatak ang luha sa pisngi ko. Ayoko man bitawan ang coffee shop na ito ngunit wala akong magawa dahil walang-wala na rin ako. Limang minuto kong pinagsawa ang sarili kong namnamin ang lungkot. Pagkatapos nito'y tumungo ako sa drawer ng mesa ko. Kumuha ako ng bentemil sa natitirang pera na meron ako.

“Sav, nailigpit ko na ang lahat ng dapat iligpit,” sigaw niya mula sa labas ng opisina ko.

Lumabas na rin ako nang opisina at nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan roon habang mahigpit na nakakapit sa shoulder bag niya. Mabilis napunta sa akin ang tingin niya at kahit hindi niya sabihin alam kong hinihintay niya ang ilang buwan niyang sahod. Hindi ko kasi ito naibigay dahil na rin sa walang-wala talaga ako.

“Savannah…”

Ramdam ko ang matinding pag-aalinlangan sa boses niya.

“Heto na ang ilang buwan mong sahod dapat, pasensya na hindi ko agad ibinigay sayo,” hinging pasensiya ko at inalagay ang pera sa palad niya.

“Ang dami naman nito, okay na ako sa pamasahe lang, Sav,” aniya at muling ibinabalik ang pera sa akin pero umiling lang ako.

“Kailangan mo ‘yan para sa paghahanap ng trabaho,”

“Sav…” niiyak niyang bulong.

“Sige na umuwi kana magga-gabi na oh.”

Pagtataboy ko dahil hindi ko na kaya pang tagalan ito. Ayoko naman na pumirmi siya sa akin dahil hindi lingid sa akin na may pamilya siyang pinapakain.

Niyakap niya ako sa huling pagkakataon at nagpaalam na siya sa akin. Napabuga na ako ng hangin dahil sa wakas ay natapos na. Muli akong bumalik sa opisina ko dahil plano kong dito na muna ngunit napansin ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang malapitan ko ito ay nakita ko ang pangalan ni papa sa screen, may sampung missed calls na rin ito sa akin at iilang text messages.

Babalewalain ko na sana ito ng muli itong magvibrate kaya wala akong nagawa kundi ang sagutin ito.

“Pa?”

[Anak! Kanina pa kita tinatawagan! Nasaan ka? Umuwi kana anak may mga taong gusto akong patayin!]

“Po?”

Nagulat ako sa sinambit ni papa kaya agaran akong nagtungo sa bahay. Hindi ko maalala paano ako nakauwi ng ganun kabilis. Hindi ko na rin iniisip na baka maging reckless driver ako dahil sa kagustuhang makauwi ng bahay. Sa harap pa lang ng bahay may sampung itim na sasakyan ang naka-prada. Nagtaka ako dahil sino ang tutungo sa bahay ng ganitong oras?

Hindi ko na sinayang pa ang mga sandali at mabilis pumasok sa loob ng bahay. Agad na bumulaga sa akin ang sangkatutak na mga armadong lalaki na may dalang mga armas. Si papa na nakaluhod habang nakatutok sa kanya ang mga baril nila. Namutla ako lalo nang sa akin naman nila itutok ang mga ito.

“Anak! Mabuti narito kana! Tulungan mo ako kausapin si Lord, hindi ko kasalanan na natalo ako sa sugal dahil dinaya nila ako!” galit na galit na sigaw ni papa sa akin.

Tikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ang akala ko ay hindi na siya nagsusugal dahil naubos na ang lahat ng kayamanan niya? Miski nga ang maliit kong shop ay nalugi dahil na rin sa ibenenta niya.

“Ang akala ko ba ay hindi kana nagsusugal? Anong ginamit mong pera? Papa naman!” hindi ko na napigilan na magtaas ng boses dahil sa frustration na nararamdaman sa kanya.

Gumapang pa ito patungo sa akin at kumapit sa mga binti ko.

Ni hindi ko siya magawang tignan dahil sa nakakahiya at kaawa-awa niyang itsura. Ang maginoo at tanyag na business tycoon noon ay isa nang ganito ngayon. Dahil lamang sa pag-ibig ay natuto siyang sumugal dahil roon lamang daw siya naging masaya.

“Anak, just this one please? Tulungan mo ako! Alam ko may pera ka pa dyan, please,” pagmamakaawa niya ngunit wala akong magawa.

Ang bentemil na natira sa ipon ko ay pinasahod ko kay Loila. Ni piso ngayon ay wala ako at isang karangalan ang makauwi ako rito na kaunti ang gas ng sasakyan ko.

“Papa, wala na po akong pera,” bulong ko.

Kumunot ang kilay niya at mabilis na lumayo sa akin. Napansin ko ang pagbagsik ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

“Anong ibig mong sabihin na wala kang pera? Ang dami kong binigay na pera sayo noon! May coffee shop kapa tapos sasabihin mo ay wala kang pera?!” tumaas na rin bigla ang boses niya.

Nakaramdam ako ng iritasyon ngunit pinili kong idaan sa mahinahon na usapan. Isa rin sa dahilan kung bakit nalugi ang coffee shop ko ay dahil sa pambabayad sa mga utang niya. Sa dami ng utang niya pati ang kumpaniya, mga iilang lupain sa probinsya at miski itong bahay ay nakasangla na.

“Sa tatlong taon na nalulong ka sa sugal ako ang nagbabayad sa mga pinagkakautangan mo. Tapos magtaka ka kung bakit wala na akong pera ngayon ni piso? Noong nakaraang araw lang papa nagbayad ako ng dalawang milyon sa utang mo!”

“Sinusumbatan mo ba ako?” may pagbabanta na sa tono niya ngunit wala na akong pakialam.

Sapat na siguro ang tatlong taon na ako ang nagbayad sa lahat ng pinagkakautangan niya. Kabayaran sa tatlong taong inaalagaan niya ako.

“Sinasabi ko lang na wala na akong pera, pa,” tugon ko sa mababang boses dahil ayokong lumaki pa ang gulong ito.

“Wala ka talagang kwenta!” galit na galit niyang sigaw.

Nagulat ako at bahagyang nasaktan sa sinigaw niya ngunit nawala rin ito. Blanko lamang ang mga tingin ipinukol ko sa kanya. Sa tatlong taon na 'yon nagdusa rin ako, naghirap habang siya ay walang patda pa rin ang pagsusugal niya. Inampon lamang niya ata ako para bayaran ang mga utang niya.

“Tama na, pa, wala na akong maitutulong sayo,” pinal kong sagot.

Dahil sa sobrang galit niya ay mabilis itong tumayo at bibigwasan na sana niya ako ng isang nakakatakot na boses ang dumagundong.

“Hurt her and you'll see what hell's look like,”

Tumigil ang kamay ni papa sa ere at sandaling nanigas ang buong katawan niya. Pinagpawisan rin siya ng malapot bago dahan-dahan ibinaba ang kamay. Hinanap ko agad ang boses na 'yon at nakita ko ang isang lalake sa gitnang parte ng hagdanan.

Nagtama ang mga mata namin ng estrangherong lalaking ito na may asul na mga mata. Matatalim at walang buhay ang mga matang iyon. Higit sa lahat ang gwapong mukha niya na hindi mo akalain na may nage-exist palang ganito. Walang binatbat ang mga modelo at artista na napapanood ko sa television.

Kinaladkad niya si Sabrina pababa ng hagdan. Unang napansin ko ay ang sirang damit ni Sabrina at ang iilang pulang marka sa dibdib niyang tinatakpan gamit ang braso.

“L-Lord, anong gagawin mo sa anak ko?” nahihintakutang tanong ni papa.

Sabrina Solidad, ang unica hija ni papa at ako ay ang adopted daughter niya. Magkasing edad lamang kami at bahagyang magkahawig sa hindi ko malaman na dahilan kong paano nangyari iyon. Kumpara kay Sabrina ‘di hamak na may mala-porselanang kutis ito habang ako ay natural na morena. Itim ang mga mata niya habang ako ay may gray na mata. Kong pagbabasehan sa katawan ay lamang siya sa akin dahil sa naglalakihan niyang dibdib.

“What do you think, Mr. Solidad?”

“P-Please, not my daughter! Kong gusto mo ang adopted daughter ko na lang, magaling siya at matalino…”

Hinila pa niya ako at hinarap sa estrangherong ito. Yumuko ako dahil hindi ko kayang sabayan ang titig nito dahil para akong nalulunod.

“Really? Anong kaya niyang gawin? Kaya ba niyang painitin ang gabi ko?” may panunuya sa boses niya kaya hindi ko napigilan na magtaas ng ulo.

Masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya na kinagulat niya. Ngunit sandali lamang iyon at gumuhit ang amusement sa mga mata niya habang taas-baba akong tinignan tila'y kinikilatis.

Walang pag-aalinlangan niyang itinulak si Sabrina kaya sumubsob ito sa lapag. Nanginig ako sa takot dahil tuloy-tuloy ang paglapit niya sa akin hanggang sa magkatapat kami. Nalula ako sa tangkad niya dahil hanggang balikat lamang ako nito. Malapad din ang katawan niya at mukhang malakas.

Pakiramdam ko ay umurong ang lahat ng lamang loob ko ng ipadausdos niya ang hawak na baril sa tyan ko. Patungo sa sintido ko at nginisian ako ng nakakaloko.

“Mr. Solidad, you don't need to pay me,” bulaslas niya.

“P-Pardon?”

Miski ako ay napa-arko ang kilay dahil sa sinabi niya. Hindi na raw siya babayaran? Totoo ba iyon? Kung ganoon—

“I will take this doll and your daughter also. Kailangan ko ng mapapangasawa,” simpleng sambit niya.

Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya, napadpad ang tingin ko kay Sabrina at matalim ang titig niya sa akin.

Pero bakit? Anong nagawa ko? May oras pa talaga siya para samaan ako ng tingin?

Saka lang nag sink-in sa akin ang narinig ko. Sapilitan akong umatras palayo sa kanya kaya napataas ang kanang kilay niya.

“Pasensya na pero hindi ko matatanggap ang sinasabi mo.” ani ko.

“I can't accept your answers, binibini. Hindi ako tumatanggap ng ganiyang sagot,” casual man ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang diin at pagbabanta niya.

Pero pinatatag ko ang sarili ko.

“Ang sabi mo ay isa sa amin ang gusto mong mapangasawa hindi ba?”

“Yeah,”

“Kong ganoon sino ang gusto mo sa amin?”

Nagtaka siya sa mga tinatanong ko pero wala akong pakialam. Kong gusto niya ako maging asawa, ayoko nang may kaagaw. Hindi ako tatanggi dahil nakikita kong makapangyarihan siya, siya lang din ang makakatulong sa akin para tuluyan ng makawala.

“Nothing?” tila hindi pa siya sigurado sa sinabi niya.

“Kong ganoon aalis na ako, pa, I'm sorry pero hindi ko kayang bayaran ang utang mo sa kaniya.” saad ko.

Tumalikod na ako at handa ng maglakad paalis nang maramdaman ko ang malaking bagay na humawak sa braso ko.

“Where are you going? Hindi pa kita pinapaalis,” aniya.

“Uuwi na,”

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya at dumaan rin ang amusement na para bang nakahanap siya ng bagong laruan. Tumitig lang din ang asul niyang mata sa mukha ko pababa sa naka-exposed kong dibdib kaya sa inis ko ay pinitik ko siya sa noo.

“Goddamn it! What that's for?!” bulyaw niya sa akin.

“You are looking at my tits for angel sake, Mr!” bulyaw ko rin pabalik sa kanya.

Muli siyang napatunganga sa inakto ko na para bang ngayon lang siya nasigawan ng babae. Pwes, hindi uubra sa akin ang pagiging demonyo niya dahil mas demonyo ako.

Bumalik rin siya sa pagiging seryoso at humarap kay papa at Sabrina na ngayon ay luhaan.

Ano na naman kaya ang inaarte nito? Hindi lingid sa kaalaman ko na sobrang sama ng ugali ng babaeng ito. Umaakto pa siya na maria clara kong lahat ata ng lalaki dito sa village ay natikman na siya.

“Nakapagdesisyon na ako,” nakangisi niyang sambit sa akin na nagbigay ng matinding kaba. “kukunin ko kayong dalawa.”

“Ano? Nasira na ba ang tuktok ng ulo mo? Ayo—”

Aangal sana ako nang biglang may nagtakip ng panyo sa ilong ko. Unti-unting pumikit ang mga mata ko at ang huling naramdaman ko ay ang malambot na bagay na dumampi sa labi ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height