+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Chapter 2

Wala rin palang nagawa ang kaartehan ko dahil tulad ng lagi niyang ginagawa sa akin ang ipilit ang gusto niya. Pero iba na ang suot kong damit ngayon dahil isang simpleng dress na nakatago lahat ng dapat itago.

Ang nakakainis pa rito, narito lamang ako sa gilid, sa may tagong lugar kung saan walang masyadong nakakapansin sa akin. Palihim din akong nagmamasid sa paligid at naagaw ng atensyon ko sina Hendrix at Sabrina. Masaya silang nakikipag-usap sa mga bigating business man. Napatitig rin ako kay Sabrina na parang isang karangal-rangal na anak ng isang royal family ang galawan niya. Dahil sa inis at ayaw ko na silang mapanood pang makipagplastikan sa iba, kusa akong umalis sa lugar kong na saan ako.

Hindi rin ako makatakas dahil maraming tauhan niya ang nakakalat sa labas ng lugar na ito. Dumiretso ako sa verandang nakita ko. May hagdanan dito sa bandang gilid pababa sa garden, hindi ako nagdalawang isip at bumaba ako rito. Paglabas ko palang ay dumagsa na sa paningin ko ang iba’t ibang uri ng bulaklak. Dumampi rin sa balat ko ang malamig na hangin, ang sarap talaga ng hangin tuwing gabi.

Ngunit ang akala ko talaga ay mag-isa ako rito ngunit hindi ko inaasahan ang natuklasan ko.

“Nasa loob ba ang Del Fierro na ‘yon?”

Rinig kong tanong nito sa kausap. Bahagya akong nagtago sa makapal na halaman ng mga bulaklak at mas pinakinggan pa ang magiging usapan nila.

Del Fierro? Si Hendrix ba ang pinag-uusapan nila?

“Yes, dad. Pero may kasama siyang babae at ayaw siya nitong lubayan. Hindi ako makalapit dahil sinasamaan ako ng tingin,” rinig kong sagot naman ng kausap ng lalaki.

Kong ganoon ay mag-ama sila?

“Gumawa ka ng paraan! Ikaw dapat ang mapangasawa niya kong kailangan na akitin mo siya gawin mo!” sigaw nito sa anak niya.

Dahil tahimik ang paligid ay umalingasaw iyon sa buong paligid. Mabilis ako umalis sa pinagtataguan ko ng makita kong paalis na sila. Mabilis akong pumasok muli sa loob ng venue at pinaikot ang paningin sa paligid. Nakita ko agad ang babae kanina na kumuha ng isang wine glass at may kung anong powder na nilagay rito. Dumiretso ito agad kay Hendrix na nag-iisa ngayon.

Nasaan ang Sabrina na ‘yon? Oras-oras siyang nakabuntot rito, bakit kung kailan kailangan niya ng tulong saka naman siya wala!

Nakita kong inabot ng babaeng ‘yon ang wine glass kay Hendrix, wala na akong nagawa kong hindi ang lapitan sila.

“Babe!” agaw ko sa atensyon niya ng susubukan na niyang inumin ito.

“What?” suplado nyang salubong sa akin.

Sa hawak niyang wine glass ang tingin ko. Hindi ko na pinansin pa ang pagiging suplado niya.

“Excuse me?” kuha ng babaeng ito sa atensyon ko.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya napa atras siya.

“P-Pumila ka pwede? N-Nauna ako sa kanya.” kinakabahang sambit niya.

Hindi ko siya pinansin at inagaw na lang basta ang wine na hawak ni Hendrix na kinagulat niya.

“Who told you to drink? f*ck, Savannah!” iritadong bulong niya sa akin.

Paglunok ko ng wine biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Bigla akong uminit at biglang nanginig ang lahat ng kalamnan ko sa katawan.

Anong nangyayari?

“Hey? are you okay?” dinig kong tanong ni Hendrix.

Napakapit ako sa braso niya at mas inilapit pa sa kanya ang katawan ko. Nagulat siya sa ginawa ko kaya bahagya niya akong naitulak. Wala na rin ang babaeng kanina ay kasama namin, ngumiti lamang ito ng malademonyo habang nakatingin sa akin.

“H-Hen…” nahihirapang tawag ko sa pangalan niya.

“F*ck.” angil niya ng subukan kong hilahin ang mukha niya patungo sa akin.

“Hot… I feel hot,” nahihirapang bulong ko.

Inalalayan niya ako patungo sa kaninang lugar kung nasaan ako. Inamoy niya rin ang basong hawak niya at magkakasunod na nagmura. Hindi na ako makapag-isip ng maayos, naiinitan ako sa suot kong damit kaya sinubukan ko itong itaas.

“Stop!” bawal niya sa akin.

Pero dahil hindi ako nakikinig ay sinubukan ko itong itaas muli pero sa pagkakataong ito ay kinarga niya ako at inilagay sa kandungan niya. Isiniksik ko sa gilid ng leeg niya ang mukha ko. Inamoy-amoy ko rin ito at paminsa-minsan ay hinahalikan.

“T*ngina! behave yourself, Savannah! F*ck! Sab…” bulong nito.

“Lord, tumakbo po paalis ng lugar si Senorita Sabrina,” dinig kong report ng isa sa tauhan na kasama namin.

“Edi sundan nyo mga tanga! Ang tatanga niyo! hindi ko kayo pinapasahod para tumalala lang!” nanggagalaiti nyang bulyaw.

“Hanapin niyo rin ang babaeng nagbigay nitong wine sa akin ngayon lang.” dagdag pa niya.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari basta ang alam ko ay naglalakad na siya paalis sa lugar na ‘yon.

“H-Hendrix…”

“M-Mainit…”

“I know, kaunting pagtitiis pa mawawala rin ‘yan.”

Hindi niya ako sinita sa ginagawa ko sa leeg niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit ko ginawa ito basta ang gusto ko ay lumabas kung ano mang init itong nararamdaman ko.

Umupo ako ng maayos sa kandungan niya at pinagmasdan siya. Magulo man ang isip ko sa mga oras na ito ay kitang-kita ko ang pagpipigil niya. Kitang-kita ko rin ang pagdaan ng matinding pagnanasa sa mata niya.

Hanggang sa mapatitig ako sa mapupulang labi niya. Natakam ako bigla, pumasok rin sa isip ko na parang gusto kong tikman ito.

“What? Are you done? Hindi ka na ba naiinita—”

Hindi ko na napigilan pa at mabilis sinunggaban ang labi niya. Hindi siya agad nakagalaw dahil sa ginawa ko pero ramdam ko ang paghihigpit ng pagkaka hawak niya sa balakang ko.

“S-Stop… Savannah this is not right,” tanggi niya at nilayo ako sa kanya.

Nasaktan ako sa ginawa niya, sa pagtanggi sa akin. Pero mabilis rin tumigil ang sasakyan namin. Mabilis ang pangyayari, nakita ko na lamang ang sarili ko sa loob ng hindi pamilyar na lugar. May isang gwapong lalaki na may puting buhok at berdeng mga mata na iniilawan ang mukha ko.

“She's under aphrodisiac, at good news Del Fierro wala tayong gamot para dito,” may panunuya pang sambit nito.

“What are you talking about? Kaya nga kitang kinuhang doctor ng empire dahil magaling ka sa mga toxic at mga lason tapos simpleng aphrodisiac hindi mo magamot?” sigaw ni Hendrix sa lalaking gwapo.

Sobrang init na, init na init na ako. Kailangan ko mailabas kong ano man ito dahil pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo.

“Walang gamot sa ganitong toxin, ang gamot dyan ay iisa lamang,”

“What? Sabihin mo na! Hindi 'yong nagpapaligoy-ligoy kapa!” iritableng sigaw niya.

Patuloy din ang pag pagbaba niya sa damit ko na pilit ko namang itinataas.

“Have sex with her.”

“The f*ck.”

“What? you know to yourself, Del Fierro na ang gamot sa aphrodisiac ay sex. Hindi mo siya pwedeng paliguan ng malamig na tubig dahil wala iyong maitutulong. Remind lang din kita ang toxin na nasa katawan niya ay deadly.”

“Pampataas lang ng libido ang aphrodisiac, Devera! Maraming paraan para kusa itong mawala,”

“I know pero sa kaso ng babae mo ay ang solution lang diyan ay mailabas ang lahat ng init niya sa katawan,”

Ano bang pinag-uusapan nilang dalawa? Hindi ba nila ako tutulungan? Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa init na nararamdaman ko.

“Ahhh! h-help me...” ungol ko dahil unti-unti ng tumitindi ang sakit ng ulo ko.

Itinayo ako ni Hendrix at inabutan ng malamig na tubig pero kinabig ko lamang iyon. Lumapit rin sa akin ang lalaki kaninang tinitignan ako at muling hinawakan ang mukha ko pero tinampal lamang iyon ni Hendrix.

“Don't touch her!”

“Have sex with her Del Fierro kong gusto mo pa siyang nasa katinuan bukas. Nakakaramdam na siya ng pananakit ng ulo,”

“Wala na ba talagang paraan?”

“No. Have sex with her or let her die right on the spot. Kong ayaw mo naman ay willing akong tumulong. It's been a month since the last time I got laid. Beside, saksakan siya sa ganda at sexy,”

“Get out!”

“What? gusto ko lang tumulong dahil ayaw mo. Come on, I know baliw ka sa babaeng nangangalang Sabrina Solidad.” asar nito sa kaniya.

“Get out, Devera! bago ko pasabugin ang bungo mo sa harapan ko.”

“Chill.”

Iyon na lamang ang huli kong narinig bago ko naramdaman ang pagsara ng pinto. Naramdaman ko rin ang pag-angat ko sa ere at pagdampi ng likuran ko sa malambot na bagay.

Pinilit kong binuksan ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang blankong mga mata ni Hendrix. Nagtaka rin ako dahil wala itong pang-itaas at sinunod niya ang pang-ibaba niya.

“W-What are you doing?” nahihirapang bulong ko.

“Undressing,” pamimilosopo niya sa akin.

Gusto ko man siyang batukan ngunit hindi ko na magawa dahil nanghihina na ako. Pumikit sandali dahil muling sumakit ang ulo ko. Init na init ako lalo na ang gitnang parte ng katawan ko ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

Muli kong iminulat ang mata ko dahil naramdaman ko ang pagpatong ng mabigat na bagay sa akin. Bumulaga sa akin si Hendrix na sinisimulan ng halikan ang gilid ng leeg ko.

“W-What are you trying to do?”

“This is the only way para mailigtas kita, I'm sorry, after this paninindigan kita,”

“What?”

Bago pa ako muling makapagtanong ay naramdaman ko ang pagdampi ng mainit-init nyang labi. Kusang sumunod ang katawan ko sa gusto niya. Hanggang maramdaman ko na lamang ang lamig ng aircon dahil sa hubad ko ng katawan

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height