Her Dauntless Eyes/C15 Kabanata 7.2
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C15 Kabanata 7.2
+ Add to Library

C15 Kabanata 7.2

Athena

"OKAY class. Dismiss."

Great!

Mabilis akong tumayo pagkalabas ng propesor namin. Inayos ko agad ang ipad kung saan ako nag-take note at ilang handouts na ginamit ko kanina. Nilagay iyon lahat sa bag at akmang lalabas na pero bigla may harang na bulto sa harap ko.

"Hi, Athena. Are you going home already," one of my blockmates asked. Ngumiti ako pabalik dahil ayokong magmukhang rude. Dalawa silang nakahatang sa may pinto.

"Athena. Sumabay ka na sa amin. We're hanging out sa cafeteria," the other girl said. Tatanggihan ko pa sana sila peromay lumapit na naman.

"Hey! Athena. Are you available tomorrow night?" tanong ng matangkad na lalaki. Gwapo siya pero mukhang playboy. May isa na namang sumulpot at inakbayan yung mukhang playboy.

"Athena. Can I invite you tonight. It's a party ...at my house," tanong niya agad.

Tulad ng dati ay sinabi kong may lakad akong importante. Pero ang totoo pupuntahan ko si Alyssa para sabay kaming kumain ngayon. Tinalikuran ko agad sila at baka may humabol pa.

"Brat." I heard when I already turned my back.

"I hate her. Bait baitan."

"Demetrius lang, mayabang na."

"Maganda sana siyang paglaruan ."

I ignore them, they aren't worth my time.

Naglakad ako papuntang Business Bldg. habang naglalakad ay bumabati sa akin ang ilang studyante. Nang makarating ay hinanap ko ang BM Room33. Alam ko ang schedule ni Alyssa ngayon.

Sumilip ako sa bintana ng room nila pero walang tao sa loob. Mukhang wala silang klase. Napansin kong may petite na babae ang lumabas sa may pinto.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi," bati ko agad 'saka siya nginitian.

"Miss Athena! Hello po!" gulat ang reaksiyon niya nang makita ako.

"Um. Kaklase ka ba ni Alyssa? Can I ask kung nakita mo siya?"

"Ah. Classmate po kami ngayon sa isang subject pero wala si Prof. Hindi ko rin siya nakita eh," sabi niya habang nagkakamot pa ng batok niya.

"I see. What's your name," I asks.

"uhh.. Jean po."

"Thank you, Jean. Sige," I waved at her.

Kumaway rin siya pabalik at mukhang naistarstruck pa sa akin.

Umuwi na kaya si Alyssa?

I tried ringing her phone but it was unattended. Wala naman siyang work today MWF lang siya sa BRC.

Nakalabas na ako sa building nila nang mamataan ko ang ilang kalalakihang nakasuot ng jersey. Teammates sila ni Zeus papunta siguro ang mga ito sa basketball court. Hindi ko na sila pinansin at sinubukan ulit tawagan si Alyssa.

Nagtitipa ako sa cellphone nang bigla na lang may bumangga sa akin. Nabitawan ko ang cellphone sa kamay at napatingala. Iyon pala ay isang masamang elemento ang bumangga sa akin.

It's Zues!

Nakangisi na naman siya at hindi man lang nagsorry. Ang kapal talaga ng mukha!

"Zeus!" I irritatingly yelled at his name. Pinulot ko ang cellphone sa semento. Walang babala ko 'yong binato sa kanya, tumama iyon sa pisngi niya. Muntik na akong magsisisi.

"Shit!" Nagulat siya sapo ang pisnging natamaan ko.

Nagreact ang mga teammates niya na nanonood pala sa eksena namin.

Well, I'll give them a nice show.

Tumalon ako para abutin ang buhok niya at hinila iyon.

"Aww! What.. Athena. STOP." Zeus commanded, pinipigilan niya ako sa kamay.

His teams even cheered for me.

Dahil malakas si Zeus ay nahawakan niya ang magkabilang braso ko.

Tinignan ko siya ng masama muntik na akong matawa dahil sa magulo niyang buhok.

"Damn! Athena you're very very bad vixen." At parang hindi man lang siya napahiya sa mga teammates dahil natawa pa siya na mas lalong ikinainis ko. Inayos niya ang sariling buhok gamit ang isang kamay niya. Hindi man lang niya ininda ang nasaktang mukha. Sigurado akong masakit 'yon.

"Let go of me. You jerk!" Pilit na kumakawala ako sa kanya. Sinipa ko siya sa tuhod pero naiwasan naman niya iyon.

"Stop it," he said patuloy sa pag - iwas mula sa pagsipa ko.

"Let go of me. Now!" I shouted at him.

Humalakhak siya at parang natutuwa la talaga.

"Hinahanap mo ba si He- Alyssa? I know where she is."

"Where?" napatigil naman ako at napatingin sa kanya.

"Let's go." Hinila niya ako habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Wait! Ano ba! I can walk on my own let go of me." He didn't let go of my hand.

Hindi na ako nag protesta pagod na ako sa pagsigaw. "Wait my phone." I stop. Lumingon siya sa akin

"Brix," he said sinenyasan niya ang isang teammates niya.

Hinila na niya ulit.

Nakatingin sa amin lahat ng estudyanteng nakakasalubong namin. l Marahil ay nagtataka sila kung bakit magkasama kami at hawak pa niya ang kamay ko.

Napansin ko'ng sa court papunta ang direksyon tinatahak namin.

"Wait. Nasa court ba si Alyssa?" Nagdududang tanong ko, baka pinagtritripan lang niya ako.

Tumango naman siya.

Nakarating kami sa closed court. Nilibot ko ang tingin at hindi ako nabigo nang makita ko si Alyssa na nag ma-mop ng sahig ng court. Saglit akong napamaang.

Nandito lang pala siya. Ang alam ko ay hindi na siya janitress dito. Kailangan na naman ba niya ng pera?

"Aly!!" I shouted to get her attention.

Nakuha ko agad ang atensiyon niya at napalingon sa direksiyon namin. Mukhang hindi naman siya nagulat sa bigalang pagsulpot ko rito. Mabilis akong tumakbonpalapit sa kanya. Hindi ko namalayang nakasunod pala si Zeus. Ang mga kasama naman nito ay kanya kanyang upo sa bench.

"May practice kami ngayon, Hell." He said to Alyssa and turned his head to me and smirked.

"Why do you always call her 'Hell' . Her name is Alyssa," I said annoyed. Feeling close kasi siya sa kaibigan ko.

"Yeah. Alyssa," aniya na parang wala lang. Why do I have the feeling that they know each other before me?

Come to think of it, noon pa man ay iyon na ang tawag niya kay Alyssa. Akala ko noon ay kapag nagugulat lang siya, kaya niya naibubulas ang ' Hell'. Iwinaglit ko na lang ang pagdududa dahil napakaimposible niyon.

"Okay," tipid na sabi ni Alyssa.

Kinuha niya ang mga ginamit sa paglilinis. Tinulungan ko naman siyang ipasok iyon sa stock room na katabi lang ng locker room ng mga players. Pagkatapos ay lumabas na kami. Niyaya ko siyang samahan ako sa Mall at pumayag naman siya.

Nakarating kami sa Elysian Mall.

Naglibot lamg kami sa ilang clothes store bago ko siya niyayang magmeryenda. I'm craving for pizza.

Si Alyssa- ang nagorder ng malaking pizza at coke. Inunahan pa nga ako sa pagbabayad.

Masarap talaga ang libre!

Nang matapos kami ay naglibot ulit kami. Nagwindow shopping lang kami.

Napahinto ako nang mapansing napatigil si Alyssa sa tabi ko.

We stopped infront of a shoe store. Lumapit ako sa kanya at tinignana ang dahilan ng pagkatigil niya. Napailing ako.

Isa sa mga kina-aadikan ng kaibigan ko ay ang pagbili ng sneakers. Doon lahat napupunta ang sahod niya. Hindi ko na nga mahulaan kung ilang sneakers na ang mayroon siya.

"Do you like it. I can buy it for you and just pay me back when you already have money," I suggests.

"No thanks. You can't trick me."

How did she know, I was trying to trick her? Naisip kong bilhin iyon para sa kanya pero hindi ko na tatanggapin ang bayad niya.

I sighed heavily. Napabaling ako sa kanan. I saw a group of people wearing their business suits. Nasa gitna no'n ang matangkad na lalaki.

It's Kuya Hades with his intimidating aura. Katabi niya ang secretary niyang si Kronos.

May all-around inspection siguro sila sa loob ng Elysian Mall. Every month nag-iinspect si Kuya Hades sa Mall to check the operations of each stores. Siya kasi ang may-ari niya.

Saglit akong naestatwa nang bumaling ito ng tingin sa direksiyon namin.

Nginitian ko ang pinsan kahit hindi ako sigurado kung ngiti nga ang lumabas sa labi ko.

' Hayy. Hindi ako takot sa kanya. He's just scary.'

I smiled again and waved at him. Lumapit ako sa kanya. Napahinto siya at ang mga kasama.

"What are you doing here?" he asked, with his deep and scary tone. Mas gusto ko 'atang kaharap si Cage kasya rito.

Panandalian akong napipi bago napagsalita.

"Kasama ko si Alyssa Kuya."

Itinuro ko kung si Alyssa na nasa harap pa rin ng glass window ng store. Hindinna naman matanggal ang mata niya roon. Hindi pa nga niya napansin na umalis ako sa tabi niya.

"What is she doing?" Hades asked.

Napangiti ako. Bibihira lang akong kausapin ni Kuya Hades kaya natutuwa akong may alam naman pala siya sa 'conversation'. Akala ko ay sarili lagi ang kausap.

"She's kinda' have this obssession with shoes, Kuya. I wanted to buy her that shoes but she refused. I think she likes that white sneakers on display."

"Kumain na ba kayo?" He asked instead.

"Yep!" I answered happily.

He nodded, "You go first." Utos niya sa mga kasama. Tumango naman ang sekretarya niya.

Naglakad si Hades sa loob ng shoe store. Sumunod ako rito.

"Bibili ka ng sapatos, Kuya?"

Nakalimutan ko tuloy tawagin si Alyssa pagkapasok namin. Tatawagin ko sana si Alyssa sa labas pero nagsalita ito.

"What's her size?"

Tinawag niya Hades ang saleslady at sinabing kukunin ang sapatos na nasa display. Agad namang tumalima ang nakangiting saleslady.

"Huh?" Naguluhan ako sa tanong niya.

Is he going to buy it for Alyssa. Why?

"Size 9," wala sa sariling sagot ko.

Pag balik ng saleslady ay inabot iyon kay Hades. Saktong size 9 iyon.

"We'll get it," Hinila ako ni Kuya Hades papunta sa may cashier.

"Is it in cash or card, Sir," magalang na tanong ng saleslady.

Inabot lang ni Hades ang black card dito bilang sagot.

Pagkatapos mabayaran ay ibinigay sa akin ni Kuya Hades ang paper bag na naglalaman ng sapatos.

"Give it to her," He patted my head that he never done before and he walked passed by me.

"Kuya?" I'm so clueless, right now!

Is that my cousin? No, he's not!

Hinabol ko siya ng tingin. Nakapamulsang lumabas siya sa store.

May gusto ba siya sa kaibigan ko? Why did he buy this for Alyssa?

Lumabas ako at nagulat nang sumulpot si Alyssa sa harap ko at napatingin sa hawak na paperbag.

"Athena." Oops she's mad.

"No. It wasn't me!" Mabilis na tanggi ko sa iniisip niya. Inabot ko iyon sa kanya. Tumingin siya roon at tumaas ang kilay sa kanya.

"It was, my cousin, Hades. He's being weird you know. I don't know why he bought this, he said it's for you."

***

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height