Her Dauntless Eyes/C17 Kabanata 9.1
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C17 Kabanata 9.1
+ Add to Library

C17 Kabanata 9.1

Helliza's Point of view

(Alyssa)

Halos dalawang oras na rin akong umiikot para mag-serve ng inumin sa mga guests. Eksperto kong binuhat ang tray gamit ang isang kamay pabalik sa counter para mag-refill ng panibago.

Kaninang magsimula ako sa trabaho ay hindi ako nilulubayan ng isang tingin. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino iyon. He was the only one who can give me uneasiness.

But this time, parang may kakaiba. Pagbaling ko sa direksiyon kung saan nakaupo ang lalaking iyon ay lihim akong nagulat. Nandito rin pala si Athena ngayon. Akala ko ay sa ibang party siya dadalo. Ang nakakagulat ay kasama niya pa ang mga pinsan.

Tumango ako sa kanila. Bago ko sila talikuran ay binigyan ko nang huling sulyap si Hades. Nagtama ang mga mata namin. Siya ang kanina pa pinapanuod ang bawat galaw ko.

Bahala na sa mangyayari mamaya.

Tumalikod na lang ako at pumunta sa may counter. Wala namang nakabantay na supervisor sa amin, hindi nila mapapansin kung uupo lang ako rito.

Umupo nga ako sa may stool at pinanuod ang mga bisita sa party na ito.

Maingay, masaya ang lahat. Paano pa kaya kung masira ang party na ito.

It will be fun, right. Tutal wala namang kwenta ang party na 'to. It was just a front.

Hinanap ng mata ko si Hades. Nandoon pa rin sila sa dating puwesto. Malayo ang distansiya sa kanya ng mga kasama. Parang sanay na silang huwag siyang tabihan. Nakakahawa kasi ang maitim na aura na bumabalot dito. Wala nga siyang kausap kun'di ay sarili lang yata. Napansin kong may hinahanap ang mata niya.

Napangisi ako.

Medyo madilim sa bahagi ng counter bar kung nasaan ako. Hindi niya ako makikita sa puwesto ko.

Bigla ay may humarang sa paningin ko. Gusto kong magreklamo ngunit nauna pang magreklamo ang taong nasa harap ko.

"Hoy! hindi ka pinapasweldo para umupo lang d'yan. Isusumbong kita kay Ma'am Hera."

"Ahh..." Akala ko ay ang supervisor na namin ang dumating.

I looked at her, not slightly affected. Napapansin kong madalas siyang mairita sa presensiya ko. Sa lahat ng katrabaho ko ay siya lang ang 'lagi akong pinupuna.

Bakit hindi na lang niya gawin ang gusto niya.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakaupo sa stool. Hindi s'ya ang nagpapasweldo sa akin kaya wala siyang karapatang sitahin ako. Hindi sweldo niya ang mababawasan kun'di sweldo ko.

Aba! Kung naiinggit siya pwede niya akong samahan. Maupo siya sa tabi ko, edi nakaupo kaming dalawa. Tapos!

Sa inis niya ay tinalikuran niya ako. Nang mawala na siya sa paningin ko ay inilabas ko ang cellphone sa bulsa.

I texted someone.

Kumuha ako ng wine sa may tray, pinaikot sa palad 'saka iyon ininom.

Wala pang isang minuto ay namatay ang ilaw sa paligid agad na tumayo pagkatapos. Naglakad ako patungo sa may pinto.

Natigil ang masayang kwentuhan ng mga tao dahil sa pagkawala ng liwanag sa loob.

Nagkagulo sila halos magkanya - kanyang labas ng mga gadgets para magkaroon ng liwanag. Natataranta sila sa pagkawala ng liwanag. Nakakatuwang marinig ang pagkabahala nila sa nangyari parang kanina lang ay wala silang pakialam sa kanilang paligid.

I heard Marco Marquez shouted his bodyguards to see what's going on. Nag-uunahan naman sila para tignan kung ano ang nangyari. Sa loob ng party lang na ito walang ilang.

Bago pa sila mas lalong mataranta ay isa-isang bumalik ang ilaw. Bumukas na rin ang liwanag sa malaking engrandeng chandelier.

This will be a disaster party. It will set as an example, not to attend a gathering arranged by the Marquezes in the future.

Naglakad ako papunta sa labasan.

Seconds past nang magbukas kanina ang ilaw ay isa namang malakas na putok ang sumunod na nangyari parang pagsabog na naglikha ng kakaibang ingay na galing sa malaking chandelier.

Nagsigawan ang mga tao sa loob, mas lalong nagkagulo sa paligid. Nag - uunahan at siksikan pa sa paglabas sa pinto ng hall.

Ang pagkataranta nila kanina ay napalitan ng tilian nang namayani ang isang putok na nagmula sa itaas. Para bang nagbabantang sumabog ang malaking chandelier sa gitna.

Normal lang akong naglakad. Hindi ko na pinansin ang mga taong halos magtutulakan para makalabas, walang pakialam kung makabangga. They were already panicking, I bet this will be in news tomorrow. Stupid rich people walang ibang alam kun'di ang sariling kaligtasan.

Isang ngiti ang dumaan sa aking labi.

Sumabay ako sa mga taong nag - uunahan sa paglabas. Sa wakas ay nasa labas na ako ng hotel. Nagkumpulan pa ang ilang bisita ro'n.

"Aly!" a loud voice called out. I don't need to turn my head to see who's calling me. It's Athena.

Hindi ko siya nilingon. Narinig ko pa ang huling na pagtawag niya sa akin. I don't have time to chitchat now. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Pumunta ako sa pinagparadahan ko ng bisekleta ko.

Sumakay ako sa bike at mabilis na nilisan ang lugar.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang convenience store. Nagutom ako sa nangyari kanina.

Iniwan ko sa labas ng pinto ang bike 'saka pumasok. Kumuha ako ng champorado, packed macaroni salad, tatlong sandwich, hot chocolate, at coke in can. Pinaiinit ko muna ang champorado at pumunta sa counter para bayaran iyon.

Lumabas ako at umupo sa harap ng store at nilagay na sa mesa ang mga pagkain.

Sunod - sunod ang pagsubo ko na parang nasa eating contest. Ilang sandali pa ay may kakaiba akong naramdaman sa paligid. Kanina pa iyon nang bago ako pumasok sa store.

I fished out my phone inside my pocket. I acted like I'm looking something on my phone. I saw a car on my phone's reflection, it's behind me not, too, far where I'm sitting. Damn!

Dogs inside a car again?

Nagkunwari akong hindi ko sila napansin at itinuloy ang naudlot na pagkain. It would be a waste to throw this food. Makapaghihintay naman siguro sila.

Alam kong hindi muna sila gagawa nang anumang hakbang. I know their kind. Pagkatapos kong kumain ay inipon ko ang pinagkainan at inilagay iyon sa trash bin.

Iilan lang ang sasakyan dumaraan dito. Napangiti ako. Dalawang aso ang kailangan kong dispatsahin ngayong gabi.

Kinuha ko ang bike 'saka sumampa ro'n. Ang normal na pagpedal ko sa bike ay mas binilisan ko pa.

Making sure they notice that I know they were following me. Nilingon ko sila sa likod at ngumisi. The person on the passenger seat let out his bald head with his right hand, is a gun. The son of a bitch !

He tried aiming a shot. I crossed the wheels so he won't decide to shoot me. The bald dude is still holding the trigger but he can't aim a good position to shot me.

Nag - isip ako ng plano. Kailangan ko silang tapusin ngayong gabi bago pa nila ipaalam sa amo nila.

Malapit na kami sa U-turn. Sa kabilang road naman ay may isang mabilis na truck. Binilisan ko pa ang pagpedal.

Tinantiya ko ang bawat segundo at agwat ng sitwasyon. Lumagpas ako bago pa ako sagasaan ng humaharurot na truck. I heard the loud screech through my bike wheels when I forcely stop it. Ngunit mas malakas na ingay naman ang nilikhang ng pagkabangga ng sasakyan. Malakas ang impact niyon.

Napasadsad sa isang establishment ang truck kasama na ang kotse. Nayupi ang harap ng kotse. Napansin ko kaninang nawalan ng preno ang driver na truck at tinangkang umiwas sa makakasalubong, pero huli na dahil sumama sa pag-iwas nito ang kotseng sumusunod sa akin. At tanging harap ng kotse lang ang naipit ng malaking truck.

Nasisiguro kong hindi na sila aabot pa sa hospital. How sad.

I didn't kill them, they kill themselves.

I saw the truck driver was alive, expectedly. Bumaba ito mula sa truck hawak ang leeg at umiika pang naglakad palapit sa nabangga. Inilabas ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan.

I left the place, unnoticed. It's not my problem anymore. Ilang sandali, nakasalubong ko ang sasakyan ng mga pulis at ambulansya.

After minutes, I arrived at my apartment. I checked the door If someone tried to get in. It became my habit. I finally open the door and close it.

Kinuha ko ang nakatagong ipad sa ilalim ng kama. Hinack ko ang mga CCTV na maaaring makita ang mukha ko kanina. Limang minuto ay natapos na ako sa ginagawa.

I turned off the lights and went to bed.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height