Her Dauntless Eyes/C19 Kabanata 10
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C19 Kabanata 10
+ Add to Library

C19 Kabanata 10

Helliza's Point of view

(Alyssa)

Pagkatapos nang argumento namin ng matanda ay hindi ko na siya kinausap pa. It was hard to deal with the old man.

Tinanong ko kasi siya kanina kung bakit niya iyon ginawa o sinadya ba talaga niya. Mabuti na lang pala at naroon ang ina ni Hades, kaya hindi kami nakapag-usap ng personal.

The old man didn't give me a convincing answer. It was hard to figure what he is up to. And I've been very extra careful around him sometimes.

Sumama ako sa pansamantalang tinutuluyan ng matanda. Gusto ko siyang kumbinsihin na bumalik sa Hospital. Para naman iyon sa kaligtasan niya, but the old man refused. Naisip kong manatili muna baka sakaling magbago ang isip niya.

"I like that man, Apo," bigla ay basag ng matanda sa katahimikan sa hindi kalakihang sala. Nakatuon ang mata ko sa laptop habang siya ay nagbabasa naman ng newspaper.

Is he gay? Matanda na siya para magladlad. Nagka-apo na't lahat ay ngayon pa niya balak magbulgar. At sino naman kaya ang tinutukoy niya?

Hindi ko na lang siya pinansin, nagbingibingihan.

Ngunit nagsalita na naman siya kaya napatingin ako rito, "Apo. Do you think it's about time."

Nanatili akong walang imik. Bahala siya sa buhay niya hangga't hindi siya sumasama sa akin ay hindi ko siya kakausapin. Itinaas ko ang paa sa kahoy na coffee table. Isinuot ko ang earphone sa kanang tenga, itinutok ang mata sa screen ng laptop.

"Is that yours?" Nosy old man. Pinahiram lang sa akin ni Athena ang laptop na ito. Balak ko kaninang gumagawa ng business proposal sa pribadong kwarto niya sa Hospital dahil may aircon doon pero hindi natuloy. Ngayon ko na sana gagawin, nagbago na ang isip ko nang magsalita siya.

Hindi talaga siya titigil hangga't hindi ko siya kinakausap.

"What do you think?"asar na sabi ko rito.

"Your friend's? You're poor, dear."

"So as you."

"If I have money I won't give you anything."

"Who cares. I own enough," pagyayabang ko naman.

"Like 30,000 thousand pesos on your account?" I never touch that money. It's just a facade.

"Whatever. And she's not my friend."

"Ah. Akala ko ay kaibigan mo ang Demetrius na 'yon," aniya. "You know, Apo, It's not a bad thing to have rich friends. You'll need them in the future,"dagdag pa niya at parang gusto kong mapairap sa sinabi niya.

"Akala ko rin ay hindi na kayo makikialam sa mga desisyon ko."

Alam na alam talaga niya ang mga nangyayari sa buhay ko. Nagsisimula na rin siyang makialam.

"If you don't 'wanna talk about your friend, then let's talk about that young man," he reverse. Naglaban kami ng tingin.

"Lolo. Are you serious? We are not talking about him, but if you insist this conversation again, what have you done to him?" sabi ko, ayaw magpatalo. Naglalaban kami sa salita. Nakita ko ang pagtakas ng ngiti sa labi niya.

Itinupi niya ang newspaper at itinabi, "Apo, are you accusing me. I haven't done anything.."

At parang gusto pang idugtong ang salitang 'yet' sa huling sinabi.

"He's in the hospital because of allergy, Lo. Tell me you didn't do it?"

"Why do you think I did it, Apo. I was in the Hospital ..sleeping."

Okay, I'm done talking to him.

The chances, Hades and I, encounter each other, the more chances he will benefit from it. My Grandfather really knows how to play games.

I refused to be one of his chess pieces.

Maybe he planned this long ago. Lalo na ang unang inkwentro namin ni Hades kung nasa panganib ang buhay ko. Una pa lang ay nagtataka na talaga ako kung paano ako natunton ng mga kalaban at kung paano ako nakita ni Hades sa Santa Clara. Ngayon pa lang ay maliwanag na sa isip ko.

Mahirap talagang hulaan ang tadhana sa planado.

He's a manipulating old man.

I GROANED. Dahan - dahan akong bumangon sa kama. I did some stretching before taking a bath. I prepared my self to school. Uminom lang ako ng isang baso ng maiinit na gatas.

I ride my bike to school. Nang makapasok ako ro'n ay nakatingin na sila sa akin. I ignored the stares their were giving me. I park my bike and locked it.

Inayos ko ang strap ng bag ko at naglakad na sa building namin. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang titig nila.

Lalo na rito sa hallway para silang natutuwa. They look stupid.

Pumasok ako sa room kung nasaan ang klase ko. When I open the door, they automatically turned their heads at me. They were talking with their eyes. Pumasok ako at inilibot ang mata ngunit wala nang available na upuan.

Lumabas ako sa room para humiram ng upuan sa kabilang room. Sumilip muna ako sa katabing room pero halatang wala na ring bakante sa kanila.

I looked at my wrist watch. It's already five minutes before my class starts. I guess I'll skip rather than sit on the floor.

Dumiretso ako sa cafeteria. I order some sphag and coke in can. I waited minutes, finally got my order and look for an available table for me to seat. May bakante na malapit da kumpulan ng studyante. Lumapit ako ro'n at umupo. Sa kabilang side na ako humarap para hindi ko makita ang magulong grupo nila.

Binuksan ko muna ang coke 'n can at uminon doon bago simulan ang pagkain. Pero ang nangyare biglang nabuhusan ng orange juice ang pagkain ko mula sa likod.

"OH MY GOD! I'm sorry. I didn't mean to spill your food with my juice. Natulak kasi ako bigla ng friend ko," sabi ng napakarteng babae sa likod. Unsincere.

Hindi nilingon ang babaeng nagsalita. I was still looking at my food na parang babalik iyon sa dati. Nadismaya ako sa naging itsura ng pagkain ko.

"Are you going to eat that. Mukha ka pa namang walang pera. I can buy you a new one." Nandidiring sabi pa niya. Kung sa kanya ko kaya ipakain ito. Halata namang sinadya niya ang ginawa. At nakakairitang pakinggan ang pagsasalita.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Bumuga ako ng hangin bago tumayo. Kinuha ko ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ko na binuhusan niya ng juice.

"Thanks. But can you do me a favor instead?" I said in a flat tone.

"What?" She's not asking the favor. She's asking what did I say.

"Bring this back to the counter, Dumbass," I said, giving her the 'don't mess upwith me' look

Itinulak ko ang tray sa harap niya, awtomatikong napahawak ang kamay roon dahil sa pagkabigla. Nabasa ang puting uniporme niya.

"Thank you, Bitch" I said in sarcasm. I left them with unexpected face.

I walk and walk until I saw a bench under a tree. I lay myself in the bench. At 'saka ginawang unan ang bag.

Napapadalas na ang pagliban ko sa klase. I hope the professor won't take it againts me. Even If I skip all my class I can always passed without a blink.

I'm a Deans lister which Lolo wants me to. If I skip again, for sure he'll throw things at me. I know he's monitoring my schooling he didn't want me to fail which is impossible.

I looked at the bright sky. I covered my eyes with my arms.

"You mean, yung scholar?" a girl voice said.

"Yup. She told them to destroy her bike." Papalapit ang naulinagan kong boses ng dalawang babae.

"Wow. She really gain the popularity of being a bitch."

Naramdaman ko ang paglagpas nila sa pwesto ko. Napabangon ako. Mabilis akong tumayo kapagkuwan. My fist form into balled.

Nakarating ako sa parking area. Ipinarada ko kanina ang bisekleta malapit sa malaking puno. Mariin akong napapikit sa nasaksihan. Nasa gitna ng parking area ang sirang bisekleta ko. Wala nang hangin ang dalawang gulong ng bike, natanggal din ang rim niyon maging ang break ay humiwalay na.

Bloody f*cking hell!

Lalong dumiin ang kamao ko sa galit.

I breath heavily. I felt the heavy rage in me. I need to let it out. I turned my back. Alam kong namumula na ako sa sobrang galit. I know who's behind this. May ilang dumaraang studyante ang napapatingin sa direksiyon ko. Mukhang alam nila ang nangyayari.

Tinahak ng mga paa patungo sa stock room ng Gym. Kinuha ko ang bagay na kailangan ko at 'saka muling bumalik sa parking.

You want to play. I'll show you what game I 'wanna play.

Nang makarating na ako sa pakay ay ibinaba ko ang baseball bat at hinawakan iyon sa handle. I streched my left hand.

Kumuha muna ako ng malakas na pwersa bago hinampas ang hood ng sasakyan. Umalingaw - ngaw ang warning ng sasakyan. Isinunod ko ang salamin. Paulit - ulit hanggang sa mapagod ako. Kinuha ko sa bulsa ang swift knife at binutas lahat ng gulong ng pink na Aston Martin.

Bloody hell! I smirked in satisfaction.

Pagod na binitiwan ang hawak na baseball bat. Hinawi ko pataas ang buhok na tumakas mula sa nakataling buhok.

Doon naman dumating ang apat na nagmamay - ari ng sasakyan. The were all shock, bagsak ang mga panga sa nasaksihan. Mukhang hindi nila alam kung paano mag-react sa sitwasyon. The Aston Martin is more damage than the three car. Dahil tinanggal ko pa ang dalawang pintuan no'n. I'm strong enought to destroy it. Kahit pa nga nahirapan ako.

Three cried over their cars. Denisse is still standing there, unable to process everything. Let's give her a minute to process what happen. Hindi nga nila ako napansin na nakatayo sa malapit.

"Who fucking did this to my car!!" she shouted on the top of her lungs.

Kulang na lang magliparan ang mga ibon. Kung gubat nga ito.

"I did," I looked at her. And she have the guts to asked. She didn't know what she did. All I wanted to do is struggle her to death until I see her plead me to stop.

She turned her head to were I'm standing, six meters apart. I was able to give her my dangerous look. Umatras siya ng isang hakbang nang magtama ang aming mata. I wanted to use the baseball bat to her but I thought it would be useless. May ibang paraan para maibsan ang galit na nararamdaman ko sa ginawa nila.

They destroyed my most valuable thing. Hindi ko palalagpasan iyon.

"You!" Makikita sa mga mata niya ang galit nang makita ako. Ngunit hindi matatawaran ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ilang sandali ay pinatawag kami sa opisina ng Head school.

Lumabas ako ng Head's office with a mix of satisfaction and anger. Maybe those bitch didn't expect I could get out easily. Naiwan ang mga ito sa loob ng opisina.

Hindi pa ako nakakalayo sa opisina ay bigla namang sumulpot si Zeus sa tabi ko.

"Anong ginawa mo sa Head's office?" tanong agad niya.

Marahil nakita niya ang paglabas ko ro'n. Mukhang hindi pa niya alam ang nangyari.

"Mind your own business," wala sa mood na sagot ko.

"Hey! You're so rude!" I rolled my eyes with his reaction. Balak niya akong akbayan pero mabilis kong tinapik ang kamay niya.

"Pumunta ka sa school parking," utos ko sa kanya, "Naroon ang bisikleta ko, they destroyed it. Restore my bike, Z!" tinapik ko siya sa balikat bago tinalikuran.

"What! Who the hell did it?" habol niya.

"No more questions, just go and fix it, Z. And I'm 1 week suspended by the way. Ciao!" paalam ko.

"The Hell! Hell, what did you do this time!" I just waved without looking.

***

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height