Her Dauntless Eyes/C20 Kabanata 11
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C20 Kabanata 11
+ Add to Library

C20 Kabanata 11

ISANG galit na hindi katandaang lalaki ang pumasok sa pribadong opisina ng abogadong si Arthur Lucio. Nagulat ang abogado dahil sa walang babala nitong binuksan ng pinto ng opisina nito.

Tinignan ng abogado ang taong walang respeto na pumasok sa opisina nito.

"Mr. Marquez, you should knock before you go inside someone's office. Not just barge in like you own the place," ani ng abogado sa lalaki.

"You don't have the right to talk to me like that!" matapang sa sagot nito sa abogado.

Alam ng abogado kung ano ang rason kung bakit ito naririto ngayon sa harap nito.

"Just tell me why your here, Mr. Marquez," pinanatili ng abogado ang pagiging mahinahon nito.

"Matapang ka pa rin, Arthur. Nakakalimutan mo ata'ng kaya kitang paalisin sa posisyon mo ngayon. Don't forget I'm still the CEO here. I can fire you any time I want," may babala pang binitawan.

Palihim na umangat ang sulok ng labi ng abogado dahil sa sinabi ng kaharap.

Hindi nakaramdam ng kahit na anong takot ang abogado. Nanatili itong nakatingin sa unwanted visitor.

"I told you to sue that kid who damages my daughter's car. I bought the car and it cost me millions. I'm paying you to do your job, Attorney," malakas pa nitong hinampas ang lamesa ng abogado.

Mukhang lumaki na ang ulo ng tumatayong CEO.

Ito 'ata ang nakakalimot na pera ng mga Mallari ang ginagamit nito. Lalo na ang sinasabi nitong pinapasweldo sa matandang abogado. Inaangkin nito ang bagay na wala naman kahit isa siyang karapatan.

Nais umiling ni Arthur Lucio sa kanyang narinig.

"Hindi mo ako pinapasweldo, Mr. Marquez. Ang pinapautos mo ay lagpas na sa trabaho ko. Lawyer ako ng Company at hindi ng mga Marquez. Tandaan mo iyan," may diin ang bawat salitang binitiwan. Si Marco Marquez ay nanatiling galit at masama ang tingin sa abogado.

"Abogado ka lang ni Papa. Wala na sila kaya ibig sabihin nasa akin na rin ang kapangyarihan para bigyan ka ng kahit anong utos Arthur," matapang pa itong sumagot.

Animo may karapatan pang tawaging Papa si Don Apollo. Nais palakpakan ng abogado ang lalaki.

Hindi akalain ng abogado na maiiwan sa pamamahala ng kompanya sa ampon ni Doña Esmeralda. Hindi lubos maisip ng abogado kung anong iniisip ng Don noong panahong iyon.

Nang mawala si Don Apollo ay binuksan nito ang envelop na naglalaman ng lastwill and testament nito sa harap ng tatlong Marquez. Nasa mukha nila noon ang kaba at tuwa. Kaba na baka wala silang kahit na makuha ni kusing sa namayapang Don at saya dahil maaangkin nila ang inaasam na yaman at kapangyarihan.

Legal ang document hawak nito noon. Dahil ang abogado mismo ang nag file niyon.

Maiiwan sa pamamahala ng kompanya kay Marco Marquez. Si Arthur Lucio bilang company Lawyer at Family Lawyer ng Mallari ay mananatili sa kompanya hanggang nabubuhay ito at hindi maaring mapatalsik ng sino man sa loob ng kompanya. Si Arthur Lucio ang pipirma at aaproba sa lahat ng transaksyon ng CEO ng kompanya.

Maaari rin itong magdesisyon para sa ikakaayos ng kompanya. Ang asawa at anak ni Marco ay walang makukuha kahit singko maliban sa sariling pera ni Marco Marquez. Ang pamilya ay hindi maaaring tumira sa Mansion ng mga Mallari.

Maaari silang tumira sa pag-aari ng mga Mallari sa isang pribadong subdibisyon. Ang ibang ari-arian at kita ng kompanya ay mapupunta sa isang charity foundation.

Matindi ang reaksyon noon ng asawa ni Mr. Marquez. Animo malaki ang karapatan sa kayamanan ng Mallari dahil nagpa - party pa ito noon sa loob ng Mansyon ng Mallari bago mabasa ang Last will ng yumaong matanda.

Pinagpilitan pa nito noon na sa mansiyon tumira ngunit sinabi ng abogado na kapag hindi sinunod ang lahat ng habilin ay mawawalan ng karapatan si Marco bilang appointed CEO. Kaya wala silang nagawa upang ipagpilitan pa iyon. Nais pa nilang dalhin ang isang paboritong sasakyan ng Don na Volkswagen.

Hindi makikita sa kanila ang pagluluksa kun'di saya sa pagkawala ng mabait na Don. Kung naririto lamang ito sa loob ng opisina ng abogado ay matatawa ito sa ampon ng kanyang yumaong asawa na si Dońa Esmeralda. Kahit anong nais noon ng Dońa ay sinusunod naman ni Don Apollo. Pero maliban ang tuluyang legal na pag-ampon kay Marco dahil nakikita ng Don na balang araw ay tutubuan ito ng sungay na nagkatotoo nga.

'Yon ang nais tanungin ng Abogado kay Don Apollo noon. Bakit nito ipinagkatiwala kay Marco Marquez ang pamamahala ng kompanya. Maaaring ayaw nitong ma-dissolve ang mga ari-arian nito dahil walang magmamana. Iyon lamang ang rason na naiisip niya.

Pero tanging ang abogado lang ang nakakaalam na hindi lahat ay hawak nito. May ibang negosyo pa ang Mallari na hawak ni Arthuro at ang anak nito ang namamahala niyon. Bilin iyon ng yumaong Don sa kanyang last will. Hindi nito iyon binasa sa harap ng mga Marquez.

Nawala sa malalim na pag-iisip nang muling magsalita ang kaharap.

"You listen to me sue that poor bitch who cause my daughter a shame!"

A shame?

Ang pagkakaalam ng abogado ay ang anak nito mismo ang gumawa ng kahihiyan. Sinira ang isang mahalagang bagay ng isang mag-aaral. At gumanti lang ito sa paraang alam nito. May karapatan ang batang iyon para sirain ang sasakyan ng anak nito.

"Hire someone, Marco. I'm busy than you are, nakakaya mong pagtuunan ang isang maliit na bagay pero hindi ang nawawalang pera sa kompanya."

Animo may ipinahihiwatig ang abogado sa kausap.

Ikinatigil naman iyon ng lalaki. Iniisip kung nalaman ba ng abogado kung saan napunta ang perang nawawala.

Hindi maipagkakaila kay Arthur ang mga nawawalang pera sa kompanya. Alam niyang si Marco Marquez mismo ang namemeke ng dokumento para makapagnakaw ng malaking halaga iyon ang mga ginagamit ng asawa't anak nito sa kanilang luho. Para itong batang magaling pumuslit sa mga kalokohan pero madaling mahuli. Hinahayaan niya ang mga ginagawa nito dahil may dahilan. Malalaman pa rin ng abogado dahil siya lang lahat ang aaproba sa mga transakyon. Hindi din naman kalakihan ang sweldong nakukuha nito lalo na ang pagbili ng isang mahal na sasakyan sa ibang bansa.

Arthur Lucio is not a lawyer for nothing. He knew Marco Marquez's every move. Marco even hired some employee in the finance, HR, accounting department. But you can fool a dog but not the Lawyer.

"Anong ibig mong sabibin Arthur. Na ako mismo ang nagnakaw sa nawawalang pera sa kompanya ng papa!"

Ang galit nito ay lalong tumindi dahil sound proof ang opisina ay nag echo pa ang malakas na sigaw nito sa loob.

Siya na rin mismo ang umamin sa harap ng abogado. Nahuhuli talaga ang mga daga hindi ka pa nagsisimula ay lumalabas na at kumakagat sa pain na para sa kanya.

"Wala akong ibig sabihin doon, Marco. Lumabas ka na kung wala ka nang nais sabibin pa," Pagtatapos ng abogado sa galit pa 'ding kaharap.

Tumalikod naman ito at walang paalam na lumabas.

Doon na umiling ang abogado. Inayos ang suot na salamin sa mata. Tinignan ang documents na kailangan nitong basahin bago aprubahan. Uminom ito ng tubig mula sa dalang bottled water.

Hindi ito maaaring magpakuha o magpabili ng kahit na inumin o pagkain sa kung sino sa loob ng kompanya. Iyon ay para sa kaligtasan nito. Kahit na nakalagay sa last will na oras na mamataya nag abogado ay ma-didisolve ang kompanya.

Alam ng abogado na para sa kaligtasan nito iyon dahil maaaring pagtangkaan ang buhay nito dahil nasa kanya pa rin ang desisyon sa lahat na hindi alam ng karamihan. Pero kailangan pa rin nitong mag-ingat sa kung anuman ang pwedeng mangyari.

Umalingawngaw ang tunog ng cellphone nito. Agad nitong sinagot ang tawag na hindi kilalang numero.

Hindi pa man nakakapagsalita ang abogado kung sino iyon ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.

"Attorney Arthur Lucio. I need you to do something for me."

Nang mabosesan nito ang nasa kabilang linya ay nakilala agad nito kung sino ang tumawag sa kanya.

Tumungo naman si Arthur Lucio na parang nakikita iyon ng kausap.

"What is it?"

"Oh.. the usual, Attorney, but please make it worst. Block it all until they beg," ramdam nang abogado ang galit ng nasa kabilang linya. Naiintindihan niya ito.

"I understand. Is there anything else?" He asked the person on the other line.

"Yes. Do it now. I'm giving you thirty to settle it all." The person demanded.

"Sure. Expect it in a minutes" Tumango ito sa kausap sa kabilang linya.

Pinatay ng nasa kabilang linya ang tawag. Ibinaba na ng abogado ang cellphone sa mesa. Inayos ang ilang papeles sa harap at tinago naman ang mga confidential na dokumento na maaaring kunin ng iba nilagay niya iyon sa safety box sa likod ng maliit na drawer na pwede pangtakip upang hindi makita ng iba.

Bumalik ito sa pagkakaupo at tinawagan ang tutulong sa kanya upang mapabilis ang lahat. Tinawagan din ng abogado ang anak na lalaki para maisagawa ang lahat.

SAMANTALA sa kabilang panig. Masaya si Denisse Marquez kasama ng tatlong kaibigan. Nasa Mall sila at kasalukuyang nag-shoshopping. Iniisip ng apat na babae na masaya pala ang isang linggong suspension. Makakapag party sila sa bar magdamag, magshoshopping at pwede rin silang pumunta sa ibang bansa.

Iyon ang plano ng apat. Bukas ay lilipad sila ng Barcelona para mamasyal at mag party roon. Naka-book na rin sila ticket.

Boluntaryo naman si Denissesa paggastos ng lahat, kaya natuwa ang tatlong kaibigan. Siya rin ang nagbayad ng pinamiling gamit kanina.

Gusto pang ipagyabang ng babae ang pera nito at niyaya pa ang tatlo sa ibang branded na store. Hawak ang tag-isang shopping bag ay pumasok ang apat sa isang clothing store ito ang pinaka branded na clothes store na pinasukan nila. Animo naghugis puso ang mata ng tatlong kasama ni Denisse. Proud pa ang babae nang pumasok ito.

Lumapit sa kanila ang apat 'ding saleslady ro'n upang iassist ang bawat isa. Hindi tumigil ang tatlo lalo na si Dennise sa pagdampot ng mga damit sa mga nakasabit doon. Hindi alintana ang bawat presyo ng hinahawakan. Halata ang pagkabigat sa mukha ng mga saleslady sa kanilang hawak. Halos matakpan ang kanilang mukha.

Hanggang sa anim na ang umaalalay sa kanilang saleslady. Nagkakatinginan pa ang mga ito at pareho ang mga nasa isip. Napakayaman siguro ng dumating na customer nila ngayon. Nasiyahan naman sila dahil tataas ang kanilang sales kaysa sa iba pang branch ng kanilang store. Kaya pinagbuti ng mga ito sa pagsunod sa apat na customer at hindi alintana ang bigat ng mga hawak.

Napagod na ang apat at kanya-kanyang upo sila sa couch na para sa mga customer.

The saleslady who assisted them went to the counter. Tino-total naman ang kabuuan ng mga damit na pinagdadampot.

Nagstanong naman ang cashier. Tinanong kung cash ba o card.

"Of course, it's card," pagtataray naman ni Denisse. Humingi ng paumanhin ang kahera at ngumiti sabay kuha sa pabalang na pag - abot dito ng gold card.

She swiped the card but it get declined. Inulit uli nito pero pareho ang kinalabasan.

Humingi uli ng paumanhin,"I'm sorry, Ma'am. Na-declined po ang card niyo. Do you have any other cards with you that we could use?" Propesyonal pa rin ang kahera. Sayang naman ang pagod ng kasama sa pagbububat kung hindi iyon mababayaran.

"What! Oh god, we just used that an hour ago and your telling me it was declined." Ang mahinahong tanong ng cashier ay nakakuha ng pasigaw na sagot mula kay Denisse.

Si Denisse Marquez naman ay hindi makapaniwala. Alam niyang may limit iyon hindi katulad ng Black card dahil wala siya no'n pero imposibleng magdecline ang card dahil ngayon nito ulit ginamit iyon.

Parang kinabahan naman ang tatlong kasama. Baka sila ang magbayad ng mga iyin. Kahit mayaman din sila ay hindi pa rin nila kayang bayaran ang bawat kinuha mataas ang presyo ng mga iyon. Nakita rin nila kung magkano ang total ng damit na kinuha nila.

Naglabas ng dalawa pang card si Denisse. Nagpasalamat ang Cashier at sinubukan iyon. Pero sa kasamaang palad pareho ang kinalabasan.

"Pasensiya na po, Ma'am. But I suggest you to call your card company. Lahat po ay decline sa system namin," pagpapaliwanag nito.

"I can't believe this! Are you telling me to call them. I told you I just used this a while ago. How come it was declined! Something is wrong with your system! Call your manager now!" Sumigaw ito.

Kinakabahan si Denisse naisip nitong hindi siya pwedeng mapahiya sa mga kaibigan. Lalo na't marami silang nakuha.1

May ilang customer ang napapalingon sa komosiyon. Nakakahiya na lalabas sila sa store na iyon na walang kahit na anong dala.

Bigla dumating ang store manager. Ito ang na nag - asikaso sa galit na babae. Humingi ng paumanhin at boluntaryo itong uulitin na lang daw ang pag-swipe sa card nito.

Ngunit tulad sa una decline pa rin ang lumabas.

"You are all stupid. There is something wrong with your system." Dinuro pa ang manager at nagbanta na tatangalin sila lahat sa kanilang trabaho.

"We apologize for the inconvenience, Ma'am." Mahinahon ang manager pinipigil na mainis kay Denisse. Mukhang nagpapalusot lang ito dahil walang pambayad.

Inulit nito ang sinabi ng cashier kay Denisse na tawagan nito ang card company nito para tignan ang problema baka nga nasa limit na iyon.

Pero iba ang tinawagan ni Denisse kun'di ang ina nito.

Nasagot iyon ng ina nito.

"Mom. Where are you? I'm in a trouble..." naputol pa ang ibang sasabihin nito nang magsalita ang ina sa kabilang linya.

"Denisse. Not now. I have a huge problem right now. My cards got declined and my business partner run away with my money that supposed for our business!" Parang naiiyak ang ang ina ni Denisse.

Nawala ito sa kabilang linya. Wala itong magawa kun'di tawagan naman ang ama para humingi ng tulong. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ni Denisse. Ayaw nitong mapahiya sa tatlong kasama at sa mga tao pang nakasaksi sa nangyari. Baka may makakilala rito at mag-headline pa siya sa dyaryo bukas.

Sinubukan ulit tawagan ang ina pero unattented na ito ngayon. Akmang ibabato ang hawak na cellphone ng tumunog iyon. May kaunting pag-asa sa mukha nito. Pero taliwas ay isang email lang ang natanggap nito na cancel ang kanilang na ibook na ticket bukas dahil fully booked na ang flight.

Inip naman na naghintay ang manager doon. Habang nasa gilid pa rin si Denisse at hawak ang pinanggigigilan nitong cellphone.

***

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height