Her Dauntless Eyes/C21 Kabanata 12
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C21 Kabanata 12
+ Add to Library

C21 Kabanata 12

Athena Demetruis's Point of view

NAGTATAKA ako kung bakit hindi ko makontak si Alyssa. Kanina pagpasok ko sa Unibersidad ay agad ko siyang hinanap ngunit kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.

Hindi ko rin ako makakuha ng tiyempo para magtanong sa mga ka-block niya dahil parehong abala ang mga ito sa pinag-uusapan. Actually, all of them are busy whispering and talking about something.

May nangyari kaya kahapon na hindi ko alam? Wala naman kasi akong klase kahapon.

Dumaan ako sa Belle Restaurant pagkatapos ng klase ko. Nalaman ko na lang na nag-resign na pala si Alyssa last week. Hindi niya iyon nabanggit sa akin.

Pauwi na ako ngayon habang laman pa rin ng isip si Alyssa. Saan naman kaya siya nagpunta, kung mawawala naman siya ay nag-rereply naman siya sa mga texto tawag ko. What if I go to her place?

Great idea.

Napangiti ako sa naisip.

Natigil lang ako nang maalalang hindi ko nga pala alam ang address ng apartment niya.

An idea came up and called Cage. Siya ang nagpa-imbestiga kay Alyssa malamang na alam niya ang address ng kaibigan. Hmm.. I'm so brilliant!

His phone just keep ringing for the fourth time. So, I decided to go to his office myself. Sinabi ko sa taxi driver na ihatid na lang ako sa Demetrius SIA Building.

Nang makarating kami ay nagbayad ako agad at lumabas. Tiningala ko ang building.

DEMETRIUS SECURITY AND INVESTIGATION AGENCY

Naglakad ako papasok ng entrance ng SIA.

Pinapasok ako agad ng security nang hindi na veverify ang identity ko dahil kilala na ako rito. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor number. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin ang reception. Nakita ko agad ang sekretarya ni Kuya Cage.

Lumapit ako rito. Napansin naman niya ako at nakilala. Agad siyang tumayo at binati ako.

I smiled then asks her,"Hi. Nandito ba si Kuya Eros?"

"Yes, Ma'am. Nasa loob po si Sir Eros pero may kasama po siya, may meeting po 'ata. Ipapaalam ko lang po na narito kayo." Iaangat na sana niya ang telepono nang pigilan ko siya.

"No need. Sino ang kasama niya?"

Narinig ko ang tunog nang pagbukas ng elevator mula sa likod pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"With your -" naputol ang sasabihin sana niya, when someone interrupted from behind.

"Hi, Lorie. Is Cage inside?"

Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino ang nagsalita. Pero alam ko sa boses pa lang niya kung sino siya.

I cleared my throat to get Lorie's attention. Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay natulala na sa bagong dating. Gusto ko tuloy mapairap sa inis.

Bumalik naman ang atensiyon niya sa akin.

"Ah.. his with your cousin's, Ma'am," sa wakas ay sagot niya sa tanong ko.

Umirap ako sa hangin at bigla ko siyang tinalikuran. Tumingin na naman kasi siya sa taong nasa likuran ko.

Dumiretso na ako sa opisina ni Cage pero may naramdaman akong nakasunod sa likod ko. Huminto ako sa harap ng pinto ng opisina ni Cage.

Kumatok muna ako bago dahan - dahang binuksan 'yon. Pagkabukas apat na pares ng mata ang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at pumasok na nang tuluyan.

"Burn. Himala 'ata at sabay pa kayong pumunta rito," komento ni Regal na may kakaibang ngiti. Nagkunwari akong walang narinig.

Pinanindigan ko ang hindi paglingon kay Zeus na nasa likod ko lang. Alam kong siya ang nakasunod sa akin kanina.

"Athena. What brings you here?" Cage asks.

Did I disturb their meeting? Pinag-isipan ko muna kung sasabihin ang pakay.

"Sorry, Kuya Cage, but I can't contact you that's why I decided to come here."

"It's fine. What is it?" he simply said.

"Do you still have the file of Alyssa? I need to see her address."

"She's your friend but you didn't know her address," Achylles commented.

Lumapit muna ako sa kanila. Gano'n din si Zeus at umupo sa tabi nina Regal sa pahabang sofa. Himala na hindi niya ako kinausap o inasar habang nakasunod pa sa akin papasok dito kanina. Ako naman ay umupo rin sa tabi naman ni Cage.

I stick my tongue out to Achylles. He laugh in return.

"Why?" Cage asked.

"I can't reach her. Nagresign na rin siya sa BRC. Baka kasi may nangyari sa kanya or she's sick. I'm a little worried," sabi ko na lang.

"She's fine."

Nagsalubong ang kilay ko at bumaling kay Zeus na nagsalita. He had the guts to interrupt me. Bago ko pa siya barahin ay nagsalita na siya ulit.

"She's suspended. A week suspended actually."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"What! Why didn't you tell me, you freak!" nag-react agad ako sa nasabi niya.

"Whoa! Hold on there, vixen. You didn't tell me to report her every move to you. Pero kung gusto mo 'lagi kitang tatawagan para ipaalam sayo kung nasaan siya," bumalik ang pagkapilyo ng mukha niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mas lalo akong nag-alala sa sinabi niyang suspended ang kaibigan ko. May nangyari nga talaga kahapon.

"Bakit siya na suspend," singit ni

Regal.

"That's why I'm here for, Regal. I need your help. She smashed four of the expensive cars in the university and one of them is an Aston Martin, Denisse Marquez's car. She ended up being suspended for a week. Mabuti na lang at iyon lang ang ipinataw na parusa sa kanya. The funny thing is, those girls wanted to sue her."

Napahilot pa si Zeus sa sentido habang naglilitanya. Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

"Whoa. Your friend is a badass," Achylles reacted.

Parang sumakit na rin ang ulo ko sa narinig. The car cost millions tapos may tatlo pa. Tao naman dati ang pini-physical ni Alyssa. Ngunit hindi gaganti ang kaibigan kung wala silang ginawa rito.

Teka di'ba dapat pinaalis na siya bakit suspension? May kinalaman kaya si Zeus? Lalo na't alam kong hindi palalagpasin ni Denisse ang nangyari sa kotse niya.

"What really happen?" Dapat mahinahon tayo kapag magtanong kay Zues. Baka bugahan ko pa siya ng apoy kapag sa iba na naman napunta ang usapan.

Tahimik naman ang apat. Parang kami pa ni Zues ang umabala sa nagaganap na meeting nila kanina. Aba nagdala pa ako ng tsismis dito.

Napatingin ako kay Hades na matiim ang tingin sa sahig na halatang nakikinig. I heard he was hospitalize. Dahil nagkalagnat daw siya at nagpilit lumabas ng hospital. Okay na siguro siya.

Bumalik ang tingin ko kay Zues nang magsalita na ito.

"They destroyed her bike. And it's in my garage now and trying to fix it."

Ganoon ba kalala ang nangyari sa bisekleta ng kaibigan?

Alam kong ingat na ingat si Alyssa sa bisekleta niya. Maliban sa obsession niya sa sapatos, ang bisekleta talaga niya pinakaiingatan niya sa lahat.

"It's just a bike," Cage said.

"That bike was her father's. She value it like her own life."

Parang may kumirot na kung ano sa dibdib ko. So, kaya pala gano'n na lang niya ingatan iyon. May malalim na dahilan pala.

He turned his head to Miguel

"Regal, you're a Mechanical Engineer right. Can you restore it?"

"No. I'm a businessman, bud."

"Don't worry. I'll pay you."

"I only fix cars,my friend, pero dahil makulit ka. Give me one of exclusive condo in ZTower," pagba-bargain niya kay Zeus. Matagal nang gusto ni Regal ang bumili ng condominium sa ZTower na pag-aari ni Zeus pero okupado na lahat.

"Deal," walang pagdadalawang isip na sang-ayon agad niya. "I have two condo's, I'll give you the one with nicest view, if you successfully restore it."

"Don't underestimate my brilliance, Zenith. And it's a deal!" masayang sabi niya.

Tinignan ko si Zeus. Why is he willing to help Alyssa? As far as I know nagkakilala lang sila dahil sa akin. At mukhang mas kilala pa niya si Alyssa kaysa sa akin.

"Do you like Alyssa?" Before I realized what I just said, huli na para magsisi pa.

Iyon lang naman ang naisip ko kaya niya tinutulungan ang kaibigan.

"Why, why, my sweet vixen. Are you jealous?" isang pilyong ngiti na naman ang lumabas sa labi niya.

Sabi ko na hindi ko na dapat sinabi iyon. Lumalaki talaga ang ulo niya.

I glared at him.

"To answer your question. No, I consider Alyssa as my friend. I just wanna' help her coz' uhh.. she looked upset ..yeah she looked upset yesterday," paliwanag pa niya. Since when did they became friends. At ewan ko pa pero mukhang nagpapalusot lang siya. He even stuttered on his last sentence.

"Do you know where she is?"

"Nope," mabilis na sagot niya. Why do I have this feeling that he knew where Alyssa is.

Natahimik na ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Here." Iniabot sa akin ni Cage ang isang maliit na piraso ng papel. "That's her apartment's address."

Kinuha ko agad ang papel sa kanya. Tinignan ko iyon hindi naman malayo rito ang apartment niya.

"Huwag ka ng tumuloy. She's not there," ani Zeus.

Alam niya kung nasaan ang kaibigan ko. Hinawakan ko ng maghigpit ang shoulder bag. Tumayo naman siya bigla parang alam niyang masasaktan siya sa'kin.

Nagtago pa sa likod ng sofa kung saan nakaupo si Hades. Napaka - isip bata.

"Hey! I'll sue for physical injury!"

"Shut up. Sabihin mo sa akin kung nasaan talaga siya, freak!"

"The're starting again."

"Sige. I'll tell you were she is if you go out with me," he smirked. Mas lalo akong nanggigil sa sinabi niya. Pinagtri - tripan na naman niya ako. Para sa kanya biro lang ang mga gano'ng bagay.

"The hell! Zenith is that your way of asking a girl," dismayadong sabi ni Achylles.

"I'm just kidding. She's not my type."

Natigilan naman ako nang sumagi sa isip ko ang isang ala-ala na kapareho sa sinabi niya.

"Aww. You hurt her bigtime, Zenith," ani Regal nang.makitang natigilan ako.

I got up from my seat and walk out.

"Oh shit! Zenith, lagot ka!"

Kasabay nang pagdaing ni Zeus sa sakit.

"Damn you, Zachary" Cage said. Mas lalo kong narinig ang pagdaing niya. Lumabas na ako sa may pinto.

Diretso ang lakad papunta sa elevator.

No. I'm not. No.

Nagtatalo ang isip ko at hindi ko napansin ang pagpasok ng isang tao sa elevator.

Isang kalokohan kapag naramdaman ko pa iyon. Matagal ko na iyong kinalimutan at binura sa isip.

"Aherm."

Pero sa ngayon kailangan ko munang puntahan si Alyssa. Alam ko namang ayos lang siya. Gusto ko lang siyang makita nag - aalala pa rin ako. Bumukas ang pinto ng elevator. Agad akong lumabas doon. Tanging tunog lang nang heels ko ang naririnig sa hallway.

"Athena, wait."

"Athena, hey." Naramdaman ko ang pagsunod niya.

Papunta na sana ako sa parking pero naalala ko nag-commute lang pala ako papunta rito. Paano ko siya iiwasan ngayon.

Pumara ako ng taxi pero ni isa walang huminto. Napakamalas ng araw para sa napakagandang tulad ko.

"Hey, vixen. Galit ka'ba."

Gusto ko tuloy siyang harapin tapos sigawan.

Naglakad na lang ako sa kabilang direksyon. Bahala kung saan ako dalhin ng paa ko basta tumigil lang siya sa pagsunod niya sa akin.

"Hindi talaga kita type, Athena. Kasi type na type kita" Ano raw?

Hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Sobrang hina kasi akala mo naman maririnig ko hanggang dito. Napahinto pa naman ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala pa rin akong makitang taxi. Ano ba naman to'.

Binanggit pa talaga niya 'yon. Kaya mas lalo na akong nainis. Pero napatigil ako dahil may biglang humablot sa braso ko at pinaharap bigla. Automatic naman na napahawak ako sa isang braso niya para hindi matumba.

Naka-heels ako kaya kumirot ang kanang paa sa ginawa niya. Bumadha iyon sa mukha ko.

"Ano ba!" sinubukan kong kumawala sa kanya. Nahulog tuloy yung bag ko.

"Sorry. Ikaw kasi ayaw mo akong kausapin."

Sinisi pa ako!

Hawak pa rin ang isang kamay ko ay lumuhod siya sa harap ko. Natigilan naman ako sa ginawa niya. Namula pa ako kasi may mga dumaraan at napapatingin pa sa amin. Lalo na yung mga customer sa loob ng Coffee shop. Nasa harap pa kami mismo ng glass window.

May naglabas pa ng cellphone nila para kunan kami akala siguro nila magpo-propose to'ng asungot na to'.

Nakakahiya talaga siya!

Naramdaman ko ang isang kamay niya sa paa kung saan kumirot. Maingat ang paghilot niya ro'n. Kahit ang totoo panandalian lang iyon. Inilayo ko ang paa sa kamay niya.

"Tumayo ka nga! Papansin ka talaga. Nakatingin na sila sa atin," pagalit na sabi ko dito. Tinatanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Sumunod naman siya at humarap uli sa akin. Hawak na niya ang nahulog kanina na shoulder bag ko isinuot niya iyon sa balikat. Napairap na lang ako sa inis.

Hinila niya ako pabalik sa dinaanan namin.

This moron! Nakahiligan na niya ang paghila sa akin!

"Let me go, Zach!" Damn. I just called him Zach!

Nakakainis, mukha tuloy kaming may LQ sa daan kahit wala naman kaming relasyon. Eww.

Hindi siya nakinig at tuloy pa rin ang paghila niya sa akin.

"Ihahatid na kita." Papunta siguro kami kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Ayoko'ng sumakay sa kotse niya. Ayoko'ng tumabi sa mga pangit!

"Bitaw. Pupuntahan ko si Alyssa," pagpipilit ko.

"Sige. Ako na maghahatid sayo ro'n."

"No. Kaya kong mag-isa. Lumayo ka sa akin na alibadbaran ako sayo," I shouted. Wala na akong pakialam kung pagtinginan kami

.

He sighed heavily.

"Nasa akin itong bag mo. Wala kang pamasahe papunta roon. Bahala ka."

NAPAKA talaga niya! Sinutok - suntok ko siya mula sa likod niya. Dahil nilayo pa ang bag ko sa akin nang tangkain kong kunin sa kamay niya.

Tumawa siya na parang nasisiyahan. Ang sakit na ng kamao ko. Ang tigas naman kasi ng likod niya eh. Lumayo siya pero sumunod ako para kunin ang bag ko.

Sumikip ang dibdib ko.

I stop and he stopped, too. Nagtaka siguro kung bakit tumigil ako. I act like I was about to cry.

Bahala na.

Napaupo ako roon at yumuko. Isinubsob ko ang mukha sa dalawang tuhod.

"Shit! Athena. Ano ka ba naka-skirt ka lang!" Sigaw pa niya. May gana pa siyang magalit pagkatapos niya akong asarin.

"Can you hold this."

Ako ba kausap niya?

Hindi ko nakita kung anong ginagawa niya. Umalis na kaya siya.

Sisilipin ko sana pero may telang humarang sa harap ko tinakpan niya ang tuhod ko. Umangat ang mukha ko.

Nakaluhod pala siya sa harap ko habang inaayos ang jacket sa may tuhod ko.

Napakurap ako. Isang metro na lang ang layo ng mukha namin.

"I'm sorry. Nagbibiro lang ako kanina. Sorry.. hmm."

Bakit ang sincere pakinggan no'n. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Sampalin ko kaya siya baka bumalil ang pagkademonyo niya?

Pinunsan niya ang luha sa magkabilang pisngi ko.

Luha! Umiyak ba talaga ako? Umaarte lang ako kanina bakit may luha na!

Tumawa ako sa isip ko. Ang galing ko pala.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. Nahulog ang itim na tela na itinakip niya sa akin. Jacket pala niya iyon. Kinuha niya iyon at sinuot ulit.

Hinawakan ang kamay ko at kinuha ang bag sa babaeng nakatayo sa isang tabi. Nagtaka ako kung bakit nasa kanya yung bag ko. Ipinahawak niya pala iyon.

"Thank you, Miss," ani Zeus. Isinuot uli niya ang bag ko sa balikat niya.

Ngumiti naman iyong babae sa kanya.

"Your welcome, Zachary."

Aba't kilala pa niya si Zues! Iba talaga ang mga demonyo. Hmpf!

" Your welcome, Zachary, " I mimicked. Napatingin si Zues sa akin. Sumimangot ako.

"Thanks, again. We're going, gutom na kasi 'tong girlfriend ko," palusot pa niya sa babae. Di' man lang ako tinapunan ng kahit isang tingin. Kay Zues lang talaga nakatutok ang mata. Umirap ako.

Nakabusangot pa rin ang mukha ko nang humarap uli siya sa akin.

I rolled my eyes.

"Athena," agaw pansin niya parang may gusto pa siyang sabihin pero hinala na lang ako. "Halika na ihahatid na kita sa bahay niyo. Trust me wala ro'n si Alyssa."

Nagpahila na lang ako rito.

***

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height