Her Dauntless Eyes/C23 Kabanata 14
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C23 Kabanata 14
+ Add to Library

C23 Kabanata 14

Athena Demetrius's Point of view

NASA library kami ngayon si Alyssa. Gumagawa siya ng proposal, while I'm reading my notes. Our Midterm Exam is tomorrow and I need to review our past discussions.

I looked at her beside me. She's typing nonstop without even looking at her reference or anything. It was like she already knew what to type next. I pouted.

I'm envious of her. I wish I have a brain like hers. She can memorize or remember anything even the slightest thing in every details. She's that smart.

I slip my handouts to the next page. I read every word of it trying to put it inside my head, but something is bothering me.

I looked at Alyssa again. I was waiting for the right timing to ask her, but I don't have the courage to do so. I chewed my lips.

I tried to read again. Napatigil lang ako nang magsalita siya sa tabi ko.

"Ask away?" she said without stopping what she's doing infront of the screen.

My head lifted to her. Maybe she notice me giving her glances so many times. I hesitated for a bit but since she already asked. I need to get this chance. She reach for her phone beside and type something then put it back again. I think she texted someone.

"Uhm. You and Zeus. Do you know each other before we've met?"

"Yeah," mabilis at tipid na sagot niya.

I knew it!

"Why didn't you tell me?"

"You didn't ask," Nagkibit balikat siya sa sinabi ko. Kailangan ko pa lang magtanong para malaman. Pero tama siya dapat tinanong ko siya una pa lang. Kilala ko naman siya na hindi pala kwento lalo na tungkol sa pribadong buhay.

"We're friends. Friends should tell secrets to each other."

Matagal na kaming magkaibigan pero miminsan lang siya magkwento ng tungkol sa kanya. Naiinis pa ako noon kay Zeus dahil parang mas close sila ng kaibigan. Iyon pala'y magkakilala na sila.

"How did the two of you became friends?" I asked.

"We are not friends," tanggi niya. Naguluhan ako.

"What do you mean you're not friends?"

"We're not friends but we know each other."

Okay, alam kong magkaiba ang makakilala sa magkaibigan pero hello!? I need explanations, you know!

Alyssa really hates conversation like this. Ka-level ng utak niya lang yata ang mga gusto niyang kausap.

I frowned at her.

"Then, paano kayo nagkakilala?" If she won't explain, it will lead to another and another questions. It's so hard to be her friend, honestly.

"Uh. I forgot." Napakamot siya sa kilay.

"Why can't you just tell me the truth," pilit ko

"Just asked him instead," she said dismissing the topic.

"Okay fine! I'll ask him," I said surrendering.

I'll do it my on way.

"Heelll!" Malakas na pagtawag ng isang lalaki. Lahat kami sa loob ng library ay napatingin sa sumigaw.

Ang damuho!

Bigla ay sumulpot ang Librarian at sinita siya 'saka pinalo ng makapal na libro sa ulo. Nag-sorry naman ang damuho sa matandang Librarian pero may kasama pagtawa. Walanghiya talaga.

Lumapit siya sa pwesto namin ni Alyssa. Sa tingin ko ay hindi niya ako napansin. Suot ko kasi ang hooded jacket ni Alyssa dahil malakas ang aircon sa loob ng Library.

"Hell-- Alyssa," natigilan siya maging ang akmang pag-upo sa harap namin ay napahinto nang makita ako. At paano niya nalaman na si Alyssa ang nakaupo rito, ni hindi nga lumingon dito ang kaibigan kanina? O nagkunwari lang siya na hindi ako nakita?

The jerk!

Bigla ay nginitian niya ako at para akong nakakita ng multo sa ginawa niya. Nakakapanibago ang inaasta niya ngayon.

"Hello, vixen," he smirked and I rolled my eyes.

"Why are you sitting here!" mataray na sabi ko sa.mahinang boses dahil nasa library kami ngayon.

"Why?" Nagtaka naman daw siya. Akala mo kung sinong inosente.

"What 'why'? Ang daming bakanteng upuan dito!" Bakit pinili pa niyang umupo sa pwesto namin. Pakiramdam.ko ay gusto lang niya akong asarin kaya siya narito.

"Exactly. This seat is vacant," he sarcastically said. Inilapag niya ang bag sa mesa at inilabas ang Law book 'saka nagsimulang magbuklat. Wala na akong nagawa para magreklamo. Hahaba lang ang sagutan namin. Kahit ayoko siyang makita ay pinilit ko ang sariling 'wag maiinis sa presensiya niya.

Palihim ko siyang tinignan.

Nakapagtataka at nakasuot siya ngayon ng criminology unifrom. Madalas kasi ay naka sibilyan siya. Pero ngayon na nakita ko siya sa malapitan. Bagay pala iyon sa kanya. Palihim kong kinurot ang sarili sa naisip na kahibangan. At kailan ko pa siya pinuri ng ganito!

Sinilip ko siya mula sa nakataas kong handouts para matakpan ko ang pagmumukha niya.

Seryoso na siya sa pagbabasa hindi na makita sa mukha niya ang nakakalokong ngiti sa labi. Napansin kong naka-army cut ang buhok niya. Ang linis niyang tignan.

Malaya kong nakikita ang medyo makapal niyang kilay. Lalo na ang pag galaw ng singkit niyang mata habang nagbabasa. Gumalaw rin ang mapupula niyang labi na animo nagbabasa kahit walang tunog na lumalabas mula sa labi.

Napalunok ako.

Bigla akong nagbaba ng tingin sa papel nang mapansin kong magtataas na siya ng mukha mula sa binabasang libro. I bit my lips.

"Wipe your drool off your face." Napahawak ako sa dibdib at nabitiwan ang hawak. Akala ko ay si Zeus ang nagsalita kaya nataranta ako. Si Alyssa lang pala kinabahan pa ako ng wala sa oras. Bumaling ako sa kanya.

Pagtingin ko ay may iniinom na siyang dutchmill. Saan niya nakuha iyon?

Nakasara na ang kaharap niyang laptop. Kanina pa siguro niya ako pinapanood sa kabaliwan ko. Nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya.

"Drool? Who's drooling?" ani Zeus. His eyebrows frowned.

Parang nakasagap ng hindi magandang balita kung makatanong. Napatingin sa akin si Zues.

"Why are you so red.? Are you okay? May sakit ka ba?" he asked me in concerned tone.

Akmang hahawakan pa ang noo ko pero tinapik ko ang kamay niya.

"I'm fine!" inis na sabi ko. Nagbaba na lang ako ng tingin at nagkunwaring nagbabasa para itago ang pamuumula ng mukha.

"Why are you drooling? Do you like someone here! Sino ba 'yon?" Tumayo pa siya at nagpalinga - linga.

Why does he care. He's being exaggerated were not even friends we're enemies!

"Are you nuts! Can you sit down you're getting some attentions! O kaya umalis ka na lang dito! " sita ko. Kasalanan niya 'to. Narinig ko ang mahihinang hagikhik ni Alyssa sa tabi ko.

Bumalik siya sa pagkakaupo pero patuloy pa rin sa paglinga pero wala siyang makitang lalaki dahil puro babae ang nasa loob. Karamihan ay nakatingin pa sa kanya. Napairap na lang ako.

Ilang sandali ay sumigaw na naman siya. Hiyang-hiya na ako.

"Hell! The hell! That's not for you!"

Hinablot niya ang karton ng dutchmill.kay Alyssa. Naiwan pa sa bibig ang straw.

Napansin ko sa bag pala ni Zeus niya iyon nakuha. May dalawa pang natira roon.

"Oh, sorry," Alyssa smirked. Kinagat-kagat pa ang straw.

Ginulo pa ni Zeus ang sariling buhok na parang magugulo naman niya iyon.

Umiling iling na lang ako. Imbes na mag-review ako para sa exam bukas ay nandito ako kasama ang dalawang to' at gumagawa ng eksena sa loob ng library. Mabuti na lamang at wala pang nagrereklamo ni isa sa kanila.

Nagulat naman ako nang iabot niya sa akin ang dalawang dutchmill pero kinuha iyon ni Alyssa sa kanya.

"Hindi niya gusto ito," sabi ni Alyssa sabay tusok ng straw sa dutchmill 'saka sumipsip.

"You told me she likes it! You trick me."

"Nope. You're just so stupid," ngumisi siya at sumisip mula sa straw. Gumalaw-galaw pa ang ulo na parang nag-eenjoy sa iniinom.

Napatingin ako kay Zeus na halatang naiinis na kay Alyssa. Sino ba ang tinutukoy nila? Para sa akin ba dapat iyon? Maybe it's for another girl.

May nagugustuhan na siyang ibang babae. Ni minsan ay wala akong nakitang babae na umaaligid dito maliban lang sa mga tagahanga niya kuno.

Alam kong hindi pa siya kailanman nagka - girlfriend hindi tulad ng dalawa kong pinsan na naka-ilan na yata.

Kaya pala may pagbabago rito. At iyon nga ang pagsuot niya ng uniporme. 'Pansin ko rin na hindi na niya ako pinagtitripan tulad ng madalas niyang gawin.

Is it the sign that he's already liking someone. Who could be that unlucky girl?

Wala naman na siguro akong pakialam doon as long as he's not bothering me anymore.

Yeah right, Athena! It doesn't hurt!

The only thing that concerns me is his relationship with Alyssa.

I was about to asked him when someone called for his name. I recognize him, he's one of Zeus blockmates. Mukhang katatapos lang niyang tumakbo. Nakasuot siya ng puting t-shirt at black shorts.

"Kingston, 'sup."

"Dude. Dean's looking for you. You skip our formation this morning. You're a dead meat, bro."

"Shit! I forgot. Bakit hindi mo ako tinawagan kanina." Napatayo si Zeus basta na lang niyang nilagay sa bag ang libro na binabasa kanina at isinukbit sa kanang balikat ang strap ng bag.

"Damn. Dude kasalanan mo 'yan. Asahan mong bibiyan ka ng punishment ni Dean Magnus. Hinihintay ka na niya. Magpaalam ka na rin sa buhay mo," sabi ng kaklase niya na may kasamang pananakot.

"What else did he say?" Sumabay siya sa paglalakad sa kaklase. Ni hindi man lang magpaalam sa amin ni Alyssa.

Si Alyssa na tulog na pala, nakasubsob na ang mukha sa mesa.

"Oh, nothing much. Advance condelence by the way," sabay tapik sa balikat ni Zeus na parang nakikiramay pa talaga sa mangyayari rito pero nakatawa naman.

Napalingon ako ng tawagin ako ni Zues.

"Athena." He smiled at me genuinely. It felt weird "See you later," he said and turned his back at me. Ano bang nangyayari sa kanya?

Napalingon tuloy lahat ng nasa loob sa akin 'saka sila nagbulungan.

"Dude. Ano girlfriend mo na ba si Athena? Lucky bastard." Narinig ko pang tanong ng kasama niya bago sila tuluyang lumabas. Hindi ko na narinig ang naging sagot niya.

The brute! Sinadya siguro iyon para mainis ako.

"Sila na ba?" Dinig kong bulungan nang nasa kabilang mesa.

"Di' ba para silang aso't pusa. Nag-iba na yata ang ihip ng hangin"

"NO! wala na akong pag-asa kay Zachary." Ang OA ha.

"Nakita niyo ba si Zach. Naka-army cut na siya sobrang gwapo. He look hot with his uniform, too!" Nakapagtatakang hindi pa siya nangisay sa sobrang kilig.

"Bagay talaga sila ni Miss Athena."

Nagsuot ako ng earphones at namili ng magandang kanta sa playlists. Mas lalo akong hindi makapag - concentrate sa pagre-review kung sila ang maririnig ko sa paligid. Sampong pages na lang naman ang kailangan kong basahin. Ang iba ay itutuloy ko sa bahay.

Hinayaan ko muna si Alyssa sa pagtulog at itinuloy ang pagbabasa.

ILumipas ang isang oras ay nakaramdam na ako ng gutom. Nagdesisyon akong gisingin si Alyssa.

Paglabas namin ay nakasunod ang mata ng mga studyante sa akin.

Naglakad kami patungo sa cafeteria. Napahinto ako nang tumigil si Alyssa at lumimgon sa gitna ng unibersidad. May pinagkakaguluhan ang mga studyante ro'n.

"Gutom na ako, Alyssa. Let's go."

"Well, that's interesting," she ignored me. Lumapit sa kumpulan. Sumunod naman ako sa kanya. Humalukipkip si Alyssa at nakinood.

Nakisilip na rin ako. Nakita ko naman ang isang lalaking paikot - ikot na tumatakbo sa malaking fountain ng campus. Lumipat ako.ng pwesto para siguruhin kung si Zeus nga ang nakita ko.

Nasa isang tabi ang Dean ng Criminology.

Naka-short ng itim at puting shirt si Zeus. Halatang pagod na sa pagtakbo papaikot sa fountain. May hawak pa siyang kahoy na pahaba at hugis baril sa dalawang kamay niya.

Nilelecturan siya ng Dean nila o mas tamang sabihing sermon. Nasa paligid din ang ibang blockmates niya at pinagtatawanan ang paghihirap niya.

"Do you understand, Zenith!"

"Sir Yes Sir!"

"Again!"

"Sir Yes Sir!" mas malakas na sigaw niya. Mukhang kanina pa siya tumatakbo isang oras na kasi ang nakalipas mula nang lumabas siya kanina sa library.

Iyon pala ang parusa niya sa hindi pag - attend ng formation na sinabi ng blockmates niya.

Nakakatakot pala magdisiplina ang Dean nila.

***

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height