Her Dauntless Eyes/C24 Kabanata 15.1
+ Add to Library
Her Dauntless Eyes/C24 Kabanata 15.1
+ Add to Library

C24 Kabanata 15.1

Athena Demetrius's Point of view

PAGKATAPOS naming makita si Zues na pinapahirapan ng Dean nila kanina ay hinila ko na si Alyssa rito sa cafeteria. Akala ko ay ako lang ang gutom dahil napadami 'ata ng order si Alyssa. She's fond of eating fast foods. Healthy food is a big no to her.

Napansin kong nawala ang ingay sa paligid namin. Kanina lang ay may mga sariling mundo. Iyon pala ay dumating si Denisse kasama ng mga kaibigan niya. Idagdag mo pa ang lalaking kasama rin nilang naglalakad papasok.

If I'm not mistaken the guy is the son of a not well known senator. Nasa itsura ng lalaking kasama nila ang pagyayabang. Kilala ko soya dahil minsan na siyang nagtangkang ligawan ako noon.

Narinig ko kanina na hatid sundo si Denisse ng lalaki. Hindi mahirap makakuha ng impormasyon sa paligid. Sa araw - araw 'ata may bagong hatid na balita ang mga studyante ng ZU. Hindi nakapagtataka.

Si Denisse siguro ang bago nilang pinag-uusapan ngayon.

Narinig ko rin kanina ang pagwawala raw niya sa Elysian mall kasama ng mga kaibigan niya. Naghakot daw sila ng madaming damit pero hindi nila nagawang bayaran. Dahil sa kahihiyan ay nagwalk-out pa raw sila. Kalat pa nga iyon sa social media at dahil ginagamit niya ang pangalan ng Mallari ay mas lalo siyang pinag-usapan.

Ang ginawang rason pa raw niya ay pinutol daw ng kanyang ama ang ma cards dahil sa nasuspend siya. Hindi kapanipaniwala ang sinabi niya, kilaka sila bilang maluho at kung saan - saan nagtatapon ng pera.

Tahimik na sana kami sa mesa namin ni Alyssa. Ang ginawa ni Denisse ay pinaalis ang grupo ng studyante sa kabilang mesa. Nasa dalawang mesa ang layo nila sa amin kaya nakita ko kung paano niya paalisin ng sapilitan ang mga ito. Kung umasta ay parang pag - aari nila ang lugar. Ang lalaking naman ay sinipa ang paa ng mesa dahilan para matakot ang mga naka-upo ro'n at magsialisan na.

Umiling - iling ako sa nasaksihan. Itinuon ko ang atensyon sa pagkain at binalewala ang nangyari. Napatingin ako kay Alyssa na parang balewala ang lahat. Hindi yata maganda na nandito kami kapag nakita nila si Alyssa baka magkagulo na naman. Alam kong gaganti sila Denisse sa nangyari sa mga sasakyan nila.

Hindi ko naman alam na pupunta sila rito dahil hindi talaga sila rito madalas kumain.

Maybe she was really broke. Napansin ko kasing ang anak ng senator pa ang nagbayad ng mga inorder nila.

Tumayo ulit ang anak ng senator. If I remember correctly his name is Tj Padilla. Ngunit sa pagtayo niya ay nakita niya ang pagsulyap ko rito.

Napangisi siya nang makita ako. Bigla akong kinabahan. Noon pa man ay ayoko na sa hilatsa ng pagmumukha niya. Nakakasuka ang paraan ng pag ngisi niya sa akin.

"Hi," maangas na sabi ng isang lalaki na lumapit sa kanila walang iba kundi si Tj Padilla.

Napatingala ako rito kasabay ng pagtaas ng kilay.

"I saw you staring at me." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Malaki pa rin pala ang kumpiyansa niya sa sarili. Nagpapasalamat ako noon na tinantanan niya ako sa panliligaw niya. Pero mas yumabang na siya ngayon.

"I'm sorry but I wasn't staring at you,"

tanggi ko sa sinabi niya. Mahiya naman siya.

Kampante naman si Alyssa at parang ealang distorbo sa amin.

"That's not what I saw a while ago."

What's his point that I was looking at him because I like him? He's so full of himself.

Mas mayabang pa siya kay Zues. Gusto ko tuloy matawa sa paratang niya. I'm not even staring at him. Napatingin lang ako sa kanya dahil bigla siyng tumayo kanina.

"Pasensiya na pero napatingin lang ako and for the second time I wasn't staring," mataray na sabi ko sa ipinagpipilitan niya.

"Pakipot ka pa rin, Demetrius," maangas na sabi niya na mas lalo kong ikinainis. Bumaling siya kay Alyssa. "Ikaw si Alyssa Craig, hindi ba?"

Nagpunas ng bibig si Alyssa gamit ang tissue. Nanatiling walang imik.

Naramdaman ko ang pagtayo nila Dennisse ng marinig ang pangalang binaggit ni Tj. Lalo akong kinabaha nang lumapit na sila sa pwesto namin.

"Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa mga ganitong klaseng tao, Athena. Hindi siya marunong makakilala," dagdag pa niya. Napaismid ako sa sinabi niya. He's just a senator's son.

Kung magsasalita pa siya patungkol kay Alyssa. Mas natatakot na ako para rito. Mukhang hindi niya alam kung anong kayang gawin ng kaibigan ko.

"Tignan mo nga naman. Pumasok ka pa talaga pagkatapos mong wasakin ang mga sasakyan namin," pagsimula ni Denisse. Ayoko ng masuspend pa si Alyssa nang dahil sa mga ito.

Tumayo na ako.

"What the heck is wrong with you people. Why can't you just mind your own business instead of bullying someone," Pagtatapang - tapangan na sabi ko.

Napaatras naman ang tatlong kaibigan niya. Of course, I'm Athena Demetrius. Walang wala ang pamilya nila sa amin. Nag-iwas sila ng tingin sa akin maliban kay Denisse. Nagtaas pa lalo ito ng mukha na parang nagmamalaki pa.

I crossed my arm and smirked.

"What a shame. Nagsama ang anak ng senator at ng pekeng Mallari," I looked at the both of them. "Mukhang ikaw ngayon ang namumulubi Denisse. Gumagamit ka na lang ng mga lalaki mo para sa luho mo. Bakit naghihirap ka na ba ngayon? Hindi na ako magtataka kung lahat ng pera ng Mallari ay naubos na ng pamilya niyo," pang-aasar ko pa.

Bumagsik ang mukha niya sa sinabi ko. Kinabahan ako dahil baka sugurin niya ako at hindi pa naman ako marunong makipag-away. Mabuti na lang pinigilan siya ng mga kaibigan.

Tumawa lang si TJ na nandoon pa rin.

"Anak ka lang din naman ng nanay mong walang kwenta. Alam mo ba kung bakit kita niligawan noon dahil Demetrius ka. Humarang lang ang gagong 'yon kaya hindi ako nakalapit sayo. Kung hindi pa s'ya sumingit sa eksena baka hawak na kita sa leeg ngayon," sigaw niya.

I slapped him hard without thing. Wala siyang karapatang magsalita ng gano'n tungkol sa Mommy ko.

"Don't you ever dare call my Mom like that again asshole!"

"You bitch!" Nagtaas siya ng kamao. He was about to punch me. Tumigil na yata ang pagtibok ng puso ko. Napapikit ako ng mariin.

Hinintay ang kamao niyang dumapo sa mukha ko pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong maramdamang kahit anong sakit. Nanginig ako sa takot.

I hate violence.

I finally opened my eyes. Bumungad sa akin si Zeus na hawak ang kamao ni TJ na akmang idadapo na sana sa mukha ko.

Napahawak ako sa damit ni Zues dahil para akong nanghina. Hindi ko inaasahang balak niya akong suntukin kanina. Pakiramdam ko kasi ay mawawalan ako ng manimbang. Napasadal katawan ni Zeus. Mabuti na lang at hindi ako nawalan ng malay.

"You fucking son of a senator! Don't you fucking dare lay your finger on her!"

Halata dang sobrang galit niya nang magsalita. .Alam kong galit siya dahil sa mabilis na paghinga.

"Fuck you, Zenith! Wala ka ng makukuha sa babaeng 'yan. Nakuha ko na siya!" Everyone gasped with his lie.

He's liar!

"Stop dreaming, Padilla! I never once allow any guy other to touch her. Huwag kang mangarap ng gising!" I feel like he smirked but not the smirk he usually gave me.

"Do you think I'm lying, Zenith." Ngumisi rin siya.

"Don't try my patience, Padilla. You're not a match to me," banta pa nito.

AHH!!"

Napadaing sa sakit si TJ sabay na napaluhod dahil pinilipit siyani Zeus sa braso gamit lang ang isang kamay niya. Sumigaw siya ng malakas ng sipain siya ni Zeus sa tiyan. Alam kong hindi niya mabawian ang lalaki dahil nakasandal pa rin ang katawan ko sa kanya.

"Hell. Do me a favor, please," Mahinahon na ang boses ni Zeus hindi tulad kanina.

"Bloody Hell! Zenith action star ka ba?" reklamo pa ni Alyssa. Ngayon ko nakumpirmang close talaga ang dalawa.

Tumayo si Alyssa at lumapit kay Tj na nakaluhod sa harap ni Zeus. Inilapit ni Alyssa ang dalawang daliri sa leeg ni Tj at may pinisil doon. 'Saka naman nawalan ng malay ang lalaki sa ginawa niya.

"How about you are you joining him, too?" mapaklang sabi ni Alyssa kila Denisse na napamaang sa nangyari.

Natigilan sila at ilang segundo lang ay nawala na agad sila sa tabi namin.

Samu't saring reaksyon tuloy ang narinig namin sa paligid.

Namalayan ko na lang na nasa harap ko si Zeus. Madilim ang ekspresyon niya na mas lalong ikinatakot ko. His eyes is dark and full of anger.

Inayos niya ang buhok ko na tumatakip mata ko at iniipit iyon sa likod ng tenga ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height