+ Add to Library
+ Add to Library

C6 6

Maagang umalis si Shelly para pumunta sa Little Angels Orphanage.These past few weeks masyado siyang naging busy kaya hindi siya makadalaw sa mga bata doon.May dala siyang mga cookies para sa kanila.Iba ang pakiramdam niya pag andun siya.Para siyang isa sa kanila.Nung mamatay ang mommy niya para siyang nawalan din ng kaibigan.Alam niya ang lungkot ng mawalan ng magulang lalo na sa batang idad.Karamihan sa mga batang andun ay inabandona ng sariling pamilya.Dala siguro ng kahirapan kaya may mga magulang na nanaisin pang ipaampon ang mga anak kesa sa magutom ang mga ito.Nahulog ng todo ang loob niya kay Mika.Namatay ang ina ni Mika nung ipinanganak siya.Sabi ng mga madre na andun,ang ama ni Mika ang mismong nagdala sa sanggol sa ampunan.Tahasang sinabi ng ama na walang amor ito sa bata dahil hindi naman talaga niya anak ito.Pinagtaksilan daw siya ng ina nito.Nakaramdam ng awa si Shelly ng malaman niya ang kwento ng bata.

"Mika sorry ha hindi ako nakakadalaw sayo kasi busy si ate Shelly.May bago akong mga boss ngayon at madami sila pinapagawa sa akin," paliwanag ni Shelly sa bata habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

"Naku ate okay lang yun.Alam ko naman na sikat ka kaya wala ka masyado oras pumunta.Sabi nga ni Moy-moy ang swerte namin kasi may ate kaming artista." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Naku kayo talaga, hindi naman ako artista.Model ako.Hindi ako pwedeng maging artista kasi hindi ako marunong umarte." paliwanag niya.

"Mas maganda ka pa nga sa mga artista eh." Sabi ng isang boses ng lalake.

"Dok Paul! Hello po!" excited na bati ni Mika.

Lumingon si Shelly sa tinawag ni Mika na dok Paul.Nakangiti ang guwapong mukha nito sa kanila.

"Good morning, dok Paul." Bati ni Shelly sa binatang doctor.

Sanay na siya sa biro ni Paul.Isa itong pediatrician na nagvovolunteer para icheck-up ang mga bata dalawang beses isang buwan.Mabait si Paul at magandang lalaki.Noong una iniiwasan niya ito.Napapansin kasi niya na palagi siya nitong sinusulyapan kapag sabay silang nagpupunta sa ampunan.Ayaw muna niShelly na pumasok sa isang relasyon dahil kakatapos lang niya sa isa.Kalaunan nabalitaan niya ma may girlfriend naman pala ito,though long distance relationship nga lang.Isang nurse sa London ang nobya ni Paul.

Nataon na malakas ang ulan noon.Sabay silang dumalaw ni Paul sa Little Angels.Nung paalis na siya bigla ang buhos ng ulan.Wala pa naman siyang dalang payong.Nagpasiya siya na magpatila muna.Tinignan niya ang relo niya,3:30 PM.May pictorial pa naman siya ng 5:30.Bahala na.Kung hindi naman traffic aabot siya sa oras.Siguro naman hindi magtatagal ang ulan.

"Shelly, sabay ka na sa akin." Sabi ni Paul ng makita siyang nasa malapit ng entrance ng ampunan habang nakatingin sa ulan.

"Naku dok Paul wag na.Maya-maya naman siguro titila na ang ulan.Baka out of the way ang pupuntahan ko sa destination mo." Tanggi niya.

"Ilang beses ko ba naman sasabihin sayo na Paul na lang." sabi nitong nakangiti sa kanya."Tsaka okay lang yun kasi pauwi na din naman ako hindi ko na kailangan bumalik sa clinic.San ba ang punta mo?"

"Sa may Makati.May pictorial kasi ako ng 5:30."

"Okay lang naman pala.Malapit lang ang condo ko dun.Nasa Malate ang unit ko.Tara sabay na tayo."pilit ng gwapong doctor.

"Hmmm,sige na nga,salamat ha?.Babawi na lang ako sayo next time.Maybe treat kita kahit kape?" suhestiyon niya sa binata.

"Sure! Hindi ako tatanggi diyan!" tuwang sabi ni Paul.

Mula noon naging mas okay sila ni Paul.Parang naging barkada.Although sabi nga ng mga staff sa ampunan bagay daw sila.Tsaka mukhang may gusto naman si Paul sa kanya nahihiya lang magsabi.She shrugged everything off.Hindi naman siya interesado and as long as hindi nagpapakita ng intensiyon si Paul na gusto siyang ligawan,okay na okay kay Shelly yun.Besides may nobya na ang binata.Mula college daw may relasyon na sila.Kaklase niya nung nag pre-medicine siya sa UST.And never na inisip ni Shelly na papatol sa lalaking may girlfriend na.

"Ngayon lang yata tayo nagkita ulit dito," pukaw ni Paul na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan."Busy ba sa trabaho?Ayaw mo naman kasing ibigay ang number mo sa akin paano kita aayain minsan pag wala ako makasamang magkape? " Biro ni Paul.

Hindi niya talaga binigay ang number niya sa binata dahil ayaw niyang mas lumalim pa ang samahan nila.Okay na yung pagkikita nila sa ampunan.

"Alam mo naman ang isasagot ko sayo di ba?" nakangiting tugon niya dito."Sobrang busy lang kasi meron akong bagong agency and madami silang projects na naka line-up for me." Sabi niya na sinagot lang ng tipid na ngiti ng doctor.

Mga kalahating oras din ang nilagi ni Shelly sa ampunan bago nagdecide na umalis na.

"Mika,aalis na ako ha? Kasi magkikita kami ng kapatid ko.Baka ma-traffic pa ako magalit na naman yun sa akin." Paalam ni Shelly sa bata, sabay tingin na din kay Paul.

"Sige po ate Shelly,salamat po sa cookies."nakangiting sabi nito.

Lumapit siya kay Mika para yakapin sandali."Pakabait ka palagi ha? Sasabihan ko din si Moy-moy.Sige papaalam muna ako kina Sister Lena.”

"Kelan ka babalik Shelly?Para makapag-kape naman tayo." Tanong ni Paul sa medyo malungkot na tinig.

Tinignan ni Shelly ang binata.Gaya ni Jake matangkad ito.Medyo matangkad siguro ng konti si Jake.Maganda din ang katawan.Gwapo pero ung kagwapuhan na pang boy next door.Si Jake yung tipong guwapo na bad boy ang dating.Mas brusko.Pinilig ni Shelly ang ulo.Ano ba ang naiisip niya? Bakit niya kinukumpara ang dalawang lalake?

"Baka sa isang linggo." Sagot niya sa binata.

" Okay.Babalik din naman ako nun dadalhin ko yung mga natirang gamot galing sa medical mission.I look forward to seeing you again next week." Paul smiled at her.

"You're late!" maktol ni Lorie,her bratty step-sister.Matanda siya ng dalawang taon dito.She called her early this morning to demand to see her.It has been a peaceful two months for Shelly.. until now.

"What is it this time Lorie?Akala ko ba ayaw niyo na akong makita according to tita Marga?"she asked dryly.Hindi siya kikitain ni Lorie unless she needs something.The last na Makita niya ang mga ito ay nung galit na galit na pinalayas siya ng stepmother niya dahil kumontra siya na ibenta ang naipundar na bahay ng daddy niya. Buti naman nagbago ang isip nito nung sinabi niya na babayaran niya ng buo ang bahay ditto (kahit may share din naman siya ) basta makaipon siya.Call her sentimental, but for her importante ang bahay na yun.She realized na may hold pa din sa kanya ang tita Marga niya at si Lorrie dahil dun.Isa yun sa rason kaya ayaw niyang magalit na naman ito sa kanya.

"I am going to work for a multinational company," tila pagmamalaking sabi nito.

Shelly couldn't believe her ears.Si Lorie magtatrabaho?Sunod ang layaw nito sa mama niya.Kahit mangutang si tita Marga para lang maibigay ang kapritso ng anak nito gagawin niya(pero siyempre ang daddy ni Shelly ang nagbabayad).Kaya masama ang ugali ng stepsister niya dahil kinukunsinti ito ng ina.

"It's about time naman na magwork ka na Lorie.You can't depend on your mom your whole life."

"I didn't see you to listen to your sermon.Daig mo pa si mama.I wanted to talk to you not hear what you have to say." Mataray na sabi nito.Shelly rolled her eyes and gave out a sigh.Wala pa ding pagbabago.Siya yung walang palagi say.Ang mag-ina ang mga boss sa bahay dati pa.Sunud-sunuran si Shelly at daddy nya.Iwas conflict na lang.Pinagmasdan ni Shelly ang kaharap.Kung hindi niya kilala si Lorie iisipin niya na napaka-sweet and gentle nito.Maamo ang mukha,kayumanggi ang balat pero makinis.Maiksi ang buhok nito na bob cut which frames her cute face.She is petite but very feisty.Sa totoong buhay saksakan ng maldita ito.The two of them are polar opposite.

" I want you to go out with my future boss." Deretshang sabi nito.

"What?!" Shelly shrieked.

" I don't know what he sees in you.Siguro nakita niya yung ad mo na mukha kang GRO.You were in a cheap lingerie.Naisip siguro niya he wanted to see you for himself.To know kung ganun ka nga ka cheap and easy sa personal" ismid nito.

Naisip ni Shelly, Lorie was talking about the ad she did for a well-known lingerie sa Pilipinas.Hindi iyon super revealing.It was sexy yes, pero hindi bastusin.Masaya yata talaga ito kapag iniinsulto siya.

"He said he will give me the job if you'll go out with him." sabi pa nito.

"Wait! How did he know about me? Hindi naman tayo magka-apelyido so I don't think he can make a connection sa apelyido natin." Takang tanong niya.

" Pinsan siya ng bff ko si Nicolle.Apparently,she mentioned you to him." Tila bored na sabi nito.

"Yun naman pala eh pinsan ng kaibigan mo.So bakit kailangan pa kong makipag-date sa kanya?" she irritably asked.

"Ewan ko! Pwede ba Shelly,just do it! It's not as if hindi ka sanay lumabas kasama ang iba't-ibang lalake!"she said maliciously.

Nagpipigil si Shelly na sampalin ang kaharap dahil ayaw niya ng gulo.Yun palagi ang sinasabi ng madrasta niya about her.Malandi daw siya kung sino-sino ang bf niya.She had tried to explain herself but wala din nangyari.Lahat yun gawa-gawa ng maldita niyang step-sister para sirain siya sa papa niya at sa ina nito.Sa totoo lang, si Lorie ang parang nagpalit ng damit pag nagpalit ng nobyo.Pati ex ni Shelly nadawit pa sa gulo nila na nauwi sa hiwalayan.

"If you will not go out with him and I don't get this job lagot ka kay mama."pananakot nito.

"Akala ko ba in the bag na ang trabaho?Bakit pag hindi ako sumama lumabas sa kanya di ka matatanggap?I believe you are bluffing." inis na tanong niya.

At that instance akmang tatawag sa phone niya ang magaling niyang stepsister.So just to avoid another confrontation with her stepmom,Shelly chose to give in.

"Okay! I will go out with him.Pero isang beses lang.No more after that!"Shelly irritably said.

Lorie beamed as she raised her chin a little as if celebrating her victory.

'You have to be nice to him! One false move and everything could go wrong!" Lorie arrogantly told her.

Shelly just sighed.Wala pa din pagbabago.Same old,same old.Parang nung bata pa sila.Palagi na lang siyang nagbibigay para wala lang gulo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height