+ Add to Library
+ Add to Library

C8 8

"Talaga bestie? Sinabi niya yun?Naman!!! Ibig sabihin possessive siya sayo and that means he wants to move your professional relationship to the next level!" kilig na sabi ni Pat.

From the Herrera's office she headed to a nearby hole-in-the-wall to meet her.Hindi sila sanay na hindi magkita ng ilang araw.They consider each other more like sisters.Nagseselos na nga minsan ang mga kapatid ni Pat dahil mas madalas silang dalawa ang magkasama.

"Pwede ba Pat? You know na ayaw ko sa kanya dahil alam mo naman na may issue na ako sa mga tipo niya."inis na sagot niya .

"Yan lang ba talaga ang kakainin mo? Ni wala man lang yatang dressing.Yuck! Kaya ayaw kong maging model eh.Dapat palagi kang maalindog to the point na you eat like a bird." Pat said sabay tingin sa salad ni Shelly habang nakataas ang isang kilay.

Puro pagkain talaga ang laman ng utak ng kaibigan niya.Chubby ito ng konti.She doesn't want to be called fat.Ang gustong bonding kasi nito panay food trip.

"I am not on a diet. Wala lang akong ganang kumain dahil sa nangyari kanina.I hate that chesty human being! He is not even my boyfriend to begin with." shelly said exasperatingly while toying with her veggies.

"Ano ba bestie ang ayaw mo? Susme! Kahit sinong babae gugustuhing maging dyowa si Jake! Yummy na mayaman pa! I heard super galante sa mga gf niya. Iniiisip mo na naman ang ex mo niyan eh? Bestie,tapos na yon and besides iba si Marco and iba si Jake.Pareho nga silang gwapo pero yang si Jake alam ko, hindi naman pinagsasabay ang mga babae niya." litanya ni Pat.

"At saan mo naman napulot ang tsismis na yan about Jake and his women?" takang tanong niya sa kaibigan.Daig pa talaga nito ang reporter.Palibhasa pag sumasama sa mga photo shoots niya wala itong ginawa kundi makipag chikahan sa mga baklang make-up artists.

"Basta! Hindi na importante yun. Ang point ko,it's been more or less 3 months since your last relationship. Ang daming may gusto sa'yo but you don't want to give them a chance .Bestie,sayang ang ganda mo! Hindi yang tipo mo ang dapat magpakaburo. Kayang kaya mong magbilang ng bf if gusto mo eh. Kalimutan muna yung sa inyo ni Marco. Ang malandi mong stepsister ang may pakana ng lahat ng yun.Although tama lang na nakipag-break ka sa kanya.Mahirap na ulit siyang pagtiwalaan after ng nangyari." Deretshang sabi ni Pat.

Because of what her friend said,naalala na naman ni Shelly ang nangyari na naging dahilan kung bakit siya nakipag-hiwalay kay Marco.

Before her ex,she didn't have any interest in men.Focused siya sa work niya .Nakilala niya ito nung nag-photo shoot siya sa studiong pagaari ng kuya nito. It was probably the first few weeks of January 2014. Marco is an engineer by profession pero hobby nito ang photography. He saw her during the shoot. Ilang na ilang siya dahil grabe itong makatitig sa kanya.Kabarkada nito ang photographer niya that time.Guwapo si Marco. Kung mestisuhin si Jake,si Marco naman eh pinoy na pinoy ang hitsura.Maraming nagsasabi na hawig ito ni Derek Ramsey.Mabait si Marco at malambing.Matagal siyang sinuyo nito.Palagi siyang pinadadalhan ng bulaklak.Kahit pagod din ito sa trabaho, he goes out of his way to take her out so they can spend time together. LikeJake,marami ding nagkakagusto dito. Of course she was too naïve to believe na faithful ito sa kanya.After one month na panliligaw nito,she finally agreed to be his girlfriend.Lalong naging sweet and caring ito sa kanya. Magaling ngang magdala ng kalokohan kaya nung panahong sila pa, hindi niya napansin that he was going out with other women.

Then one unfortunate evening while they were dining out to celebrate their fourth monthsary ,nakita sila ni Lorie.Her face became red with fury when she saw Marco with her.Matagal na pala nitong gusto si Marco dahil nagkakilala sila sa isang party.And from then on , her stepsister had started flirting with him but Marco rejected her.She learned these facts from Marco himself. Hindi naman din niya alam if totoo.Ang alam niya walang matinong lalake sa malanding babae.

Ng malaman ni Lorie na gf siya ni Marco all hell broke loose.Galit na galit ito and she tried to make a scene sa restaurant mismo.

"Wow fancy seeing you here.I didn't know that you two know each other." Nakataas ang kilay na sabi nito sa kanila sabay upo sa bakanteng silya sa mesa nila.Halatang nagpipigil ng galit.

Shelly looked at Marco and saw that he was slightly pale under his tan. The two of them didn't speak,they just stared at each other na lalong kinainis ni Lorie.

"Baby,hindi mo ba ako ipapakilala as girlfriend mo sa kasama mo?" her stepsister challenged Marco while sneering.

"Baby? Why is she calling you baby?" litong tanong ni Shelly kay Marco.

"Please Lorie,not here okay? Stop this nonsense! Don't make a scene! Wala tayong relasyon and you know that! " Matigas na sabi nito habang masamang nakatingin sa stepsister niya. Then he looked at her. As if to coax her,he said "Don't mind her hon,she's talking nonsense.Would you like to go somewhere else?"

"Wait! Ako pa ang gagawin mong sinungaling? Matapos ang lahat ganito pa ang gagawin mo?" sumbat ni Lorie sa medyo malakas na boses.

"Pwede ba Lorie keep your voice down! .If you want, we can talk about this outside. Huwag dito.Pinagtitinginan na tayo ng ibang tao.They looked around and true enough, people are starting to be curious.

"No! Dito na lang basta let's be civil about this.Kung ano man ito." Shelly said nervously.She has a feeling na what she's about to know will be something bad.

"Hon?" gulat na tanong ni Marco.

She faced Lorie who is staring angrily at Marco.

"If you want to say something Lorie,say it now. And Marco," sabay lingon sa nobyo."Lorie,believe it or not, is my stepsister."

Lalong namutla ang nobyo sa narinig.Mukhang nakakita ng magandang tiyempo si Lorie,so hindi na ito nagsayang ng oras para sabihin sa kanya ang lahat lahat.Mas detalyado mas maganda nga naman.

According to Lorie,buntis siya at si Marco ang ama. Ayaw nitong panagutan ang bata.It happened two months ago.Meaning sila na ni Marco.She was too shocked to say anything.Buti pala hindi niya binigay ang sarili niya sa nobyo.Kung hindi baka siya ang nasa katayuan ni Lorie ngayon.How she hated him.And to add insult to injury sinabi pa ni Lorie ang isang lihim ni Marco na lalo niyang ikinagalit.May anak na pala ito sa isa sa mga ex nito. Five months old na daw ang bata and Marco doesn't want to recognize the child . Parang gumuho ang mundo ni Shelly ng malaman lahat yun.Tahimik si Marco habang nagsasalita si Lorie.I guess ayaw niya lang na iprovoke ito baka lalo pa itong mag-eskandalo.

Nung gabi ding iyon ay nakipag-break siya sa lalake.It was a chaos after that.Sinugod pa siya ng madrasta niya saying na malandi siya at pati bf ng anak niya pinatulan niya.Pinagtulungan pa siya ng mag-ina.Kung ano-anong masasakit na salita ang narinig niya mula sa mga ito.

Hindi siya tinigilan ni Marco.Kesyo hindi daw totoo ang sinabi ni Lorie.Ni hindi nga niya daw maalala if may nangyari nga sa kanila. He drank to much daw.Nag-away daw sila ni nun kaya nagawa niyang magpaka-lasing.Yung tungkol naman daw sa anak niya,hindi daw siya naniniwala na anak niya yun dahil naka one night stand lang din niya yung ina nito.But Shelly heard enough.Sarado na ang utak at puso niya.Pinagkatiwalaan niya ito pero ano ang ginawa nito?

After a month, sinabi ni Lorie na false alarm daw.Eventually, lumabas ang totoo na nagsisinugaling lang ito.Akala ng stepsister niya makukuha niya si Marco sa ginawa niya.Pero siya pa din ang gusto ng lalake.Pilit pa din siyang sinuyo nito.Pero bingi na siya sa paliwanag nito.Niloko pa din siya.Tumigil lang si Marco sa pangungulit sa kanya nung nag Dubai ito..Mula noon sinabi ni Shelly sa sarili na hindi na siya magtitiwala sa mga lalake .Tingin niya sa mga ito pare-parehong manloloko.

" Bestie! Yang cellphone mo nagri-ring!?" sabi ni Pat which made her go back to the present time.She looked at the screen of her phone.

Tinignan ni Pat ang screen,sabay kinikilig na sinabi," Aiiyyhhhh! Si papa Jake pala,sagutin mo na bilis!"

Hanep! Mas excited pa ito sa kanya.Inis na sinagot niya ang telepono."What?"

"Asan ka?I want to see you now!" ma-awtoridad na sabi nito.

"Why do you want to see me? I'm with my friend and we're having lunch." Nagtitimping sabi niya.Ang yabang talaga ng lalakeng ito.Akala mo asawa niya kung magsalita.

"What friend? Lalake??!!" sigaw nito.

Shelly counted one to five before replying.Kung hindi niya gagawin yun mapapatulan niya ito.

"That's none of your business! And as far as I know wala naman tayong dapat pagusapan! Kaya pwede ba Mr.Herrera? Tigilan mo na ako?" sabay pindot ng end button .

Jake is so pissed.He tried calling Shelly again but out of reach ang number nito.Shit! Binabaan na naman siya ng telepono ng babae.Na-iimagine pa lang niya si Shelly na may ibang kasamang lalake parang gusto na niyang magwala.Ngayon lang siya nagiging bayolente.Hindi pwede ang ganito.He needs to do something.Kinuha niya ang telepono at nagdial.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height