C1
Amen.
'Kaya mo to dzaii, kinaya mo nga makipag-jombagan eh...' Sambit ko sa sarili habang nakatayo sa labas ng Mansion ng mga Buenavista.
Muli pa akong bumuntong hininga at magdo-door bell na nang kusang bumukas ang malaking gate.
"ikaw ba yung pinadala ng Agency para magbabysit sa kambal?..." Nagulat ako nang biglang sumulpot si ateng naka-pink.
Sa palagay ko ay kasambahay ito dito.
"a-ah opo..." Tugon ko.
Nginitian naman niya ako.
Shett dito pa lang nauutal na ko, paano pa kaya kapag yung amo na yung nakausap ko. Nadinig ko pa naman kanina sa mga chismosa doon sa agency na mala-demonyo daw yung tatay ng kambal dahil sa kasamaan ng ugali at pati na rin daw yung kambal. Pero malay ko naman baka chismis lang, ayaw ko naman magpaka-judgemental.
"Sige pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Sir eh..." Naka-ngiting wika sakin ni ateng pink. "Salamat po hehe..." Ani ko na lamang at ngumiti bago kuryosong pumasok sa loob.
Nang makapasok ako sa loob ng malawak na bakuran ay lalo akong namangha dahil sa ganda at aliwalas ng kapaligiran. Sana makatira din ako sa ganitong bahay balang araw ahihi.
"Wow ang ganda naman dito parang palasyo..." mangha pang untas ko bago nagpatuloy sa paglinga-linga.
"Ay hala may sanplawer...." Lalapitan ko sana ang sunflower na nakita ko sa isang paso ngunit. "Ehemm..." Nag-echo dito sa malaking terasa ang boses ng isang lalake, kaya napalingon ako kung saan nagmula ito.
Pag lingon ko ay bumungad sa akin ang isang lalaking naka-kulay itim na office suit. Ang gwapo shocks pa'no kumalma?. Para akong nakakita ng Greek God sa totoong buhay ngayon. Ang tangos ng ilong dzai.
Lord, bakit naman ganon? ampon lang po ba ko?
"are you Dayanarah Asuncion?..." Seryosong tanong nito. "o-opo sir..." Tugon ko naman kaya napatango ito at sumenyas na pumasok ako sa loob ng mansion.
"Zathallion Dhale and Zathrrian Dhane come down here..." Umalingaw-ngaw muli ang boses nito sa buong sala. Agad ko naman nakita ang dalawang batang lalaking mabilis na naglalakad pababa ng magarbong hagdanan.
Sa tantya ko ay mga nasa sampung taong gulang dalawang bata.
"yes dad??..." Sabay nilang sabi.
Ang isa ay naka-ngiti at ang isa naman ay poker face lang.
Lady Gaga yan?
"this is your new babysitter. Be nice to her. This is your last chance..." Utos nito sa mga bata. Tumango lang silang dalawa bago lumapit sakin.
"Hi yaya, i'm Zathallion Dhale, 8 years old, 10 minutes younger than him..." pakilala nung naka-spider man na pajama sabay turo sa kambal nyang naka-super man naman.
Ay mas bata pala sila.
Ang cute nila.
"hello, i am Zathrrian Dhane, 8 years old..." Ngayon naman ay nakangisi ang batang naka-superman na pajama.
Aba parang may balak 'tong batang to ah, nako bata don't me, kung ayaw mong mag-travel ka sa milky way.
"and i am Zathttrius Radamanth Anasthatiell Reivant Buenavista..." Walang emosyong pakilala ng lalake ng kanyang sarili.
Wow kailangan buong pangalan??
"Eh sir Zathrrius, hired na po ba ako??..."
Yun lang natandaan ko sa pangalan na sinabi nya kanina eh.
"hindi ba obvious?..."
Ang sungit kiss kita dyan eh.
"sabi ko nga po, hired na ko hehe..." Sambit ko ng nakangiti.
"Belinda you know what to to do..." Parang haring utos nito sa babaeng kalalapit lang bago walang sabi-sabing tumalikod at umakyat sa hagdan.
Sumunod din ang mga bata.
Ang bastos naman grabe.
"tara na sa magiging kwarto mo Dayanarah..." Bigla naman nagsalita si Ate Belinda kaya sumunod na lang ako at iniwas ang tingin sa hagdanan. "Dayan na lang po ate..." Ngiti ko sa kaniya. Tumango naman siya at kinuha ang isa kong maleta bago tumungo sa magiging kwarto ko daw.
"Oh Dayan, ito na ang kwarto mo. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ha?. Nandoon lang ako sa kusina..." saad sa akin ni ate Belinda ng makarating kami sa sinasabi niyang kwarto. "Sige po ate, salamat..." Tugon ko naman. Siya ay ngumiti lang bago isara ang pinto.
Binuhat ko ang mga maleta ko sa itaas ng kama. Maganda ang kama. Pati ang kwarto. May mga gamit na din tulad ng cabinet at may sariling banyo din.
Gandaaa.
Itinupi ko ng maayos ang mga damit ko bago ilagay sa cabinet.
Sana lang talaga maging maayos ang pagtatrabaho ko dito. Ba't ba kase inaway ko yung anak ng principal sa school namin. Ayan tuloy kailangan ko pa mag-trabaho para mabayaran ko yung mga caused damages ko sa school na yon. Eh hindi naman ako ang may kasalanan.
Kasalanan ko ba na maganda ako at ako ang nagustuhan ni Yohan. Kaysa sa anak ng principal namin na mukhang naghihingalong kabayo. Bwesit na Shirley yon. Ang lakas ng loob sugudin ako at makipag-sabunutan sakin. Palibhasa anak ng may katayuan sa school. Kaya ito. Ang ending ako ang kawawa. magbabayad na kick out pa.
Pag-ako yumaman talaga bibilhin ko ang school na 'yon at palalayasin ko silang mag-ina.
Pag-yumaman lang naman.
Humiga ako at ipipikit na sana ang mga mata nang mag-ring ang cellphone kong de keypad.
Wala pa kase akong pambili eh. Hintayin niyo magiging touch screen din 'yan.
[nakarating ka na ba nak?]
"Opo, auntie"
[ganoon ba, magiingat ka diyan ha]
"opo auntie. Wag niyo po akong alalahanin dito kaya ko po ang sarili ko. Ikaw dapat ang mag-ingat diyan dahil mag-isa ka"
[hay nako. Ikaw talagang bata ka. Kayang kaya ko ang sarili ko]
"nako auntie"
[oo nak. Maayos naman ba ang trato ng amo mo sa iyo?]
"opo naman. Sobrang bait nga nila eh"
[mabuti naman. Oh siya sige na. Malayo pa ang binyahe mo. Pagpapahingahin na kita. Magiingat ka diyan. Huwag kang magpapalipas ng gutom]
"sige po. Kayo din."
Huling sambit ko bago mamatay ang tawag. Mami-miss ko si Auntie.
Pipikit na sana ulit ako ng tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko at binuksan ang text.
from: Mikael labidabs❤️❤️
Teh. Tulog ka ba?
Luh.
Natatawa akong nagtipa bago pindutin ang send.
From: me.
oo teh.
Maya-maya ay tumunog muli ang cellphone ko.
From: Mikael labidabs❤️❤️
ay ganon ba? Sige bukas na lang kita itetext.
Napawi naman ang ngiti ko dahil doon. Napabuntong hininga ako bago itagong muli ang cellphone sa ilalim ng unan.
Kahit kailan talaga ang babaeng iyon. Napaka-ano. Kung hindi ko lang mahal yung kaibigan kong 'yon masasampal ko talaga siya.