+ Add to Library
+ Add to Library

C2

Alas-singko ng umaga nang magising ako. Agad kong pinuntahan si Sir Zathrrius sa kaniyang opisina gaya ng sinabi sa akin kagabi ni ate Belinda.

"Good Morning po, sir..." Magalang na bati ko sa lalakeng nakaharap sa malaking window glass.

Anong tinitingnan dito ni sir? Eh ang dilim pa.

Humarap naman siya sa akin at tumango bago umupo sa swivel chair nito.

"siguro naman ay alam mo na kung anong trabaho mo. Your only job is to take care of my children..." Diretsyohang saad nito bago iabot sa akin ang kontrata. Agad naman akong tumango at nahihiyang kinuha ang papel at ballpen. Pero bago ko pinirmahan ay binasa ko muna ang mga nakasulat.

Nakalagay sa Kontrata na kapag nasaktan o may nangyaring masama sa mga anak niya ay ipapakulong niya ako at pagbabayarin.

P*tcha naman.

"your salary will be given monthly..." Kinuha ni sir ang papel pagkatapos ko itong pirmahan. Bahala na si Barbie. "Sige po..." Sagot ko naman. "You may go now..." Dali-dali naman akong tumayo at lumabas mula doon.

Parang hinahabol ako ng kabayo sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Bumaba ako ng hagdan patungo sa kusina para tingnan kung may pagkain na bang nakahanda para sa mga bata. Nang makita kong mayroon na ay mabilis kong pinuntahan ang aking mga alaga sa kanilang kwarto.

Kanina pa ako katok ng katok dito sa pinto ng kwarto nila Zathallion at Zathrrian ngunit walang sumasagot. Masakit na din ang kamay ko dahil ang tigas ng pinto na yari sa kahoy. "Zathallion! Zathrrian. Time to eat na..." Tawag kong muli sa mga bata pero wala pa rin sumasagot.

Juskong mga bata ito, mga bingi yan?

"Hoy Dayan..." Biglang sumulpot si ate Belinda sa tabi ko na may dalang food tray. "oh ate Belinda. Good Morning..." Bati ko dito.

"Good Morning din. Anong ginagawa mo dyan sa kwarto ni sir Zech?..." Tanong nito.

Huh? Zech? sinetch itey?

"Huh. Sino yun ate?..." Kyuryoso kong tanong sa kaniya. "hindi pa ba nasasabi sayo ni sir Zathrrius?..." Pabitin pang sagot nito.

Itatanong ko ba kung alam ko na? char.

"ano nga ate?..." Medyo inis ko ng tanong. Siya naman ay tumawa ng bahagya.

"Eto na nga. Si Sir Zech ay panganay na anak ni Sir Zathrrius. Palaging wala dito sa bahay 'yon. Hindi ko din alam kung bakit. Kaya hindi mo yun palaging makikita dito sa Mansion di tulad nung kambal at ni Zhaliah. Oh alam kong itatanong mo din kung sino si Zhaliah kaya sasagutin na kita agad. Si Zhaliah ay pangalawang anak ni Sir, yun ay nandoon naman sa kwarto nya. Napaka-taray nuon at syempre ang kambal. Sila lang ang makakausap mo ng madalas pero mag-ingat ka sa kakulitan ng kambal na 'yon. Maraming alam na kalokohan 'yang mga yan. Lalo na si Zathrrian. Napaka-hilig mag-prank ng batang iyon kaya walang tumatagal na babysitter sa kanila. Pero mababait naman sila. Ano maliwanag na ba sayo?..." Mahabang kwento nito kaya tango na lang ang isinagot ko.

Zech, Zhaliah, Zathallion, Zathrrian at Zathrrius. Aba wow puro Z ah.

"eh bak tu da pers topic na nga, ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ni Sir Zech?. Nako kung nandito lang yun malamang nasigawan ka na non..." Sambit ulit nito kaya napakamot ako sa aking ulo.

"eh dito itinuro nung kambal ang kwarto nila eh..." Ani ko naman.

Hayst mukhang nasampolan na ko ah.

Nakausap ko kase sila kagabi habang kumakain kami at itinanong ko kung saan yung mga kwarto nila.

"hay nako ang mga batang iyon talaga. Nasa kaliwa ang kwarto nila. Pumunta ka na do'n at gisingin sila dahil papasok pa ang mga iyon sa school..." Sambit nito at itinuro ang kaliwang hallway.

"sige ate Belinda, una na ako..." Sabi ko at nginitian sya saka naunang umalis.

Kung di lang ako good mood ngayon ay kakaltukan ko talaga ang mga batang yon. Buti na lang ay wala ang kuya nila kundi baka nahiyawan na ako o kaya ay natanggal agad sa trabaho.

Nang makarating ako sa sinasabi ni ate Belinda ay agad akong kumatok ngunit walang nagbubukas ng pinto o sumasagot manlang. Kumatok pa ako ng ilan pang beses nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Zathallion na matamis ang ngiti.

Tss.

"good morning yaya..." Masiglang bati sakin nito at hinila ako sa loob ng kwarto. "saglit lang Zathallion. Male-late na kayo sa school, nasaan na ba ang kuy-ahhhh..." Napatili ako nang biglang may kung anong likido na bumuhos sa ulo ko.

Ang lagkit.

"HAHAHAHAHA..." Habang inaalis ang malagkit na likido sa mukha ko ay nadidinig ko ang malakas na tawanan na sigurado akong mula sa kambal. At hindi nga ako nagkakamali dahil ng sulyapan ko ang dalawa ay halos mamatay-matay na ang mga ito sa katatawa.

Sarap hambalusin nang mga batang to. Hmmmmpp!!

"HAHAHA yaya you look gross..." Tatawa-tawa pang saad ni Zathrrian at sinabayan din ng tawa ni Zathallion. "Anong gross-gross ka dyan..." Inis kong sambit sa kanila na lalo naman nilang ikinabunghalit ng tawa.

aba naman.

"If i were you Yaya aalis na lang ako. We don't need you naman eh and if i know may balak ka lang na kidnappin kami then manghihingi ka ng money or lalandiin mo si Dad. So you better leave na kase we already know your evil plans..." Zathrrian smirk.

Ano daw? Kidnappin sila?

"Hoy na bata ka. Para sabihin ko sayo kailangan nyo ako. Tingnan mo nga baliktad pa yung pagkakasuot mo ng uniform mo..." Inis kong bwelta sa kaniya at itinuro pa ang baliktad na uniform niyang suot.

Sinamaan niya ako ng tingin at na tinakpan ito gamit ang kamay niya ngunit masyado iyong maliit kaya hinubad na lang niya at muling isinuot.

"at bakit ko naman lalandiin ang daddy mo eh may boyfriend ako..." Sambit ko pa sabay irap. "talaga ba yaya may boyfriend ka? Sino naman papatol sayo? Eh mukha kang dugyot? gross..." Bawi naman niya sa akin na ikinalaki ng beautiful eyes ko.

Napaangat naman ang gilid ng labi ni Zathallion dahil doon.

Kalma ka lang Dayanarah. Tandaan mo mga bata yan saka makukulong ka kapag sinaktan mo yan.

"okay dugyot na kung dugyot. Pumasok na kayo sa banyo at maligo. Kakain pa kayo. Male-late na kayo sa school, bilisan nyo..." Pag-suko ko na lang bago pa ako mapikon ng sobra at jombagin ang mga batang 'to.

Nasaan ang mabait na sinasabi ni Ate Belinda sa mga batang to. Punyeta tatanda ata ako ng maaga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height