+ Add to Library
+ Add to Library

C3

Bwisit talagang mga bata yun grrr.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-move on sa nangyari kaninang umaga. Una ay mali ang ibinigay na direksyon. Pangalawa naman ay binuhusan ako ng clear glue. Hayst.

"Dayanarah, Check the kids carefully..." Sambit sa akin ni sir na galing sa living room. Nahihiya pa din ako kaya napa-tango na lang ako bilang sagot.

Ang yummy naman ni sir. Charotttt baka isumbong mo pa ko kay Zathrrian hmp.

"what are you waiting for? nandoon na ang mga bata sa kotse. Puntahan mo na..." Sabi nito with no expression at umalis sa harap ko.

"Grabe ka naman sir hmp..." Bulong ko na lang at pinuntahan na ang mga bata sa labas. "Good morning manong driver. Tara na po sa school..." Sambit ko sa driver at tiningnan ang dalawang bata sa backseat. Parang mga walang pakealam sa mundo. Nagse-cellphone si Zathrrian at nagpi-PSP naman si Zathallion.

Pag-ako nagka-anak hindi ko muna sila pagagamitin ng gadgets.

"hoy kambal,Sasama ako sa inyo ah..." Anunsiyo ko sa mga ito ngunit para lang akong nagsabi sa hangin kaya napa-irap ako.

Manang-mana talaga sa ama nila.

Mga Attichoda.

Habang nasa kotse kami papuntang skwelahan ay wala ni isa ang nagsalita hanggang sa maka-rating na kami. Agad nagsibaba ang dalawang bata at iniwan sa akin ang bag at gadgets nila.

"kuya mga 4 pm nyo po kami sunduin ha? salamat..." Paalala ko kay manong driver at ngumiti lang ito saka tumango. "Ano nga po palang pangalan niyo?..." Nakalimutan ko kaseng itanong kahapon ng ipakilala ako nila ate Belinda. "Santiago ijha. Tiago na lang..." Sagot naman nito. "Ah sige po Manong Tiago, Salamat babye..." Magalang kong paalam at bumaba ng kotse at tumakbo papunta sa gate ng school.

Papasok na sana ako pero nagulat ako dahil bigla akong hinarang ni kuyang guard. "Bakit po?..." Nakangiti kong tanong. Pero ang totoo ay kinakabahan na ako dahil male-late na ang kambal at nasa akin pa din ang bags nila. "Miss, studyante lang po ang pwede dito. Doon lang po sa waiting area ang mga Yaya nila..." Sambit nito.

aba.

"kuya ihahatid ko lang po itong bag ng mga alaga ko. Sige na kuya please?..." Paawa ko sa guard. "Eh miss hindi talaga pwede eh. School policy ho..." Matigas na sambit nito saka akmang isasara na ang gate.

"Kuya ililibre kita ng almusal sa canteen kapag pinayagan mo kong ihatid tong bag ng mga alaga ko. Pramis!..." Nakangiti kong wika dito.

Ililibre kita kuya kahit wala akong pera:)

Napakamot si kuyang Guard sa batok saka ako pinayagang pumasok. Ikaw kuya guard ha, mukha kang libre ah.

"bye kuyang guard mamaya na lang!!.." Masayang sigaw ko sa guard at nagtatakbo papasok ng campus. Muntik pa nga akong madapa dahil ang tanga nung bato.

Pero hindi pa nakakalayo sa gate ay napahinto na ako.

'teka san ba yung room nang kambal dito. eh ang laki-laki nitong school saan ko sila hahanapin?'

"ahm excuse me mga bata pwede magtanong?..." Tawag ko sa grupo ng mga batang babae. "You're asking na po..." Pambabara ng isa sa mga ito sakin kaya napa-irap ako.

hablutin ko kaya braided hair nito?

"joke lang po ate. What is it po?..." Binabawi ko na mabait pala. "Ah kilala nyo ba si Zathallion at Zathrrian Buenavista??..." Tanong ko at kita ko namang napa-isip ang mga bata at grabe ang gulat ko ng magsitilian ito.

"Kyahhhhh!"

"wahhhh!"

"Hoy mga bata bakit kayo sumisigaw??..." Tanong ko sa mga ito. "Crush po kase namin sila hihihi..." Kinikilig pang sambit ng mga ito.

Ang babata pa ang haharot na, charot.

"Ahh, pwede nyo ba ituro kung saan yung classroom nila?..." saglit pa silang nagisip at tumango. Hinila nila ako papuntang hagdan na patungo sa second floor ng building 3.

"kaano-ano niyo po sila Kambal?..." Kanong sa akin nung may bangs. "Ah babysitter nila ako..." Nakangiti ko namang sagot. "Wahh you're so swerte naman po..." Nakangusong sambit naman nung kulot.

Nako kung alam niyo lang ang ginawa sa akin ng kambal na iyon.

Hindi ko na lang sinagot at nagpahila na lang sa kanila hanggang sa huminto kami sa gitna ng hallway.

"dun po sa pang third yung classroom nila hihi. Dito na lang po kami kase nakakahiya po, babye po ate..." Laalam nila sakin at bumaba ng hagdan. "Bye din..." Sabi ko na lang at tumungo na sa harap ng classroom.

Kumatok ako sa pinto. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at bumungad sakin ang sa palagay ko ay teacher dito. "yes miss?..." Magalang na tanong nito. "Ahm dito po ba yung room ng kambal na Buenavista?..." Syempre magalang din na tanong ko.

Naninigurado lang.

"yes miss, do you need something from them?..." Ani naman nito saka tinawag ang kambal. "There they are..." Sambit pa niya bago binuksan ng malawak ang pinto at nasilayan ko ang kambal na naka-ngisi.

letcheng mga bata ito, muntik pa kong maligaw sa napagka-Laki laking school na to.

"nandito sakin yung mga bag niyo. Gusto ko lang ibigay. Nandoon lang ako sa canteen ah, dun nyo ako puntahan o kaya ay ako na lang ang pupunta dito. Wag kayong aalis..." Wika ko sa mga bata at pinapasok na sila saka ako nagpasalanat at nagpaalam sa teacher.

Naalala kong ililibre ko pa nga pala si kuyang guard kaya dumiretso na ako sa canteen at umorder ng chicken sandwich at kape pagkatapos ay dinala ito kay kuyang guard. Todo pasalamat naman ito.

"anong pangalan mo kuya?..." Tanong ko dito habang ngumunguya ng sandwich. Humigop naman muna si kuya ng kape bago sumagot. "Rick ijha. Ikaw ba? ngayon lang kita nakita dito ah. Saka iba ang yaya ng kambal nuong isang linggo..." Usisa nito.

"Dayan po. Ah bago lang po ako..." Sagot ko saka uminom ng kape. Tumango-tango naman ito bago tumayo dahil may tumawag sa kaniya mula sa labas ng gate. Ako naman ay itinuloy ang pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ko.

[hi mars]

"sino to?"

[gaga ka Violeta, ako toh si Pechay]

Petchay, who?

"Petchay?"

[oo gaga ako to]

Wrong number ata ito eh.

"wrong number ho ata kayo. Hindi ho ako si Violeta, aling Petchay"

[ay ganoon ba? pasensya na ijha, malabo na kase ang mga mata ko. Sige salamat]

Diyos Ko Aling Petchay.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height