C37
KINAGABIHAN ay hindi bumalik si Zathrrius sa bahay.
Ngayon ay tahimik kaming kumakain ng mga bata. Pinauwi ko na si Ady dahil galit sa kaniya ang lima, lalo na si Zamir. Nakita ko kanina kung paano irapan ni Zamir si Ady. Ang apat naman ay hindi pinapansin si Ady kahit na ano pang tawag nito sa mga bata.
"Mga anak, galit ba kayo kay Mama?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain