+ Add to Library
+ Add to Library

C4

"Asan na yung mga yon? Kanina pa ko dito ah..." Tanong ko sa sarili habang palinga-linga sa entrance ng cafeteria.

Kanina pa ako dito'ng 11:30 pero magwa-one na wala pa. Maaga akong nagpaalam kay kuya Rick para hindi maghintay ang mga alaga ko. Pero hanggang ngayon wala pa.

Asan na yung mga yon.

Naghintay pa ako hanggang mag ala-una at ng wala pa din ay napag-pasyahan ko nang puntahan ang kambal sa classroom nila.

Kainis naman.

Pagdating ko sa room nila ay nagu-umpisa na siilang magklase at naka-upo na din sa kani-kanilang mga assigned seat.

Hindi sila kumain ganon?.

Hayst ang mga batang to. Hindi naman sila ang mapapagalitan kapag nagka-sakit sila dahil ako ang mapapagalitan at worst baka pagjojombagin ako ni Sir dahil pinabayaan ko ang mga anak nya. Jusko iniisip ko palang hindi na kaya ng maganda kong pagkatao.

Nako hindi to pwede, ayaw kong pumangit. Saka baka nagugutom na din ang mga pashnea.

"excuse me po ulit miss..." Pag-agaw pansin ko sa guro na busy sa pagche-check ng mga sheetworks. Napa-lingon naman ito sakin at tumayo. "Ano yun miss?..." Nakangiting tanong nito.

"pwede ko po bang mahiram muna yung kambal?..."

Tumango naman ito at tinawag ang kambal.

"bakit hindi nyo ko pinuntahan sa cafeteria?..." Mahinang tanong ko na ikinangisi naman ni Zathrrian.

Anong iningingisi-ngisi nito?

Tadyakan ko toh eh. Charot.

"ayaw namin eh right Alli?..." Tumawa naman ng mahina si Zathallion. Alam nyo yun yung tawang nang-aasar.

Ah ganon? Edi wow.

"yeah, i don't want to eat the food you brought..." Sambit naman ni Zathallion at tumalikod akmang papasok na ulit sa classroom. "Hoy, walang babalik diyan. Kakain muna kayo sa ayaw at sa gusto nyo halika na kayo..." Bulaslas ko naman bago hinawakan ang pulsuhan nilang dalawa.

"ah miss, pwede ko po ba munang pakainin itong mga alaga ko?. Hindi pa po kase sila kumakain eh.." Paalam ko sa teacher nila at ngumiti naman ito at sumangayon.

"Yaya, i don't want to eat..." Inis na sabi ni Zathrrian at pilit na inaagaw ang kamay nito mula sa pagkakahawak ko. "Tumigil ka Zathrrian. Kakain ka, kakain kayong dalawa. Kapag hindi kayo kumain ay kakainin ng malaking bituka nyo yung maliit nyong bituka, ano gusto nyo yun?, sige bahala kayo. Gusto niyo yatang maagang makita si papa Jesus eh..." Pananakot ko sa dalawa at kunyari pang binitiwan ang kamay nila saka nagpati-unang lumakad.

Tingnan natin kung hanggang saan ang tigas nyo HA HA HA HA.

Nagulat ako ng biglang sumulpot ang kambal sa harapan ko kaya bigla akon napangisi.

Naalala ko ganyan din yung pananakot nang mama ko sakin noong bata pa ako at ayaw kong kumain.

Flashback ng Diyosang Dayanarah

"mama ayaw po..."

"ayaw mong kumain ah, sige ka kakain ng malaki mong bituka yung maliit mong bituka, gusto mo non, sige...!"

"sabi ko nga po kakain na hmp..."

Ending of flashback ng Kagandahan ni Dayanarah

"yaya, mukha kang baliw sa kakangiti mo..." Tila nagising naman ako sa katotohanan dahil sa sinabing iyon ni Zathrrian.

"oo na tara, bilisan nyo ng makabalik na kayo sa klase..." Sambit ko na lang at hinawakan ang kamay nilang dalawa saka binilisan ang paglalakad hanggang makarating kami sa Cafeteria.

"oh eto sayo Zathrrian at eto ang sayo Allion..." pag-abot ko sa kanila ng kanilang lunchbox. "Ahm yaya--nevermind..." Biglang nagsalita si Zathallion ngunit pinutol din agad. Tumango na lang ako at iniayos ang kakainin nila.

"charannn, ayan kumain na kayo..." Malawak ang pagkakangiti kong sambit sa kanila.

Nagumpisa naman silang kumain. Pero pansin kong medyo nahihirapan si Zathallion sa pagkain dahil sa panginginig ng kamay niya.

"Kailangan mo ba ng tulong Zathallion?..." Sinserong tanong ko pero umiling lang ito at nagpatuloy ulit sa pagkain kahit nahihirapan.

Anyare kay Zathallion?

"oh tapos na ba kayo??..." Tanong ko sa kanila ng tumayo ang mga ito sa kanilang mga upuan. Tumango lamang ang mga ito at nauna nang magsi-alis.

hayst.

Nang mailigpit ko na ang mga kinainan ng mga alaga ko ay pumunta na lang ako kay Manong Rick para makipag kwentuhan dahil wala din naman akong magagawa dito sa canteen.

"Hi manong. Kumain na po kayo?..." Masiglang bati ko kay manong kaya agad na napaangat ang tingin nito sa akin. Ngumiti si manong Rick. "Kanina pa ijha. Ikaw ba? Napakain mo naman ba ang mga alaga mo?..." Ngumuso naman ako bago tumango.

Kinuha ko ang monoblock na upuan sa tabi ni manong saka umupo.

"Napakain ko naman po ang kambal kaso ang hirap nilang kumbinsihin. Alam mo ba manong, hindi nila ako pinuntahan sa cafeteria kanina kahit magwa-one na. Ang tagal ko silang hinintay doon ah, alam mo yan manong. Nung mag-one na ako na lang yung pumunta sa room nila at manong kung hindi ko pa sila takutin na kakainin ng malaking bituka mo yung maliit mong bituka. Hindi pa sila sasama sakin para kumain HAHAHAHA. Mga uto-uto din yung mga batang iyon eh...." kwento ko dito.

Si Manong naman ay tatawa-tawa lang.

"buti naman at naniwala HAHAHAHA...." Tawa pa nito. "Naman manong sino ba namang hindi maniniwala sa magandang katulad ko..." Sambit ko naman kaya lalong bumunghalit ng tawa si Manong.

"ikaw talaga ijha masyado kang palabiro..." Sabi niya na ikinatigil ko sa pagtawa. "Luh si Manong. Ano hindi ba ko maganda manong?..." Nakanguso kong saad sa kaniya.

"nagbibiro lamang ako ijha. Saka wala namang nilikhang pangit ang Diyos...." Tumatawa naman niyang tugon.

Ay Heyt yu Manong Rick.

"hmp, balakajan manong. Btw Manong may asawa ka na?..." Pagiiba ko na lang ng usapan baka bigla ko kaseng masuntok si Manong dito.

"oo ijha. May dalawa kaming anak na lalakeng kasing edad mo rin..." Sagot ni manong. Napa-wow naman ako. "Kambal po manong?..." Tanong ko pa at tumango naman siya.

"Oo, kaso ayaw nila akong makasama dahil mahirap at hamak na sekyu lamang ako. Mas gusto nila sa bagong nobyo ng kanilang ina dahil mayaman iyon at siguradong mabibigyan sila ng magandang buhay na hindi ko kayang ibigay..." Malungkot nitong sagot. Parang nagcrack 'ata yung puso ko dahil sa kwento ni manong. Pero pilit kong iniwas saka muling nagsalita.

"ikaw manong, 'wag mo ngang nila-lang yung pagiging sekyu mo. Marangal at malinis na trabaho yan. Mahirap ka man atlis mabuti kang tao. Yung mga anak mo lang manong ang problema...Bakit di mo na lang kase ipinutok sa unan?..." Nakabusangot kong tinapik ang balikat ni manong.

"ikaw talaga ijha napaka-pilya mo...." Tawang muli ni Manong kaya napatawa din ako.

Ewan. Ang sarap sa pakiramdam kapag may napatawa kang tao.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height