+ Add to Library
+ Add to Library

C5

"NASAAN na ba yung mga batang yon?..." Naga-alalang tanong ko sa sarili habang palinga-linga sa paligid ng school playground. Kanina pa nandyan si manong driver para sunduin kami.

Kanina pa kami umiikot ni Kuya Guard sa buong school. Maga-alas sais na din ng gabi.

"baka naman nasa bahay na ijha?..." Tanong ni Manong Guard. Napaisip naman ako. "Eh paano naman po makakauwi ng sila lang yung dalawang batang 8 years old?..." Pagod ko namang tugon at at idinantay ang dalawang kamay sa tuhod.

Malay mo naman, hindi naman bobo yung mga alaga mo tulad mo. Charr

Napadaing ako sa inis.

"sa pagkakaalam ko yung mga batang yun ay hindi nagpapasundo. Nakikita ko lang na sumasabay sila sa mga kaklase nila. Baka sumabay na..." Agad akong napatingin kay Manong Guard dahil sa sinabi nya. "Eh bakit ngayon mo lang sinabi Manong. Napagod pa tuloy tayo..." Nagdadabog kong saad. Napakamot naman ito sa kanyang ulo at sumagot.

"eh hindi ka naman nagtanong ijha eh..."

Jusko naman si Manong walang common sense.

"hay nako kuya tara na nga..." Sabi ko na lang at naunang lumakad pabalik sa front gate ng school. Nandoon din kase si Manong Driver.

"sige Manong Rick, una na ko. Bukas na lang ulit. Babyeee..." Paalam ko kay Kuyang Guard saka kumaway. Kumaway din ito bilang balik. "Tara na po manong..." Nakangiti kong sambit sa driver.

"ah manong nasa bahay na po ba ang kambal?..." Paguumpisa ko.

Nakakainis iniwan na naman nila ako. Bakit ba palagi na lang akong iniiwan. Char.

"Opo ma'am..." Magalang na sagot naman nito.

Grabe nahihiya ako sa kagalangan ni Manong. Ako kase parang ipinaglihi kay Satanas.

"wag nyo na po akong i-opo manong. Dayan na lang po hehe..." Nakangiti kong saad. Ngumiti at tumango lang ito bago nagpatuloy sa pag-drive. Ako naman ay daldal lang nang daldal hanggang sa maging komportable na kami sa isa't isa ni Manong.

Nang makarating na kami sa bahay ay nagulat ako ng makita ang tarantang-tarantang si Ate Belinda na sumasalubong sa akin.

"nako susmarsyosep ang mga alaga mo Dayan..." Nag-mamadaling sambit nito. Nagkatinginan lang kami ni manong guard na parang tinatanong sa isa't isa kung anong nangyare.

tanga lang?

"Ano po bang nangyayare ate Linda?..." Naga-alalang tanong ko ngunit hinila lang ako nito pataas sa kwarto ng dalawa. "Ano po bang nangyayar---anong nangyare?..." Nabigla ako ng makita ko ang kambal na nakaupo sa kama at may pasa ang mga mukha.

Dahil sa pag-aalala ko ay hindi ko na binigyan ng pansin si Sir Zathrrius na nakatayo sa gilid ng bookshelves at mukhang pinangangaralan ang kambal.

"s-si--" Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si sir. "Anong totoong nangyare?..." Malumanay ngunit walang ekspresyong sabi nito.

Ano bang sasabihin ko? wala akong maisip.

"a-a-a--"

Ano baaa?? Hindi ko naman kung anong nangyare, bakit sakin tinatanong?

"whatt?..." Nagulat ako nang sumigaw si sir At napatingin ako sa kambal. Para namang silang maamong tupa na nakatingin sa tigre.

"ano sir ahm......sinuntok po nila yung bakla doon sa labas kase inaalok sila ng wanpipti, oo yun sir yung nangyare..." Napakagat ako sa daliri ko nang masabi ko iyon. Patay naubusan ako ng dahilan. Sana mapatawad mo ko ser para naman sa four peace toh, four peace ba yun? bahala na nga.

"then why the heck they have bruises?..." Tanong pa ulit nito at humalukipkip.

Quiz bee ba to? bakit ang daming tanong?

"eh kase sir ano ahhh.... sinuntok din po sila nung bakla. Bale self defense lang po yung nangyari hehe. Kaya wag niyo na po silang pagalitan..."

"bakit mo hinayaang masuntok 'tong mga anak ko?..." Napatingin naman ako kay sir dahil sa sinabi nyang yon. "Don't you remember the rules written on the contract? I'll make you remember then. There's a rule written na kapag sinaktan o hinayaan mong masaktan ang mga anak ko. I'll gonna sue you. So tell me bakit mo hinayaang masaktan ang mga anak ko..." Malamig pa din na saad nito sa akin.

Pakyu ka ser.

"anong gusto mong gawin ko sir? Harangin ko yung suntok? Edi nasugatan 'tong maganda kong mukha. Tanga ka ba sir? Itong mukha ko na nga lang ang meron ako eh. Tapos ipapasuntok ko pa..." Tugon ko naman sa kaniya bago inirapan sya. Sa pag-ikot ng mga mata ko ay napunta ang tingin ko sa kambal. Kita kong napangisi si Zathrrian pagkatapos ay napatingin sa ama. Si Zathallion naman ay nakita kong tumatawa ng palihim.

Ang popogi nang mga batang toh. Sarap halikan, charot lang baka ma-FBI ako.

Tinapunan naman ako ng masamang tingin ni sir. "Are you philosophizing me..." Parang nawawalan na ng pasensyang tanong nito sa akin.

(AN: kabog sa PHILOSOPHIZING, wala lagowtt!!)

"joke lang naman po yun sir. 'Wag kang masyadong seryoso baka magka-wringkles ka niyan bahala ka hehe. Tara na mga bata bilisan nyo. Goraaa na..." Sigaw ko at mwinestrahan ang mga bata na lumapit sa akin at mukhang naintindihan naman nila ito at lumapit ang mga ito sa akin.

"i'm not finish talking to you twins..." Lalo namang naging cold ang boses nito habang sinasabi ang mga katagang iyon sa amin.

Sampalin ko kaya ng kape si Sir? Ano magandang isampal na kape, twinpack or single?

"Sir ako na lang po kakausap sa kanila--" Pinutol na naman nito ang sasabihin ko.

"no ako na, that's my duty. It's my duty to disipline my childre--"

Dutyhin ko mukha mo jan eh.

"ako na nga sir. Ang kulit mo. Ako na ang kakausap sa mga junakis mo byeeee bitch!! takbooo..." wika ko sabay takbo. Tatawa-tawa naman ang kambal habang bumababa kami ng hagdanan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height