+ Add to Library
+ Add to Library

C6

"YAYA, where are we going??..." Tanong ni Zathalion habang nakahawak sa kamay ko. Si Zathrrian naman ay nasa likuran ko lang at nakahawak sa damit ko.

Kyut ng batang 'to pag hindi masungit.

"dyan lang sa garden of eden. Papahupain lang natin yung init ng ulo ng tatay niyo. Baka kase mamaya pag hindi pa ko umalis doon ay hampasin na ako nuon ng bookshelf niyong batman at mapasigaw na lang ako ng Captain Barbell..." Sagot ko naman pagkatapos ay tumawa ng mahina. Dinig ko na tumawa din ang mga ito.

"oh upo kayo dyan..." Utos ko sa kanilang dalawa. Pinagpag ko muna iyon bago ko ibigay sa kanila. Agad naman silang sumunod.

Ayan. Ganyan. Tama yan. Palagi kayong sususnod sakin. Batas ako eh. Charot.

"ano ba talagang nangyari? Bakit may pasa kayong dalawa?..." Usisa ko at hinawakan ang mukha nilang dalawa para suriin. "Kase ito kaseng si kuya eh nakipag-away kila Barron because of that Missy Girl. Ayon nadamay ako..." Sagot ni Zathallion at ngumuso.

Missy?

"Eh sino naman yung Missy na yun?..." Tanong ko pa ulit. "Let's just say one of the girl that admires kuya. You know. Yung may crush kay kuya and si Barron naman he likes Missy but Missy doesn't like him back and when Barron knew that he go sugod-sugod Kuya Zathrrian, there nag-away sila. That time i just watching how kuya fight Barron back but then one of Barron's ally punched me so i kicked his ass off and thats it..." Naka-ngisi pang kwento nito.

Sana all pinag-aagawan.

"eh bakit hindi nyo ko tinawag? Bakit hindi ako pinatawag ng teacher saan ba kayo nag-away?..." Singhal ko at pinisil ang pisngi nila pero hindi naman iyong madiin. Napa-kislot naman sila at nagreklamo.

"ouchhh yayaaa!..." Sabay nilang hinawakan ang mukha nila. "We fight during Afternoon Recess time at the school yard. So probably walang makakapansin sa amin and after that fight we just straight went home..." Paliwanag naman ni Zathrrian.

"At iniwanan niyo ako ganon?..." Inirapan ko sila at ipinagpatuloy muli ang pagtingin sa mukha nilang may mga pasa.

"Thank you for covering us Yaya..." Biglang sambit ni Zathallion.

wahhhh first time to <3

"walang anuman. Pero wag na kayong makikipag-away ulit ha? pag may mga batang katulad ni Barron. Wag nyo ng papatulan okay? cause hurting animals is a crime, tandaan nyo yan..." pagbibiro ko na lang na ikinatawa naman nila.

"don't you know yaya? Ikaw pa lang ang unang nakasagot ng ganon sa daddy namin. Kahit si Kuya Zech ay hindi kayang sagutin ng ganon si Dad..." Napatawa lang ako sa sinabi ni Zathallion iyon.

Kung alam mo lang na muntik ko ng malulon yung tonsils ko kanina.

"And i just want to ask yaya, where did you get that answer? Yung one fifty?..." Yanong pa ulit ni Zathallion bebe.

"yeah, what kind of answer is that? one fifty seriously yaya?..." Anas naman ni Zathrrian at tumawa silang dalawa. "Wala naman. Yun lang talaga yung pumasok na idea sa utak ko kanina eh, pasensya na lang kayo..." Lalo pa silang tumawa kaya natawa na din ako.

oh diba parang mga tanga lang?

"Hoy kambal, wag kayong magagalit sakin ah. Pero bakit nawala yung mommy nyo?..." Mabagal kong tanong para hindi sila mabigla divuhh.

"ahm, she died of gaving birth to me. Kuya Zech said hindi daw kinaya ni mom...." Hindi nya natapos ang sasabihin ng magunahang tumulo ang mga luha nya.

Agad ko naman siang niyakap para patahanin.

Hindi pa nila dapat nararanasan to. Dapat ine-enjoy nya ang pagkabata at pini-feel ang mundo. Inosente pa sya sa mga ganitong bagay na ganito.

"I'm sorry for asking. Don't worry alalagaan kayo ni Yaya okie? saka andiyan pa naman ang Daddy niyo..." Pagpapapagaan ko sa loob nila. "that's not true Yaya. Dad's attention is always on the company. He never put his fvcking time and attention towards us? He doesn't love us...." Humahagulgol na sambit ni Zathrrian habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ko. Ako naman ay hindi maiwasang maluha.

OA ako eh pasensya na.

"nako Zathrrian hindi yan totoo. Mahal kayo ng Daddy niyo. Sa tingin mo ba ay magbabayad siya ng sobrang mahal sa Yaya para mag-alaga sa inyo kung hindi niya kayo mahal? Mahal niya kayo nagkataon lang na hindi niya kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga sa inyo. Alam niyo naman siguro na yung kumpaniya ninyo ay pinakamalaking shipping line sa bansa. At alam niyo bang para sa future ninyo din yung pagtatrabaho ng tatay niyo?..." Sa gitna nang pagluha ay pinilit kong buoin ang boses ko.

"but he doesn't need to work naman. We don't need that. We only need him. We need a father..." Sumisinok-sinok na wika ni Zathallion. "Zathallion, Zathrrian kailangan niyong intindihin sa ngayon ang Daddy niyo. Nagtatrabaho siya para mabigyan kayo ng magandang buhay...." Paliwanag ko naman sa kanila at hinigpitan ang yakap ng mas lumakas ang iyakan nila.

Such a babies.

"huwag kayong mag-alala, aalagaan kayo ni yaya hangga't kailangan niyo hmm. Okie ba?..." Untas ko. Dinig ko pa din ang sinok ng kambal. "wag niyang kakalimutan na palagi kayong mahal ni Sir..." Ramdam ko naman ang pagtango nila na nakapagpa-ngiti sa akin.

Mahal na mahal niya kayo ramdam ko yun.

"yaya, sorry for what we did to you. Promise we will never do that again. Thank you for listening to us..." Nahihiyang wika ni Zathallion nang mahimasmasan ito na ikinatawa ko ng bahagya. "Okay na iyon. Basta kung may problema kayo nandito lang si Yaya para makinig sa inyo kahit paulit-ulit pa iyan..." Ani ko naman at niyakap sila ulit.

"I wish Mom was still here..." Mas lalong lumambot ang ekspresyon ko dahil sa sinabing iyon ni Zathrrian. "oo sana nga. Nang mapalo niya kayo dahil nakikipag-away kayo at ikaw Zathrrian ah akala mo di kita nadinig na nagmura hmm? isusumbong kita sa Mommy mo pag nagkita kami. Ipapapalo kita sa panaginip mo HA HA HA HA..." Nang-aasar ko namang sambit sa kaniya at tumawa.

Akala siguro ng batang to makakalusot yung pagmumura niya kanina.

"okay sorry po mommy, i will never curse again..." Napangiti naman ako dahil nag-cross sign pa siya. Si Zathallion naman ay bumubungisngis habang nakayakap sa akin. "maging good boy kayo para hindi kayo mapalo ni Mommy sa panaginip niyo hmm?..." Tumango tango naman silang dalawa at yumapos muli sa akin. "Yaya, i'm sleepy na po..." Biglang sabi ni Zathallion at ibinaon ang mukha sa leeg ko. "me too..." Sunod naman ni Zathrrian.

"huh. Eh hindi pa kayo kumakain eh..." Sambit ko naman at hinimas ang kanilang ulo.

Sana ito na ang maging simula ng mabuti pagsasama namin ng mga batang to.

Napabuntong hininga naman ako nang maya maya pa ay naramdaman ko ng bumigat sila. Nakakandong kase silang parehas sa akin at nakabaon ang mukha sa magkabilang leeg ko. Dahan-dahan ako tumayo para maiwasan ang pagkatumba at maiwasan din na maistorbo sila.

Pumasok kami sa loob ng bahay at doon ay nabungadan ko ang naga-alalang mukha ni Sir pero kahit ganoon ay hindi pa din nawawala ang lamig ng emosyon nito. Tila nakahinga naman ito ng maluwag nang nakita niyang kalong ko ang mga anak niya.

Akmang magsasalita pa ito nang pinanlakihan ko siya ng mga mata at isineniyas ang mga anak niyang natutulog kaya napatigil ito at napag-pasyahan na lamang na lumapit at kuhanin ang anak. Dahan- Dahan at puno ng pagiingat niyang kinuha si Zathrrian mula sa akin na ngayon ay puno pa rin ng mga marka ng natuyong luha ang mukha.

Ang pogi ni sir bumuhat.

Pabuhat nga din sir.

Chariz.

Isinensyas ko kay sir na mauna na siyang maglakad at ako na ang bahala kay Zathallion. Agad naman siyang sumunod.

Yan. Tama yan sir. Sumunod ka sakin. Dahil kung hindi sasampalin kita jan.

Hindi na din ako nagtagal at agad ding sumunod sa itaas.

Marahan kong ibinaba si Zathallion sa sarili niyang kama bago tanggalin ang suot na sapatos. Pagkatapos ay isinunod ko na ang uniform niya saka siya pinalitan ng damit pantulog. Nang lumingon naman ako kay sir ay hindi ito mapakali dahil hindi niya alam kung paano isusuot kay Zathrrian ang damit pantulog nito.

"Fvck, why is this so hard arghh..." Napatawa naman ako ng mahina dahil sa mahinang reklamo ni sir.

Kaya mo mag-anak pero di mo kayang magpalit nang damit ng anak?

"are you laughing at me Miss Dayanarah Asuncion?..." Parang naestatwa ako at biglang napatigil sa pagtawa. "H-Hindi po ah..." Mahinang sambit ko at itinuon na lamang sa pagpupulbos kay Zathallion ang atensyon. Pero nagnanakaw pa din ng sulyap paminsan minsan.

Ang manly pa din ni Sir kahit tanga.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height