+ Add to Library
+ Add to Library

C7

Matapos kong mapalitan si Zathallion ay hindi na ako nagpaalam kay sir na matutulog na bagkus ay umalis na lang ako ng walang paalam. Paano ba naman nakatulog na si Sir sa tabi ni Zathrrian.

Sanaol tinatabihan ni Sir.

Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko kase kung bakit hindi ka gusto ng gusto mo....charot. Iniisip ko kung kailan ako magpapaalam kay sir para mag-enroll sa university na papasukan ko.

Diba nga may kasalanan pa ako kay sir eh. pag kinausap ko ngayon baka suntukin ako.

What if ganito ako magpaalam.

'Sir...nag-enroll na po ako sa University. Wala na po kayong magagawa kundi payagan akong mag-entrance exam.'

Wag. Wag yon.

'sir buntis po ako. Kayo ang ama kaya payagan niyo na ako mag-entrance exam.'

Nyee.

Anong konek ng buntis ako sa page-exam?

Ang pangit ng idea na yon.

Anong bang pwedeng sabihin. Kinakabahan ako kapag kinakausap si Sir eh kaya ngayon pa lang pinag-iisipan ko na kung ano yung sasabihin ko.

Nagiisip pa din ako ng sasabihin nang bigla akong makaramdam ng uhaw kaya wala akong magawa kundi tumayo at pumunta sa kusina.

"i don't wanna be with some body else~ except you~ Cause you are my one and only~" Kanta ko pa habang paliko sa pasilyong papunta sa kusina.

Ngunit hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa kusina ay may nadinig akong ingay mula rito.

Agad akong napahinto sa kinatatayuan ko at nakinig sa ingay. "may magnanakaw yata..." Kinakabahang bulong ko. Sakto namang may nahagip akong walis tambo kaya dinampot ko ito at dumiretsyo sa loob.

"Ahhhh magnanakaw!!..."

"Wahhhh bruhaaaaa!!..."

Sabay naming sigaw ng di kilalang lalake na nabungaran kong naghahalungkat sa refrigerator.

"hoyy magnanakaw ka anong karapatan mong tawagin akong bruha ha?..." Singhal ko sa lalake saka iwinasiwas ang hawak kong tambo. Napapa-iwas naman ito.

Payt me beach

"What the--ouch stop..." Sigaw na daing nito nang matamaan sa braso.

"What is happening here?..." Nagulat kaming dalawa sa biglang pagsulpot ni sir Zathrrius sa may pintuan ng kusina dahilan upang mapatigil kami sa paghahampasan.

"sir may magnanakaw, yan oh..." Tumakbo ako papunta kay sir at parang batang kumapit sa t shirt nito. "He is not a thief Dayanarah, he's my son..." Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.

hala!

"s-sir sya ba si Zech?..." Gulat ko pang tanong at itinuro ang lalaking hinampas ko kanina. Tumango naman si sir.

"hala sir Zech sorry..." Paumanhin ko ngunit inirapan lang ako nito bago dali-daling lumabas ng kusina kaya naiwan kaming dalawa ni sir.

'Resulta ng pagiging judgemental.'

"Hehe sir tulog ka na po baka pumangit ka..." Alanganin akong ngumiti kay sir. Akala ko ay sisinghalan ako nito pero tahimik na lumabas lang din ito sa kusina kaya napabuntong hininga na lang ako.

Bago ako bumalik ulit sa kwarto ko ay kumuha muna ako ng tubig saka ininom.

"Jusko ka self ang judger mo kase ayan tuloy..." Sambit ko at sinabunutan ang sarili habang nakahiga.

Hayst.

NAPADILAT ako ng mata ng makarinig ng malalakas na katok mula sa pinto. Taranta akong bumangon at hinanap ang cellphone ko.

huwahhhh anong oras na ba??!.

7:39am!!!

Malelate na yung mga alaga ko.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang kambal na nakangiti at si Zech na walang ekspresyon.

Luh.

"Good morning yaya. You're late..." Bungad sakin ng kambal. Nginitian ko lang sila at ginulo ang buhok. "Sorry kambal. Napasarap ang tulog ng yaya niyong Diyosa eh. Sige maliligo lang ako. Hintayin nyo ko sa baba ah. Kumain na ba kayo?..." Anas ko sa mga ito.

"yes yaya. Ikaw na lang hinihintay namin..." Tugon nila. Nahiya naman ako sa sinabing iyon ni Zathallion. "Sige sige bibilisan ko na lang ang paliligo..." Usal ko at binigyan ng tingin si Zech.

"good morning sir Zech..." Bati ko dito. Tumango naman ito pagkatapos ay hinatak ang mga kapatid paalis sa harapan ko.

Mabilis naman akong kumilos at dumiretsyo sa banyo saka naligo nang mabilisan. Hindi na nga ata ako nag-sabon eh.

Nagsuot na lang ako ng off-shoulder dress at mabilis na bumaba.

"Wow yaya..." Manghang sambit ng kambal nang makita ako.

"ano ba kayo, ako lang to HAHAHA tara na nga..." Ani ko na lang at hinila sila. Sumunod naman si Zech. Pero bago pa kami makalabas ng pinto ay nadinig ko ang boses ng boss kong pogi.

"what are you wearing?..." Diretsyong tanong nito sa akin nang makababa galing sa itaas. "damit sir..." Pilosopong sagot ko.

Nakasuot si sir ng plain t shirt na white at black na sweatpants na talaga namang ikina-yummy niya.

Rorr.

"I know na damit yan. Are you going to a party?..." Napangiti na lang ako ng alanganin at umiling. "hindi po sir. Nagmamadali lang po ako kase late na 'tong mga alaga ko hehe. Sige na sir babush..." Hinila ko ang mga bata at tumakbo kami papunta sa kotse. Nadinig ko naman ang tawag ni si pero hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy na lang sa pagtakbo.

"yaya bakit lagi mong tinatakbuhan si daddy?..." Hinihingal na tanong sakin ni Zathrrian. Napatawa na lang ako at sinagot sya. "Baka jombagin ako ng ama mo eh. Alam mo naman ang ugali ni yaya. Sige na sumakay na kayo. Asog ka doon Zech. Sa gitna si Zathallion..."

Sinunod naman ako nito.

"okay na ba?..." Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila kaya sinabi ko na kay Manong Driver na umalis na kami. Nagkwentuhan lang kami hanggang makarating ng school. Hinatid ko na ang kambal sa harapan ng gate kase nga bawal nga pumasok diba?.

"ikaw Zech san ka?..." Tanong ko kay Zech na nakasunod pa din sa likod ko. "I don't have class today..." Simpleng sagot nito at naunang maglakad. "eh ba't sumama ka?..." Habol ko naman sa kaniya.

"Wala, i just want to. Bakit bawal ba?..." Sagot niya. Umiling naman ako at sumabay sa lakad niya.

Papunta kaming Waiting area.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tingnan si Zech mula ulo hanggang paa. Sa edad ni Zech na 15 ay masyado syang matangkad. Ang matured din niya kung titingnan at hindi maipagkakailang mag-ama talaga sila ni Sir dahil Kamukhang-kamukha siya nito. Mula sa ilong, mata, labi at panga. Iba talaga pag favorite ni Lord eh noh?

"Zech tara sa canteen diyan sa harap. Libre kitang lugaw..." Wika ko dito ngunit tiningnan lang ako nito na parang nandidiri at umirap. "What the fvck is lugaw?..." Napairap na lang ako saka sya hinawakan at hinila papalabas ng waiting area.

"dami mo pang tanong eh. Nagugutom na 'ko..." Sambit ko.

Nang makarating na kami sa cantinang sinsabi ko ay agad kong ipinaghila ng upuan si Zech na palingon-lingon sa paligid. "anong gusto mo?..." Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa menu ng canteen.

"i don't know any food here..." Sagot nito ngunit hindi ko maayos na nadinig.

"ha? ano?..." Tanong ko ulit. "I said i want cake..." Umirap ito at dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang Valenciaga na sweatpants.

Napailing na lang ako.

Ang masasabi ko lang ay mabilis siyang mapapansin ng mga magnanakaw 'pag palaging ganito ang pormahan niya.

"sige, diyan ka lang. Oorder lang ako..." Paalam ko sa kaniya at tumayo para lumapit sa counter.

"dalawang Dinuguan po saka dalawa din na Adobo, Metchado saka pancit canton at kanin..." Turo ko sa naglilista ng order. Madami akong inorder na ulam dahil unli-rice pala dito. "Ay ano po yung cake na yon?..." Tanong ko. Tumingin naman ito sa gawi ng tinitingnan ko. "Choco Red Velvet Cake po..." Sagot naman niya. "dalawang slice po saka dalawang leche flan with chocolate syrup..." Basa ko sa menu.

Ngayon ko lang nadinig yung Leche Flan na may chocolate syrup. Mukhang masarap naman kaya umorder na din ako.

"ay nakalimutan ko pa pala. Dalawang Fruit soda po. Thank you..." Bigla kong sambit at ngumiti sa naglilista. Ngumiti naman ito pabalik saka tumango.

Bumalik na ako sa mesa namin ni Zech. Nakita kong nakapikit ito habang may nakakabit na headphones sa tenga. Pinabayaan ko lang siya mag sound trip hanggang sa dumating na ang pagkain namin.

"Zech..." Tawag ka sa kaniya. Agad naman napadilat ang mata niya at mabilis na lumipat sa mga pagkain. "Kain na tayo..." Tumango lang ito at kumuha ng kustara at tinidor.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height