+ Add to Library
+ Add to Library

C2 2

Nick has to agree that the woman is really hot. She has to be. Mukha at katawan ang puhunan nito, being the gold digger that she is.

"Pwede na." he said sounding uninterested. He has no time for the likes of this Stacey Ledesma.

Nakahinga ng maluwag si Jim. Mahirap pag nagustuhan ni Nick. Buti na lang hindi. At least may pag-asa pa ito kay Stacey.

"Mate, kung and Con Ad ang mapipili mo para sa bagong advertisements na gusto mo, makikita namin madalas dito yung graphic designer. Tutal okay naman ang gawa niya, i-approve mo na!" excited na sabi ni Billy.

"Fuck off!" bugnot na sabi ni Nick.

He doesn't want that good for nothing money-grubber in his office. He hates women like her.

(Stacey)

"Ma?" sagot niya sa telepono. Kakasakay niya ng kotse. Hindi niya mahindian si Tyler. He asked her to have dinner with him .Huling nag-aya ito, she turned him down because she got annoyed with their client that time dahil sa kabastusan nito.

"Anak, nong oras kang makakauwi?" tanong ng ina.

Medyo kinabahan si Stacey. Hindi siya tatawagan ng mama niya kung hindi importante. Baka may ginawa na naman ang half-sister niya. Pag ganitong wala sa Pilipinas ang stepfather niya, lalo nilang hindi makontrol ng mama niya ang kapatid niya.

"Pauwi na po ako Ma. May problema po ba?" alalang tanong niya.

"Pag-usapan natin anak pagdating mo." malungkot na sabi ng mama niya.

Pagbaba niya ng kotse, ang lakas ng kaba ng dibdib niya. May nakita siyang police car na kakaalis lang.

Saktong isasarado ng kasambahay nila ang pintuan nang makita siya nitong tumatakbong papasok.

"Ate!" tawag ni Amy. "Naku yang si Heather na yan naguwi na naman ng problema." pumapalatak pang sabi ng atribida nilang kasambahay.

Kung gustong makakuha ng impormasyon ni Stacey, makinig siya kay Amy. Ito ang tipong hindi pa tinatanong nagsasalita na.

"Akalain mo ate? Nagmaneho ng lasing kagabi! Tapos naka-sagasa! Ang masama pa, paso pala ang lisensiya! Wala na talagang dinala yang kapatid mo ate kundi problema! Ang layo ng ugali niyong dalawa!" naiiling pang sabi nito.

"AMELIA!!" sigaw ng mama niya.

"Ay butiking bagong tuli!" tarantang sabi ni Amy sabay takbo palabas ng kusina.

Natutop ng mama niya ang noo nito. "Kung hindi lang pahirapang humanap ng kasambahay..."naiiling na sabi nito.

Humalik siya sa pisngi ng ina.

"Ma? Totoo ba ang sabi ni Amy?" paninigurado niya.

Tumango ito bago umupo sa sofa. Napaupo din siya sa tabi nito.

"Kaya pala may nakita akong police car kanina .Asan si Heather Ma?"

"Nasa kwarto niya."

" How bad is it this time?" she held her mother's hand.

Umiling ito at napaluha. Lalo namang naawa si Stacey sa ina.

Matigas talaga ang ulo ng half-sister niya. Heather has been pampered mula pagka-bata. Dahil madalang lang makauwi ang stepfather niya, bumabawi ito sa material na bagay. Kaya lahat ng gusto ng kapatid niya ibinibigay nito .Wala din namang magawa ang mama niya.

"Ma, I'm here for you. Paano ba ako makakatulong?" she asked.

Niyakap siya ng ina. "Anak,sorry kung ikaw na lang palagi ang nagcoconsole sa akin .Alam mo naman ang kapatid mo..." naiyak na sabi nito.

"Please Ma, baka makasama sayo ang pag-iyak. Tama na. Ano ang pwede kong gawin?” she asked.

Tumuwid ng upo ang ina. "Ang sabi ng kapatid mo, kagabi daw kasama niya sa bar ang mga kaibigan niya. Nasobrahan daw siya ng inom. Gusto na daw niyang umuwi pero yung iba niyang kasama ayaw pa. Wala daw siyang choice kung hindi mag-drive. Alam mo naman ang kapatid mo, ayaw na ayaw nag-tataxi. May nasagasaan daw siyang babae na palabas ng kabilang bar naman."

"Hit and run ma?"

Tumango ang ina. Stacey closed her eyes and sighed deeply.

"Natakot daw ang kapatid mo kaya nataranta daw. Pinatakbo na lang niya ang kotse niya. Kaso may nakakita." pagtatanggol ng mama niya.

Hindi na lang siya kumibo. Lahat ng ginagawa ni Heather palagi na lang pinagtatakpan ng mama niya .Kaya lalo itong nagkasungay. Palaging sinasabi ng mama nila na kailangan nilang intindihin ang kapatid niya.Nagrerebelde ito dahil hindi halos nakakasama ang ama.

Minsan gustong itanong ni Stacey na bakit siya? Lumaking walang ama, pero hindi siya kagaya ni Heather but she just keeps quiet.Masyado ng sumasakit ang ulo ng mama niya sa kapatid niya. Ayaw na niyang dagdagan pa.

"Modelo pala yung nasagasaan ng kapatid mo. Madami daw commitments sabi ng talent manager niya na nandito kanina. Nakita ang kapatid mo, sabi niya hindi na nila kakasuhan si Heater basta ito na lang ang sumalo sa mga commitments ng modelo niya. Pwedeng-pwede daw ang kapatid mo .Bale yung gastos sa ospital at yung mga gamot na lang ang sasagutin ko. "

"Yun naman pala. May iba pa bang problema,ma?" takang tanong niya.

"Hindi pwede ang kapatid mo .Alam mo namang mahigpit ang kolehiyong pinapasukan niya. " her mother sighed.

Stacey pouted. Parang alam na niya ang patutunguhan ng usapang ito.

"So paano yan ma?" she asked.

"Anak," hinawakan nito ang mukha niya."Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" pakiusap nito.

Natigilan siya. "Ma ,may trabaho ako. Hindi ako pwede."

"Sige na anak. Pag hindi ka pumayag ,makukulong ang kapatid mo." naluluhang sabi ng ina.

She closed her eyes then sighed heavily. Parang dati lang nung mga bata pa sila. Pag meron ayaw gawin si Heather, siya ang uutusang gumawa. Palaging pinapaalala sa kanya ng mama niya na nakakahiya sa uncle John niya. Tinuturing din siyang parang anak nito so the least she could do is pag nasa kapahamakan or kasubuan ang kapatid niya, palagi niyang alalayan or saluhin. Tutal ate naman daw siya and mas nakakaintindi siya.

Maybe their mother is forgetting na ilang beses na siyang napapahamak dahil kay Heather. Pero dahil mahal na mahal niya ang mama niya, pinapalampas na lang niya lahat ng kapilyahan at kalokohan na ginagawa sa kanya ng half-sister.

"Stacey? " malungkot na nakatingin sa kanya ang mama niya.

Huminga siya ng malalim. "Ma, kailangan ko munang ipaalam kay Tyler. Baka magka-problema sa schedule ko sa trabaho."

Medyo nagliwanag na ang mukha ng ina. She knows na papayag na siya . Alam nito na malakas siya sa boss niya dahil masugid niya itong manliligaw.

"Ako na ang kakausap kay Tyler." sabi ng ina.

She just nodded. Wala na siyang magagawa. For sure papayag si Tyler.

"Salamat anak!" niyakap siya nito. "Bukas ng mga alas 10:00 AM, kailangan nating puntahan si Bella. Yun ang baklang talent manager nung nasagasaan ng kapatid mo."

"Sige po." mahinang sagot niya.

Kinabukasan, silang dalawa ng ina niya ang nagpunta sa opisina ng talent manager. Hindi daw pwedeng sumama si Heather dahil may exam daw. Alam ni Stacey na she just made an excuse para makalusot na naman sa gusot na ginawa nito.

She is wearing black skinny jeans at dark blue na pang-itaas. . Nag-black ballet shoes lang siya. Pinalugay ng mama niya ang buhok niya. She also applied very minimal make-up. Nag lip gloss lang siya dahil natural na mapula naman ang mga labi niya.

May dalawa pang babae na mukhang mga modelo din ang dumating. They looked at her bago nagbulungan. Umupo ang mga ito sa tabi ng mama niya dahil nasa dulo siya. Nasa isang long sofa sila sa labas ng opisina ng talent manager.

"Mrs. Sofia Williams?" tawag ng sekretarya.

Tumayo ang mama niya and looked at her para tumayo na din siya.

Pagpasok nila sa opisina, sinalubong sila ng sinasabing Bella ng mama niya. Magandang bading. Mukha ngang babae. Lumapad ang ngiti nito ng makita si Stacey. Bumeso muna ito sa mama niya bago sa kanya.

"Mrs.Williams! Good morning! Siya ba ang papalit kay Heather?" nakangiting tanong nito.

"Oo. Ate siya ni Heather. She's Stacey."

Bigla itong pumalakpak in delight. "Good! Very good! Halika upo muna tayo." masayang sabi nito.

They sat on the seats na nasa harapan ng lamesa nito. Bella sat down on her office chair.

Kumunot ang noo ni Stacey ng mapansin ang mga naka-frame na larawan ng ibat-ibang babaeng modelo.

"I see na beauty runs in your family Mrs.Williams. Pero your elder daughter is lovelier!" she said while grinning. Mukhang hindi na naalis ang ngiti nito.Parang nanalo sa raffle or something.

Kumunot din ang noo ng mama niya ng mapansin din ang mga nasa paligid ng kwarto.

“Lahat ito modelo mo?” Mrs. Williams asked.

"Yes mam! Mga talent ko lahat yan! Magaganda di ba? Alam mo naman ako, magaling pumili! Hindi pwede ang basta-basta sa akin! Only the best and the most alluring ang pumapasa sa amin! Pero talbog silang lahat sayo Stacey! Mas maganda at sexy ka pa kay Andrea! "

"Andrea?" Stacey asked.

Tumango si Bella. "Yung isa sa mga talent ko! Yung na hit and run ng kapatid mo! Gusto mo mag-full time modelling ka na lang? Pwedeng-pwede ka! Sayang naman ang ganda mo! "sabi nito habang titig na titig sa kanya.

Base from how the talent manager is looking at her, Stacey ‘s hands went cold and clammy. Tila kinabahan siya but she needs to confirm with Bella.

"Ano bang klaseng modelo si Andrea?" tanong niya.

Lumapad ang ngiti ng bading, "Modelo ng men's magazine!"

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height