His Possessiveness/C1 PROLOGUE
+ Add to Library
His Possessiveness/C1 PROLOGUE
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 PROLOGUE

PROLOGUE

(SANDRA)

"Congratulations Alexandra!"

Bumeso ako kay Alice at ngumiti sa ilan naming nadadaanan.

"Thanks! Hindi ko talaga inaasahan, Alice."

Hinila niya ako sa couch dito sa isang exclusive bar. We're here to celebrate my first achievement as an aspiring model. Natanggap ang aking portfolio sa isang agency. At first, Im hesitant to pass it since wala akong tiwala sa sarili ko at ayaw kong ma-dissapoint ako sa sarili ko kung hindi ako matanggap.

After two months, worth it naman ang paghihintay ko. Alice smiled on me.

"Sobrang bilis mo kumpara sa iba. Iba talaga ang ganda mo!"

Sobrang thankful ako kay Alice dahil siya ang naging kasama ko at tumulong sa akin. Nakapagtapos na ako sa kursong Business and Management.

"Baliw ka talaga. Salamat sa'yo, ha? Makakatulong na ako kay nanay."

Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa nanay ko. Nagtitinda kasi siya ng tinapa, daing at iba pa. Gusto ko siyang mabigyan ng sariling pwesto sa palengke. May tinitingnan na akong pwesto at tingin ko ay okay naman sa budget.

"Wala 'yon, mabuti nga at sa agency ng kaibigan ko ikaw napunta. Siguradong big catch ka sa kanila. Mamaya na tayo magdramahan , um-order ka na!"

"Baliw ka! Anyway, um-order ka na rin. Sagot ko na, minsan lang 'to."

Tumawag agad siya ng waiter at umorder ng tequila. Ang sa akin naman ay lady's drink lang. Hindi ko talaga kaya uminom ng tequila, margarita, o kung ano pang alak diyan. Iniisip ko pa lang ang hangover na dadanasin ko sa pag-inom ay ayoko na agad. Isa pa, ang sabi nila ay mapait daw ang alak at hindi ko maintindihan kung bakit nila gusto yon.

"Girl, kanina pa ako may napapansin."

Tiningnan ko siya gamit ang nagtatakang mata. Hindi ko kasi marinig masiyado dahil sa lakas ng tugtog. The party song is so loud that can make me dizzy and irritate. Idagdag pa ang malikot na mga ilaw, kaya ayoko sa bar.

"Sabi ko, may napapansin ako!"

"Anoooo?"

"May lalaking natingin sa'yo. Iba talaga ang karisma mo." Umiling na lang ako sa kanya. Imposible ang sinasabi niya. I don't have a big bosoms and a hour-glass body shape. Isa pa, hindi ako ganon kaganda.

Maybe, mali lang ang tingin niya o kaya nan-ti-trip lang.

"Ang gwapo o!" Umiling ako sa kanya.

"Tumigil ka nga, baka anong sabihin sa'yo no'n. Nakakahiya ka!" saway ko pero inirapan niya lang ako at hinila sa dance floor.

"Tara na lang sa dance floor. Dali!" Umiling ako sa kanya dahil hindi ko gusto ang pagsayaw sa mga ganitong lugar.

Alam kong maraming may masasamang loob dito. I'm not being judgemental, but I heard some feedback about clubs. I dont know who I can trust here. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon.

"Dali na! Ang KJ mo talaga, Sandra. Kaya wala kang boyfriend, e!"

Sumimangot ako dahil sa kanyang sinabi. Well, it’s true kasi I'm NBSB. I'm not that approachable, lalo na sa mga lalaki. Magiging komportable lang ako kung ramdam kong ligtas ako sa taong yon.

"I don't need that. Mas priority ko ang pamilya ko at career. At wala akong time sa kanila kaya tigilan mo ako."

"Okay! Ako na ang malandi! Grabe ka Sandra, best daughter award goes to you! Dyan ka na nga!"

Napailing na lang ako kay Alice. Medyo wild talaga siya, lalo na at mahigpit ang magulang niya noong teen niya kaya ngayon bumabawi. I cant stop her since its her happiness and the only things I can do is to guide her and give her a warning.

Pinanood ko lang siya sumayaw habang pinalilibutan ng mga lalaki. Alice is beautiful. She has morena skin, good chest, and big butt. That's why guys drool over her and she loves wearing a sexy clothes. Pinaghirapan nya rin naman ang katawan nya sa laging pag-e-exercise.

"Hi, are you alone?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Mukha namang disenteng tao base sa pananamit nito na mukhang mahal.

"I'm not," I said to him. Actually, he is cute but I'm not here to flirt or whatsoever.

"Do you want a drink? I'll treat you! Ano?"

Inirapan ko siya para mapakita na wala akong pake. Mukhang makulit ang isang to. I should ready my patience. Wala naman akong nararamdaman na masama sa kanya.

"You know what, I can afford the drinks here. No need to treat me, I don't need a real life credit card."

Tinaas niya ang kanyang kamay na para bang sumusuko. At tumawa nang mahina kaya nawi-weird-uhan ko siyang tingnan. Baliw ata ang isang to.

"Woah! Stop there cutie, I'm being nice here. Sungit mo naman!" nakanguso nyang sabi at padabog na umupo sa tabi ko. Hindi ko tuloy maiwasan ma-guilty.

I pouted because I'm rude earlier. Inaamin ko na ang OA ko. Siguro nadala na ako sa lumalapit sa akin tapos babastusin ako. Hindi ko kasi maiwasan mag-overthink.

"S-Sorry! It just that..." Hindi ko matuloy na sabi dahil nahihiya ako. Nagliwanag ang mukha nya at tumingin sa akin nang maigi.

"I'm not a maniac don't worry. I just saw you with a sad eyes so, I thought you need someone to talk. Sometimes, talking to a stranger can get off your bad feeling."

Tinaasan ko siya ng kilay. Mabait ba talaga siya? Baka ginogoyo lang ako nito. At ano ba ang sinasabi niyang sad eyes?

"Well, wala talaga akong problema. Hindi ko alam ang pinagsasabi mong sad eyes. I'm watching my friend, there! Gets?" Itinuro ko ang kinaroroonan ni Alice. Tumango siya sa akin.

He pouted and sat again on my side.

"Oo na, I'm Jace Evangelista. You? Sigurado ang ganda ng name mo, no?"

"Alexandra, what do you want?"

"Gusto lang kita maging kaibigan. Friends?"

"Yeah, whatever! Bye!" Tumayo na ako at lumabas ng club. Wala rin naman akong ginagawa roon. Lalo na at hindi ko talaga hilig pumunta ng club. Napa-english tuloy ako lalo na at mukhang mayaman yon.

Dahil wala naman akong sasakyan, naghintay ako ng jeep. Gabi na kaya kaunti na lang ang nadaan na sasakyan. Uuwi pa ako sa Cavite at siguradong gabing-gabi na ang uwi ko.

"Para po!"

Tumigil ang bus at sumakay ako. Marami ang sakay kaya kinailangan kong makisiksik.

Naalala ko bigla si Alice, hindi nga pala ako nakapagpaalam. Kinuha ko ang Oppo kong cellphone at ni-text si Alice. Mabuti na lang at may load pa ako. Makalipas ang isang oras na pagkakaidlip ay natanaw ko na ang terminal. Bumaba ako at naghanap ng byahe papunta sa barangay namin.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay bumaba na ako. Nilibot ko ang tingin sa bahay namin. Sakto lang ang laki at may pinturang light yellow. May outline sa baba na kulay peach maging ang gilid ng mga bintana. Maayos ang bahay namin dahil sa pagtitinda ni nanay ng kung ano-ano.

Naka-tiles na rin kami pero walang kisame. Hindi uso sa amin dahil hindi ko rin alam. Okay lang naman basta maayos ang bahay.

Mahilig din si nanay sa mga halaman kaya marami siyang binibili na paso. Napailing na lang ako nang makita na may dalawang pasong nadagdag. Isang linggo rin kasi ako kay Alice para malapit sa agency. Malayo kasi ang aming bahay lalo na at Cavite pa to.

Pagpasok ko sa bahay ay bukas na ang ilaw at wala si nanay. Baka nagtitinda sa palengke at alam kong wala siyang magandang pwesto. I hope maganda ang maging trabaho ko.

Binuksan ko ang refrigerator at nagluto ng sinigang. Paborito iyon ni nanay at nagsaing na rin ako. Alam kong pagod siya sa pagtititnda kaya gusto ko na makakain siya ng masarap na hapunan.

Tatlo kami sa bahay, ako, si nanay at ang pamangkin ko. Sa amin na tumitigil ang pamangkin ko dahil hindi na kaya ng ate ko na alagaan. At saka mas gusto ng pamangkin ko rito.

"Tita! Ano 'yan?"

"Nakakagulat ka naman! Sinigang, bakit?"

"Pahingi ha? Maglalaba muna kami ni mama. Wala na kasi silang kuryente kaya hindi makapag-washing machine." Tinanguan ko lang si Rome at nagpatuloy sa pagluluto.

Panganay siya kaya kahit lalaki ay siya ang katulong ng kapatid ko sa mga gawaing bahay. Napailing na lang ako dahil gabi na pero maglalaba pa sila. Ang hirap kasi ng sitwasyon nila.

Pagkatapos ko magluto ay kumain na agad ako at nagbihis. Bukas na ang simula ng one week training ko kaya kailangan kong mag-impake para bukas. Doon muna kasi ako sa condo ni Alice.

***

"Sandra! Nakapagluto ka na ba?" sigaw ni nanay.

"Oho! Kumain na po ikaw, usap us latur!"

Naabutan ko si nanay sa lamesa na nakain na. Umupo ako sa tabi niya at huminga nang malalim. Sana payagan ako ni nanay.

"Nanay, magta-trabaho po ako sa Maynila. Sa condo po ni Alice muna ako uuwi..."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height