C16 CHAPTER FIFTEEN
SANDRA
Nakarating kami sa SM Trece dahil 'yon ang pinakamalapit na mall ditto sa amin. Maganda naman dito so, I think okay lang. At hindi naman ako ang mamimili kaya bahala si Zaki.
"Linggo nga pala, kaya ang daming tao," mahinang sabi ni Zaki habang palingon-lingon. Mukha siyang alien na ngayon lang nakakita ng tao.
"Oo hijo, karaniwan naman kasing pahinga 'yon at family day ng mga tao